Chapter 7

6 0 0
                                    

Tulad ng dati kailangan kong mag busy-busyhan sa mga gagawin ko. Ang dami-daming tambak na papel sa ibabaw ng mesa ko. Hindi pa man lang din nakapagtext si Manolo kaya magmumokmok na muna ako sa ngayon.

" Miss Crisanta may pagtitipon po sa baba at pakidala na din daw po nung paper works. " narinig ko bigla yung boses ng isa sa mga staffs doon kaya napalingon kaagad ako sa pintuan ng working area ko. Seryoso ba silang dadalhin ko 'tong gabundok na papel na 'to?

Wala naman akong choice kundi dahil naalamang iyon pababa. Kakadungaw ko pa nga lang eh nakita ko nang napakaraming tao na sa baba.

Sigurado akong may bagong employee na naman ang dumating. Nakagawian na kasi ang magtipon kapag may bago.

Mag-isa kong pinapasan ang mga papel sa palad ko at wala man lang ni isang tumulong sakin. Hindi ko naman makita kung sino yung nandoon na kasama ni chairman kasi maraming nakapalibot.

" Simula ngayon makikitrabaho na rin si Mr. Pedrosa saatin. He'll be handling the sales of the company ok kaya magpakabait kayo sakanya. "

Pedrosa? Hindi ako nagkakamali sa narinig ko. Alam kong si Manolo yung nandoon. Bakit sya nandirito?

Nailagay ko na lang yung mga papel sa may secretarial department. Matagal na kong nagbigay ng application form dito sa secretarial department pero hindi talaga ako matanggap.

                                                               ***

Wala pa akong kasiguraduhan na si Manolo nga iyon pero ngayon, siguradong-sigurado na ako. Mabilis kumalat ang tsismis dito sa loob ng kompanya lalo na sa mga kababaihan.

" Oh bakit nag-iisa ka? " bigla akong tinabihan ni best friend sa pagkain dahil mag-isa lamang akong nakaupo sa canteen.

" Ano sa tingin mo? " mas gusto pang mailuwa ng bibig ko yung mga kinakain ko.

" Ano naman ngayon kung nandirito si Manolo? "

" Ewan ko lang. Wala naman yung kaso sakin. Pero, hindi nya man lang pinaalam sakin. "

Kumain na lang ako ng kumain kahit busog na ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naninibugho ako. Sa totoo lang eh iniisip ko yung tatlong maldita sa secretarial department. Halata namang interesado sila kay Manolo.

                                                                     ****

Nautusan uli akong dalhin yung mga natapos ko nang i-print sa secretarial department. Malamang na malayo pa ang lalakarin ko sa laki ng kompanyang 'to. Pasalamat na lamang at mayroong elavator.

Laking gulat ko na lamang ng makita ko syang napalilibutan ng tatlo habang kumakain. Malamang na sasama sya sa kanila dahil, hindi nya naman alam na dito ako nagtatrabaho.

" Amiyumi? " halos hindi na ako makagalaw nang tawagin nya ang pangalan ko at pagtatagain ako ng mga mata nung tatlo. Clueless ang pinakamagandang salita na maibibigay ko sa ngayon kay Manolo.

" Wait, kilala mo sya Manolo? " nang tumango si Manolo, napansin kong mas tumaas yung tensiyon sa kanilang mga pagmumuka. Nanitili lamang akong nakatayo sa may pintuan habang nag-aabang nang akto para mailapad ko yung mga papel sa mesa.

" Amiyumi, kilala mo sya? " may halong galit yung tono ng kanyang boses kaya tango na lang din yung naisagot ko sakanya. Gusto kasi nila na sila lang dapat ang kakilala ni Manolo sa tingin ko.

Malamang galit na naman sila sakin dahil magkakilala kami. At isa pa mas lalong magagalit sila kapag nalaman nila ang relasyon namin ni Manolo. Ayaw ko mang itago, wala naman akong magagawa. Parehong mahalaga sakin si Manolo at ang trabaho ko. Kailangan ko talaga syang makausap.

Wala uli akong magawa kundi panoorin sila pati na rin ang mga mata ni Manolo na nakatuon saakin.

" Magkaano-ano ba kayo? " mas ikinabigla ko yung sumunod na tanong kaya napalunok ako ng laway. Inunahan ko nang ibuka ang bibig ko kay Manolo bago pa man nya masabi ang tunay na relasyon namin. Ayoko ng gulo dito at isa pa, para sa kanila, madali lamang akong sesantihin kasi ama nung nagtatanong sakin ang CEO ng kompanya.

" Magpinsan lang naman kami Ms. Mylene. Bakit po? Oo nga pala po, ito na lahat yung pinapagawa nyo sakin. "

Marahan kong pinagmasdan yung naging itsura ni Manolo habang ilinalatag ko yung mga papel malapit sa kanila. Gusto ko syang makausap.

" Amiyumi, pwede ba kitang makausap ng saglit man lang? " ani Ms. Mylene. Sumang-ayon na lamang ako bago pa may mangyari. Inunahan ako ng kaba kaya marahil nanlalamig yung buo kong katawan.

Nang makalayo na kami sa kanila eh bigla na lamang akong hinawakan ni Ms. Mylene sa abaga at tinaadan ng kilay.

" Amiyumi bakit hindi mo sinabi saaming may napakagwapo ka palang pinsan? "

" Hindi ko po kasi alam na dito din pala sya magtatrabaho. Minsan lang po kasi kami magkita. "

Pinaikot-ikot nya yung kamay nya sa may abaga ko na mas lalo kong ikinakaba. Hinayaan ko lang syang tingnan ako ng mata sa mata.

" Bakit po Ms. Mylene? " nakuha ko pang magsalita kahit na palakas ng palakas yung pintig ng puso ko.

" Diba gusto mong makapasok sa secretarial department? "

" Oo nga po Ms. Mylene. Taon-taon po akong nagbibigay ng application form sa secretarial department. " kumalma na ko ng simula nya akong tanungin tungkol sa pag a-apply ko sa secretarial department. Siguro, dahil sa nalaman nya eh napag-isipan nya nang pasukin ako sa SD.

" Ipapasok kita sa Secretarial Department ngunit, may isang kapalit? " kunot noo kong hinarap yung tanong nya saakin habang sinusubukan kong basahin yung kung ano man ang nasa isipan nya. Malakas yung kutob kong magiging masama saakin ang kapalit nitong pagpasok ko sa SD.

" Ano po iyon Ms. Mylene? " her face went delighted. Akala nya siguro na pumayag na ako porket tinanong ko sya kung ano iyon. I'm afraid the consequences which may come are worst than this one.

" Gusto kong ipaglapit mo kami ni Manolo. Pinsan mo naman sya diba? "

Sumimangot yung muka ko sa sinabi nya. Aba, hindi yun pupwede. Kapag hindi ko yun sinunod maaring hindi ako makapasok sa secretarial department o kaya naman tuluyan na kong mawala sa kompanya.

Bakit kung kailan naman halos perpekto na ang lahat, napakalaki naman ata ng pagsubok na ibinibigay saakin?

Ayokong sirain ng isang promotion lamang ang nasimulan naming relasyon kaya pinapangako ko kay Manolo, gagawa ako ng paraan.

                                                                    ***

Author's Note: Nagustuhan nyo ba? Kapag kukunti ang reads hindi na yata ako mag uupdate. Nakakapagod na din kasi eh pero pag marami uupdate ako para sainyo ^^

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon