Chapter 3

8 1 0
                                    

" Kung ano man yung nakita mo eh hindi ko ginusto yun! " inaamin kong sobra akong napahiya sakanya. Ano na lang iisipin nya sakin? Kaladkaring babae na kung kani-kanino na lang magpapahalik?

" Bakit mo sinasabi sakin yan? " medyo napansing kong may kalamigan yung boses nya ngayon.

" Kasi, baka isipin mong malandi ako. Baka isipin mong masyado akong naging desperada dahil sa break up namin ni Hudas! "

ngumiti sya ngunit sa isang gilid lamang ng kanyang mga labi. Hindi ko minsan maintindihan ang ugali nya kasi masyado syang bipolar. Masyado syang seryoso sa buhay at masyadong mature kung mag-isip.

" Bakit mo naman naisip yan? Ang hilig talaga maglakwatsa ng utak mo katulad na lang ng mga paa mo. Pumasok ka na nga lang sa apartment mo. "

Wala naman palang kaso sakanya, eh di mabuti! Pinagmasdan ko sya ng maigi. Hindi ko napapansing masyado na syang maraming naitutulong sakin. Halos kapatid na nga ang turing ko sakanya pwera na lang kung inaasar nya ko.

" Wala naman palang kaso yun sayo, eh di mabuti. Sige mauna na ko. Good night Ravi! " nginitian ko na lang sya para hindi nya isiping apektado ako sa mga nangyari pero, sincere yung ngiti ko.

" Sige na, pumasok ka na nga lang. "

Kinawayan ko sya habang naglalakad ako papasok ng apartment ko.

Kung pupwede nga lang na maging best friend ko sya eh ginawa ko na kaso hindi kami masyadong close. Sa tinagal-tagal ay hindi pa nga ako nakapag open ng mga bagay sakanya.

Kapit-apartment ko lang talaga sya.

Manolo's POV

Am I falling in love again? Ang bilis naman ata kung Oo man ang kasagutan sa tanong kong yan.

I thought magpapaka senti na lamang ako habang-buhay. The first time we met and the first time I laid my eyes on her, nag-iwan sya ng impact sa puso ko. I like her personality so much. She is such a cheerful person and always puts a smile on her face.

Kanina nung naglalakad kami sa boulevard circle eh hindi ko napansin yung kagandahan nung lugar. Sa mga sandaling iyon ay hindi napikat ang mga mata ko sa kakatingin sakanya. Hindi naman sa nagpapaka-OA ako but, I can't help.

While driving I'm trying to remember every moment that happened this day maliban na lang when I kissed her on her cheeks. Did it bother her?

Hindi kasi sya mapakali nung hinalikan ko sya sa pisngi and it seems na ilinalayo nya yung sarili nya sa pagkikidikit sakin.

Maybe she's just surprise na nagawa ko ang bagay yun. While driving ay nakatanggap ako ng tawag galing sa isang unregistered number.

" Ikaw ba si Manolo Pedrosa?! " Nagulat ako at alam nya na kaagad ang pangalan ko. Walang modo ang isang 'to ha, hindi man lang bumati.

" Oo po bakit? Sino po sila? "

" Ako ang kapatid ni Amiyumi Crisanta! " I was surprised but, why did she call me and where did she got my number?

" Oh ok. Ah why are you calling? Anything I can help you? " I politely asked her while leaning on my chair. Sumiko na ako ng daan para makauwin na ako sa tinitirhan naming subdivision.

" Are you dating with my sister? Seriously! " she sounds angry but I don't have any idea why she asked that thing. As far as I know, we are not yet dating.

" Not yet but, sooner. Bakit po ba? " I didn't mean to add the word "po". I just want to sound so polite at baka ma turn off sakin ang kapatid ni Amiyumi.

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon