Chapter 15

7 0 0
                                    

Isang linggo ang itatagal ng bakasyon nila sa Tagaytay. Sa apartment lang nauubos ang oras ko sa buong magdamag. Minsan, bumibisita rin si Manolo sa apartment ko.

Pagkatapos ng isang linggo, handa na uli akong tumungtong sa kompanya. Handa na ako kung paalisin man ako o kami ni Ms. Myelene.

Hindi ko alam pero nanlalamig padin ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim at pumunta sa department namin. Nakatuon ang lahat ng mga tingin saakin.

Hindi ko na kailangan pang magtaka. Maaaring kumalat na ang tsismis tungkol sa relasyon namin ni Manolo.

" Amiyumi, pinapapunta ka sa secretarial department. " bungad sakin ng isa kong katrabaho.

Agaran naman akong naglakad papunta sa SD. Kusa ko nang binuksan ang pinto at bumungad saakin si Ms. Mylene. Sya lang mag-isa ang naroon.

" Nakalaya ka pa pala dun sa bus ha?  At nag leave ka pa talaga sa vacation natin ha? Damn it Amiyumi! Kung gagawa ka ng katarantaduhan, sisiguraduhin mong walang nakakaalam. Salamat dun sa nagbigay ng pictures sakin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko pa malalamang may relasyon kayo ni Manolo.   "

" Anong pictures Miss Mylene? At sino ang sinasabi 'nyo? " Kinabahan ako bigla sa sinabi nyang iyon. Pano nga ba nalaman ni Miss Mylene.

Inirapan nya pa ako at nagpaligoy-ligoy pa bago sinagot ang tanong ko.

Mas tumindi yung kaba ko sa pasuspensyong ginagawa ni Miss Mylene.

" Alam mo, simple lang naman eh, minsan kasi yung itinuturing mong kaibigan sya pa pala yung babaon sayo sa lupa. "

Samo't saring tao ang pumasok sa isipan ko. Kung sinu-sino pero, parang wala naman sa kanila.

" Wag mo nang pahabain pa Miss Mylene... " putol-putol ko pang sabi.

Napangisi sya at yumuko.

" Si Loisa, Ang itinuturing mong bestfriend. She did a good job! Well, infact kung hindi dahil sakanya hindi ko pa malalamang niloloko nyo ako. She did para tanggapin ko daw sya sa Secretarial Department instead of you. Sabagay, hindi ko naman talaga mapapakinabangan si Manolo, he's not even sweet enough---- "

Hindi ko na maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. May halong galit at lungkot. Hindi na ako nag atubili pang pahabain ang diskusyon namin ni Ms. Mylene.

Tumakbo ako sa baba habang umiiyak. Muntikan pa akong mahulog sa hagdan sa pagmamadali. Madali kong nakita si Loisa. Hawak-hawak nya ang sandamakmak na paperworks na nasa department pa siguro namin.

" Oh friendship, bakit ka umiiyak? " tanong nya sakin nang makita ako.

Nang makalapit na ako sakanya, malakas kong ibinuhat ang palad ko sa pagmumuka nya. Kinamumuhian ko sya sa ginawa nya.

" Akala ko ba Loisa, kaibigan kita? Para saan ba 'yung ginawa mo? "

Nagulantang sya sa ginawa ko kaya hinimas-himas nya yung pisngi nya. Masakit ba? Kulang pa nga iyon. Isang traydor! Nagsimula na ding makipag-usyoso ang iba kaya't nabaling saamin ang tingin ng mga katrabaho namin.

" Anong pinagsasabi mo Amiyumi? "

" Huwag kang magkunwaring wala kang alam! Gusto mo ng eksena? Eh di ba ikaw yung nagsabi at nagbigay kay Ms. Mylene ng tungkol saamin ni Manolo? Traydor ka! "

" Oo, ako ang nagbigay sakanya. Ang problema kasi sayo, masyado kang nagpakatanga dahil sa pagmamahal na yan! "

" Minsan lang ako magmahal Loisa. Pinagkatiwalaan kita. Bakit mo yun nagawa sakin? "

" Huh? Pinagkatiwalaan? Kasalanan ko ba yun? Hindi ko na hahayaan pang siraan mo ulit ang lahat sakin. Palagi mo na lang inaagaw ang lahat saakin Amiyumi! "

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nya. Nanggigigil ako sa galit. Hindi ko kayang magalit sa isang tao ng napakahabang panahon pero, dahil sa ginawa ni Loisa baka matutunan kong mawalan ng pasensya.

" Bakit? Ano bang kasalanan ko sayo? Ang secretarial department ba? Sinabi mo na lang sana sakin at baka naibigay ko pa. " napaiyak na talaga ako habang nagsasalita. Walang nangingialam saamin. Pinagmamasdan lamang nila kaming magpalitan ng salita.

" Wag kang magkunwaring mabait ka Amiyumi! Ibibigay? As if naman kaya mong bitawan yang pag aaply mo sa Secretarial Department?! "

" Ayoko sana ng gulo pero sinimulan mo. " Mas tumitindi yung pagsasagutan naming dalawa. Bakit sya nagkakaganito? Ibang-iba sya sa Loisa na kilala ko. Kung pwede ko lang palampasin ito kaso, hindi.

" Oh eh di kung ayaw mo ng gulo, simple lang naman eh, get out of my face. "

" Hindi naman ikaw ang magdedisyon nyan diba? " nanghahamon kong sabi sakanya.

" Madamot ka talaga eh noh? Ngayon gusto mong palabasing ikaw yung bida dito? Inagaw mo na nga yung dati kong buhay ngayon sisirain mo na naman ulit. " Alam ko ang ibig nyang sabihin.

" Bakit, sino bang nagsabi na masaya ako sa buhay mo noon? Sige, kung gusto mo ibabalik ko na ulit sayo! Sayong-sayo na ulit ang lahat. Magsama-sama na kayo nila Miss Mylene dahil diba, pare-pareho naman kayong makasarili! "

" Kapal din naman ng muka mo na insultuhin ako! "

Marahas kong pinahid yung mga luha ko. Lumabas na nga yung tunay na sya. After all these years, she's nothing but a big Liar!

" I'm sorry, nainsulto ka pala pero totoo naman eh, makasarili ka! Wala kang pakialam sa ibang tao kung makakasakit ka basta maging masaya ka lang! " sarkastikong-sarkastiko kong sabi ng napakadiin.

" Talaga? Ako pa itong gustong sumaya sa pagpapakasarili ko? Oo nga, makasarili ako kaya nga naagaw mo sakin si Manolo eh when he was supposed to be my partner nung araw na imbitahan kita. "

" Well he fell in love with me first! " dire-diretso kong pangdedepensa sa sarili ko.

" Whatever! Nakuha ko na naman yung gusto ko kaya you can, leave me now! "

Sa pangalawang pagkakataon sinampal ko uli sya sa harap ng napakaraming tao and then left her standing there.

Napaiyak na naman ako. It was all because I treated her not just as a bestfriend, kundi isang instant sister.

Nagkamali lang pala ako sakanya. It hurts. Hindi ko alam kung ano'ng mali ang nakita nya sakin at nakuha nyang gawin iyon sakin.

Masakit saakin, maiintindihan ko sana kung sinabi niyang ginawa niya iyon upang makapasok sya sa Secretarial Department pero, inamin niya iyong totoo na hindi ako kaibigan sakanya. Hindi niya man lang ako ikinumpronta kahit isang beses man lang sa hinanakit niya sa akin gayong bestfriend ko naman siya.

Bakit pa kami umabot sa ganito?

Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya?

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon