Walang humpay yung tawanan at kuwentuhan ng mga katrabaho ko. Masyado silang nagsaya kanina, pati na rin kami ni Manolo. It was fun.
Balik na naman kami sa pagpapanggap. I can't stop looking at him. Masaya ako kahit na sa maikling oras na iyon kanina.
Gabi na kaya't nagsibalikan na rin kami dito sa Hotel. Naisipan kong bumalik sa labas upang magpahangin.
Nakita ko si Ms. Mylene habang may hawak-hawak na flashlight.
" Good evening Ms. Mylene. Ok lang ho ba kayo? " sabi ko sakanya habang pinapansin ang emosyon nang muka nya.
" Kasi yung necklace ko na bigay pa ni Mommy nahulog ko yata sa bus. Help me find it please. "
" O sige po. "
Sinamahan ko naman sya sa bus. Hinalughog namin ang bawat sulok pero wala naman yung necklace na sinasabi nya.
" Miss Mylene, wala naman po dito yung kwentas. Hinanap ko naman po sa lahat ng upuan pero wala po talaga eh. "
" Nandito yun! Baka nandyan sa ilalim! Diyan sa may lalagyan ng bagahe. "
Ang tinutukoy nya eh yung lalagyan ng bagahe na nasa parteng ilalim ng bus. Bukas iyon kaya't pumasok na rin ako.
Linibot ko iyong tingin ko sa ilalim habang pina-flashlightan ako ni Miss Mylene.
" Miss Mylene wala ho dito yung kwentas niyo. "
" Silipin mo sa dulo, baka andun." rinig kong sabi nya mula sa taas. Umusog ako doon sa dulo pero wala pa din akong makita.
Nabigla na lang ako ng sumara yung pinto papunta dito sa ibaba at tuluyan ng sinakop ng dilim ang paligid.
" Miss Mylene, buksan nyo ho ang pinto! Miss Mylene! " sigaw ko mula sa ibaba.
" Gaga! Bakit naman kita pagbubuksan? Ano ako, tanga? Wag ka na ngang magsinungaling! "
" Ano ho bang ibig nyong sabihin? "
" Na ikaw at si Manolo ay hindi naman talaga magpinsan! "
Nawala yung takot sakin. I'm so stunned and surprise. Pano nya nalaman? Imposible!
Sunod kong narinig ang yabag nyang papaalis sa bus. Nagpatuloy ako sa pagsigaw. Mas dumagdag yung takot na nararamdaman ko.
This can't be happening.
BINABASA MO ANG
More Than A Broken Vow
RomanceUnang kita palang nilang dalawa sa isa't-isa, nag-iwan na ang bawat isa sa kanya-kanyang mga puso. They fell in love that almost seemed to be perfect... Amiyumi feels like she is the most special girl in the whole world. Kaya nung yayain sya ni Mano...