Chapter 9

10 0 0
                                    

Jade's POV

" Magpinsan pala kayo? Hindi masyadong halata Manolo. "

" Haha ganun ba? "

Nakakabingi ang kasinungalingang ginagawa namin. Pinagmamasdan ko lamang silang mag-usap habang ako naman ay kumakain. Alam kong labag sa kalooban nya ang ginagawa namin pero, mabuti na rin yung sinusunod nya.

" Bakit kanina ka pa tahimik jan? " natigil ako sa pagsubo ng kalabitin ni Judy yung kamay ko na nakalapag sa mesa. Sya yung katrabaho ko dito at madalas ding kasama dito sa canteen.

Alam ko kung bakit sila nagtipon-tipon dito. Sino nga ba naman ang babaeng hindi mauuto sa kagwapuhan ni Manolo. Hindi ko nga aakalaing makuhang pagtakpan ng muka nya ang kasinungalingan namin gayong malayong-malayo ang itsura nya saakin.

" Kanina pa kasi ako nagugutom. Nakakausap 'nyo naman si insan diba? " nakayuko akong nagsalita habang pinapaikot-ikot ang aking kutsara sa sabaw na nasa tasa.

" Bakit parang ngayon ko lang nakita itong pinsan mo? Diba isang beses sumama ako sayo sa family reunion ninyo pero, hindi ko naman sya nakita? "

Pinuno ko yung bibig ko para magkaroon ako ng oras upang mag-isip ng palusot sa biglang tanong ni Judy. Nakalimutan ko nga pala. Mahirap talaga itong kinalalagyan ko. Labag sa kalooban ko ang magsinungaling pero, wala naman akong magawa.

" Wala si insan noong family reunion. Hindi sya nakadalo for some private matters. " Nakita ko namang kontento na sya sa naging sagot ko at napasubo na lamang din ito.

Bakit kaya nakabusangot si Ravi at parang hindi nya man lang ako napansin nang dumaan sya sa harap ng mesa namin. Hindi ko na sya maintindihan at palaging ganun na lang ang pakikitungo nya saakin.

Wala akong maling nagawa sakanya sa tingin ko.

" Ravi! " Naglakas-loob akong tawagin sya kahit na kinakausap pa nila ako. Napalingon sya sa pagtawag ko kaya umakma akong lapitan sya pero natigil ako ng hatakin ako pabalik ni Manolo. Malakas ang pagkakapihit nya sa kamay ko kaya napaupo ako pabalik sa silya.

" Insan kakausapin ko lang si Ravi. " hindi nya gusto ang sinabi ko pero kailangan ko syang makausap. Nahihiya na din kasi ako kay Ravi. Hindi ko man lang sya makuhang pasalamatan. Isang araw eh nadatnan ko ang apartment na linis na at nahugasan na rin ang mga pinggan. Masyado ko na syang naabala.

" Bilisan mo lang, " kagat-labi syang nagyuko ng ulo. Naramdaman kong inusog nya ang silya papalapit sakin. Sa tono ng boses nya alam kong komplikado na para sakanya ang lahat.

Habang kumakain sya ay naupo ako sa harap ng kanyang mesa. Wala syang pakialam kung nandoon ako. Pinagmasdan ko syang kumain habang hinihantay na mapansin nya ang presensya ko doon.

" Ravi, bakit ganito ang pakikitungo mo saakin nitong mga nakaraang araw? "

Madiin nyang pinahid ang kanyang panyo sa bibig. Walang bakas ng emosyon ang kanyang muka. Parang ordinaryong Ravi lamang ang kaharap ko ngayon.

" Pinsan mo nga ba talaga si Manolo? " Iniwas ko ang tingin sakanya at binaling ang tingin ko kay Manolo. Nanunuot ang kanyang mga tingin ng muli ko syang tignan.

" Bakit hindi ka makasagot Amiyumi? " Parang tinakasan ako ng mga salita at hindi ko makuhang igalaw ang mga labi ko.

" Kailangan Ravi. " iyon lang ang nagi kong sagot kahit na marami akong gustong ipalawanag sakanya. Masyadong magulo ang isip ko

" Bakit kailangan? Amiyumi, ngayon lang kita nakitang magsinungaling. "

Nalungkot ako sa sinabi nya. Sinubukan kong tingnan sya sa mata pero, iniwas nya ang mga tingin nya saakin. Kahit hindi iyon nakatuon saakin pansin ko ang kalamigan nang kanyang mga mata pati na rin ang mga kilos nya.

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon