Chapter 11

8 0 0
                                    

--- Sorry sa late update.. madalas kasi akong atakihin sa puso at busy din kaya ngiti-ngiti na lang ^^ Marunong na din akong mag Yoga kaya try nyo din para sa Positive Life!!!! -----

uupdate nalang din ako ng chapter 12.. wala namang nagbabasa.. pero salamat sa 49 readers

-------

Pinatawag kami para sa isang meeting. Si Ms. Mylene ang tagapangasiwa ng ganitong mga bagay. Masakit sa paninging tinatabihan nya si Manolo. Parang may kung anong kidlat na gumuhit sa karimlan!

" Alam na naman siguro ng iba kung bakit nagpatawag ako ng meeting. Finally, naaprubahan na ang ating tour and one week vacation sa Tagaytay. Sabi ko na nga ba't basta ako ang humihingi ng pabor eh palaging pinagbibigyan ni Chairman. "

May pang-aakit ang mga mata nya kay Manolo habang inaanounce nya iyon. Parang kagabi lang eh ang ganda at halos perpekto ang lahat. Masaya pa sana ako kaso sa nakikita ko ngayon, nawawalan ako ng pag-asa.

Matagal-tagal ko na ding pinagsilbihan ang kompanyang to.  Parang pamilya ko na ang kompanyang ito. Masaya akong pinagsisilbihan ko ang kompanyang ito.

"  So, that's it. And by the way, " Saakin itinuon ni Ms. Mylene ang mga mata nya. " Amiyumi, can you go at the secretarial department after this? "

Isang maikling tango ang naitugon ko. Kinakabahan ako at animo'y naglalaro ang isipan ko. Nalaman na kaya ni Ms. Mylene ang tungkol sa relasyon namin?

Isa-isang nagsialisan ang mga katrabaho ko pero nagpaiwan ang mga nasa financial department. Lumakad na lang uli ako pabalik ng working area ko. Tulala ako habang bitbit ang mga panibagong paperworks.

Saka ko lamang natandaan na pinapupunta nga pala ako ni Ms. Mylene sa opisina nila. Hindi kami nagkatagpo ni Manolo pagkatapos nung madaling meeting. Nung nakaraang gabi lamang eh ang saya naming dalawa.

Napahinga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang doorknob ng opisina nila Ms. Mylene. Lahat silang nakaharap sa computer at sa tingin ko'y napansin nila kaagad ang pagdating ko.

Nanghihinang tuhod kong linapitan ang mesa nila.

" Akala ko di ka na darating Amiyumi. Gusto ko lang paalalahanin sayo ang responsibilidad mo. Malapit na ang tour natin at sa tingin ko, doon, mas magagamit mo ang iniuutos ko. " Malanding humalakhak ang dalawa nitong alalay. I'm confused at parang kahit ni isa,wala akong naintindihan sa sinabi nya.

" Panong--? "

" I will surely have the chance para masolo si Manolo. Who knows, there is a romantic place there in Tagaytay. At ikaw lang naman Amiyumi ang makakatulong sakin. " nanglalandi ang tono ng boses ni Ms. Mylene.

Nagtatalo ang isip ko. Gusto ko mang tanggihan ang mga pinagsasabi nya eh wala ako sa posisyon upang gawin iyon. Para ko na rin namang inuuto ang sarili ko. Nagpapakatanga at sunod-sunuran sa hindi ko naman gusto. May magagawa pa ba ako?

" Bakit ang putla mo Amiyumi? Hindi ka din umiimik? May problema ba? "

" Wala naman po Ms. Mylene.  Kailangan po ba talaga ng tulong ko? "

" GUSTO MO BA NG PROMOTION MULA SA SECRETARIAL DEPARTMENT? Kapag tumanggi ka, siguro, alam mo na naman ang mangyayari. " sarkastiko ang tono ng pananalita nito.

Napasinghap ako ng saglit. Gusto kong mauntog ngayon sa pader at makalimutan ang lahat maliban na lamang kay Manolo.

Ano pa nga ba? Oo, napapayag ako. May magagawa ba ang pagtatalo ng isipan ko sa sitwasyong ito? isang malaking WALA ang sagot sa tanong na 'yan.

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon