Amiyumi's POV
Nakakaantok naman. Hindi man lang bumisita dito sa apartment ko si Loisa. Nakakasura ang katahimikan dito sa loob plus, nagugutom na ko. Gusto kong kumain ng manggang hilaw tapos chicharon o kaya naman singkamas.
Mahirap talaga kapag nag-iisa ka lang. Yun bang kailangan mo nang taong makakasama mo sa loob ng bahay mo at handang pagtiyagaan kang silbihan. Katulong kumbaga.
Lupaypay kong binuksan yung pintuan at bumulaga sakin yung pagmumuka ni Ravi. Sya yung katrabaho ko, kaibigan ko tapos katabi na rin dito sa apartment.
" Ano bang kailangan mo? " nanghihina at malungkot kong sabi.
" Hindi ka man lang nagbukas ng ilaw. "
Pakialam nya ba eh mas sanay ako sa madilim. Mas gusto ko yung ganun kaysa naman bukas yung ilaw, ang taas pa naman ng singil sa kuriyente.
" Ang burara mo talaga! Tingnan mo nga yan, ang kalat-kalat! " naiinis nandugtong pa nya sa sinabi habang iniikot yung mata sa apartment ko.
dumiretso sya sa center table at ilinapag yung baunang dala-dala nya.
Napabuntong-hininga na lamang ako sabay naupo sa sofa. Grabe nakakabagot tapos ang boring.
" Eh di kung nadudumihan ka umalis ka na lang! "
" Sino naman bang gustong magtagal dito? Kung hindi ka lang binilin sakin ng mama mong alagaan ka.... "
walang kwenta na naman kung makikipagdiskusyunan na naman ako sakanya. Nababanas ako sa hindi ko alam na paraan.
" Bakit ba ang lumya mo? " seryoso nyang tanong habang dala-dala yung kinainan ko. Sya na din kasi yung maghuhugas kaya wala akong magagawa kung tratuhan nya ko eh parang kamahalan,
" Wala ka na dun! "
" Siguro kasi brokenhearted ka dun sa crush mo no? "
Binato ko na lang sya ng isa sa mga unan dun sa sofa. Ito ba yung sinasabi nyang pangangalaga? Mas madalas nya pa nga akong asarin
" Ano ba Yumi! Kung ganyan ka talaga palagi eh wala talagang magkakagusto sayo. " talaga isa pa 'to! Nakakasura talaga ang lalaking 'to.
Mas dumagdag yung lungkot ko dahil sakanya. Hindi naman ako brokenhearted, naloko lang naman.
" Sige na nga hindi na kita aasarin. Oo nga pala, dinalhan kita ng pasta. Diba sabi ko sayo, wag kang kain ng kain ng Dry Noodles? "
pakialam ko sakanya kung magmuka man syang tanga sa kakasalita. Wala akong balak na kausapin sya. Napayuko na lang ulit ako habang iniisip yung sinabi nya.
Narinig ko na lang na lumagapak yung pintuan ng apartment ko.
Nakalabas na nga sya.
Dumiretso ako sa center table at binuksan yung dala-dala ni Ravi na pasta. Gigil na gigil kong binuksan yung pasta at agad na sumubo.
Wahhhhh *U* Ang sarap.
------------------------------------------------------------------------
" Walang magagawa yang pagmumokmok mo Amiyumi! Kung ako sayo eh kalimutan mo na si Joms! Walang magandang maidudulot sayo yung lalaking yun. "
Bakit ba kasi nagkakaganito ako? Hindi ba ko maganda? Kailangan ko na talagang magkaroon ng boyfriend sa madaling panahon! Ako na lang yung palaging naiiwan. Bakit ba kasi, kung SINO PA YUNG MARUNONG MAGMAHAL EH SYA PA YUNG NASASAKTAN
NAPAKARUWAL TALAGA NG MUNDO SAKIN
" Bakit panget ba ko Loisa? "
Binuksan nya yung bag nya tapos hinablot yung salamin.
BINABASA MO ANG
More Than A Broken Vow
RomansaUnang kita palang nilang dalawa sa isa't-isa, nag-iwan na ang bawat isa sa kanya-kanyang mga puso. They fell in love that almost seemed to be perfect... Amiyumi feels like she is the most special girl in the whole world. Kaya nung yayain sya ni Mano...