Chapter 10

16 1 0
                                    

Hinawakan ni Manolo ang magkabila kong pisngi habang magkatitig kami. I was waiting for his answer until he whispered my name.

" Amiyumi, " he claimed my lips and I was stunned ng simulan nyang angkinin ang mga labi ko. Sinagot ko ang gentle at passionate nyang halik.

" I'm sorry for thinking that way Amiyumi. Naiintindihan kita. I love you and I'm really sorry. " muli nyang inangkin ang mga labi ko. Kumalas kami upang habulin ang aming hininga. I snaked my arms around his neck at nagtama ang aming mga noo habang pinagmamasdan ang bawat isa.

" Salamat at naiintindihan mo na ko ngayon. Wala na saakin iyon. Patawarin mo rin ako dahil hindi ko isinabi kaagad sayo. "

Hindi ko alam kung ano ang kakaiba kay Manolo. Habang sinisimsim nya ang mga labi ko ay walang ibang laman ang utak ko kundi ang tugunin iyon. Parang iyon ang pinakatamang bagay na gagawin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong matiklop ng mga paa ko. Habang naghahalikan kami paulit-ulit na tinanong ng isipan ko kung nasasarapan ba ako sa halik ni Manolo?

Isang mahinang katok ang namagitan sa katahimikan naming dalawa. Hindi ko inasang bubukas kaagad iyon nang makita kong pumihit ang seradora sa may pintuan.

Halatang nagulat si Ravi saamin ng makapasok ito sa apartment ko.

May dala-dala na naman itong tupperware.

" Dinala ko lang Amiyumi itong ulam mo. " Hinayaan ko syang ilatag iyon sa mesa at saka naglakad papalapit sa pintuan. Natigil sya sa paglabas ng mismong si Manolo ang tumawag sa pangalan nya. Hindi ko rin iyon inasahan.

" Bakit? " puno ng pagtataka ang tono ng boses ni Ravi at alam kong nagulat din sya.

" Manolo nga pala pare. "

Nanigas ang mga panga ko ng ilahad ni Manolo ang kanyang kamay kay Ravi. Tinanggap rin iyon ni Ravi.

" Paseneya na at nagkamali lang ako ng akala. Masyado kong binigyan ng kahulugan yung nakita ko kanina. "

" Sige pare. Kayo na nga ba talaga? Congrats Amiyumi at sa wakas nakahanap ka na rin. " Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso sya sa sinasabi nya pero alam kong maayos na sila. Nginitian ko na lamang silang dalawa.

" Manolo, ingatan mo yang si Amiyumi ha. Hindi ko na rin sya kailangang alagaan at paglutuan ngayong nandito ka na rin naman. Isang bagay lang ang hihingin ko sayo" Huminto sya ng ilang segundo at nagsalitang muli " Wag na wag mo sanang papaiyakin yang si Amiyumi. "

gusto kong maluha ng sabihin iyon ni Ravi. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon sakanya. Ngayon ko lang din nakita ang kakaibang emosyong iyon ni Ravi.

" Maasahan mo 'ko pare. "

" Sige, babalik na ko sa apartment ko at may ginagawa pa ako. "

Tinanguan ako ni Ravi at nginitian ko din siya bago sya lumabas ng apartment ko. Kami na lang uli ang naiwan doon sa loob ng apartment.

We shared a lot of thoughts inside our heads with the use of our eyes. Ngiting-ngiti sya at ganon na rin ako. Masiya ako at muli ay natahamik na din ang kalooban ko.

" Blossom, may gagawin ka ba? "

" Wala naman. Bakit? "

Lumarawan uli ang mga ngiti sa kanyang muka. Dumukwang ito at binigyan muli ako ng mabilis na halik.

" Tara blossom,labas tayo? "

Mabilis kong inayos ang sarili ko tutal isang local bar lang naman daw ang pupuntahan namin. May kalayuan ito sa apartment ko ngunit madadala naman kami ng sasakyan nya.

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon