Chapter 5

7 0 0
                                    

Sa mga nagdaang linggo ay tuloy at bukas  na bukas na yung komunikasyon namin ni Manolo. Kahit marami akong ginagawa sa kompanya eh nakakakuha padinnaman ako ng oras para makipag-date sakanya.

Kahapon ay tinawagan nya kong manood ng sine pero yinaya ko sya sa beach kasi high school pa siguro ako nung huli akong nakapunta dito.

Hindi na gaanong matirik yung sikat ng araw tutal palubog na naman ito nguni,t hindi ito katulad noong mga nasa pelikula na makikita ang paglubog nito. Tanging ang sikat lamang nito ang nagi naming basehan pati na rin ang mga nakapintang kulay sa kalangitan.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang meron saamin ni Manolo kahit na nagdidate kami palagi and we hugged and kissed a lot of times.

" You look so pretty today. I can't resist looking at your face, Yumi. "

nagkadaop ang aming mga palad habang pareho kaming nakatingin sa maalong dagat.

" Hindi ka ba nagsasawang sabihin sakin yan? " binigyan ko sya ng ngiti na katulad nung una kaming nagkita.

" Hinding-hindi ako magsasawa. You are a very priceless gift Amiyumi. "

Lubusang napangiti ako sa mga mabubulaklak nyang salita. Oo masaya ako sakanya. He is a very thoughtful person.

" Amiyumi kailan mo ba ko sasagutin? "

inayos ko yung upo ko at saka hinagip ng mga mata ko yung mga mata nya. Binaling ko sakanya yung buong tingin ko. Kung pano nya ko titigan eh naaalala ko lamang kung gaano ko sya kamahal.

" Hindi mo naman ako tinatanong Manolo kaya sa tingin mo eh sasagutin ba kita? " iyon ang hinahanap ko. Hindi nya man lang ako natanong kung pwede bang maging kami. Malay ko bang kaibigan lang pala ang turing nya saakin.

" Kaya nga right now I am asking if you will give me your sweetest yes? "

bago pa man sumagot ang bibig ko ay matagal na iyong nasagot ng puso ko. Of course I will say YES. An unending YES.

" I will never break your heart Amiyumi. "

Suminghap ako ng preskong hangin. Matagal ko nang gustong sagutin ang tanong na ito ngunit yung tanong lamang ang nawawala noon pa man.

" Then Yes. " Binigay ko ang pinakamatamis kong ngiti at saka ako ngumiti. Wala na akong kailangang isipin ngayon na malinaw na saamin ang lahat .

Nabigla ako ng tumayo si Manolo at nagsisigaw na parang bata. He went spinning around then comes falling to the ground by me. Nginitian ko na lamang sya.

Tumayo ulit sya at ngayon namin nabigla ako ng buhaton nya ako. Hinayaan kong yakapin ako ng mga bisig nya. Masarap yung pakiramdam na ganitong nasa kamay ka ng pinakamamahal mong tao.

Habang akay nya ako ay nagtatakbo sya papunta sa dagat at nakita ko na lamang na nag splash na kami sa tubig. Kahit basang-basa na kami ay hindi na maalintana yung kasiyahang dala-dala ng kanyang muka.

" I love you Amiyumi, I promise to take care of you. "

" I love you too Manolo. " bago ko pa malaman ay naramdaman ko nang magkadampi ang mga labi namin. Dikit na dikit yung mga muka namin.

Kahit napaka simple lang naman yung halik namin, it was tingling and torrid. Ang sarap sa pakiramdam.

Tuluyan nang naglaho ang sinag ng araw.

                                                                ***

" Uy long time no see! " yun ang nakuha kong bati kay Loisa nung makita ko syang padaan sa harap ng working area ko.

" Hindi ko naman yun kasalanan. Masyado kang nagiging abala kay Manolo at nakalimutan mo na sigurong may best friend ka pa. "

Nginusuan ko sya at iniwan ko ng sandali yung ginagawa ko sa PC. Napakahigpit nung yakap ko kaya halos nagmumuka itong hindi kami nagkita nang ilang buwan. Hindi man lang sya yumakap pabalik kundi blangkado lang yung itsura nya.

" Grabe ka naman friendship kung makapagtampo. Sorry na, promise babawi naman ako. "

inirapan nya lamang ako pero alam ko namang hindi nya ako matitiis.

" Sige na nga! Ikaw kasi, hindi man lang nagsabing kayo na pala na halos tatlong buwan na. Hindi ka man lang nagkukwento. Madalang pa tayong magkita kasi mas nakatuon yung oras mo kay Manolo. "

Hindi ko din napansing ganun na pala ako. Kapag nagmamahal ka kasi nakakalimutan mong may ibang taong nakapaligid sayo. Gusto mong sya lamang yung nasa isipan mo. Hindi mo matitiis na hindi sya makita. Ang saya-sayang magmahal lalo na kung mahal ka din nung taong mahal mo.

Bigla naman akong na guilty sa best friend ko. Masyado ngang matimbang yung oras ko kay manolo.

" Pasensya naman. Hindi ko naman napapansing ganun na pala yung nangyayari. Isa pa, diba masyado naman tayong naging busy nung mga nagdaang araw? "

" Now you have to make up for your own mistakes at sana naman sigurado ka na friendship jan sa naging desisyon mo. Ayokong magsisi ka. Now,tell me about the kiss. " kinilig ako bigla sa tanong nya.

Gugustuhin kong ikwento sakanya ang buong nangyari at hindi ko makakalimutan ang bawat eksena. Gusto kong maikwento at ma-ish-are ang kasiyahang nararamdaman ko sa best friend ko.

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon