Karylle
Nasa tambayan ulit kami ngayon dahil tatlong subjects lang ang mayroon dahil sa palaro sa gymnasium. Kailangan daw ng support ng school namin, pero I believe na kahit walang audience ay mananalo ang VVA. Walang duda, lalo na sa galing ni Viceral.
Ay speaking of him, hindi ko pa naca-cancel yung friend request ko!!! Alam kong masyado siyang famous kaya hindi niya rin ako maaccept pero ayoko pa rin makita nya 'noh!
"A-Ah, Anne?" Pabulong kong tawag. Hindi naman ata niya ako narinig, ayoko marinig nila Vhong ang tatanungin ko, pag aasarin lang ako ng mga yan.
Siniko ko si Anne dahilan para matanggal ang tingin niya sa phone at tumingin sa akin. Huminga muna ako ng malalim... "Anne, active user ba ng facebook si ano...si Vi-Viceral?" Bulong ko. Nakita ko naman ang pagngisi niya.
"Hindi kami friends sa facebook, eh." Napa pout naman ako. Kung active facebook user sya ay makikita nya agad yun...sana hindi.
"Pero alam ko, hindi naman. Hindi kasi nang aaccept!" Pag dagdag niya kaya napahinga ako ng maluwag. "Bakit?" She asked. Napasigh ako, I should tell Anne.
"Parang baliw 'tong mga 'to, share nyo yan! Girls talk?" Natatawang kantyaw ni Billy na nasa harap ko, si Anne kasi ang nasa tabi ko at katapat nya naman si Vhong.
Umirap ako sakanya at hinarap si Anne.... "Eh kasi, girl, na add ko siya. Teka, hindi ko sinasadya promise!" Lumakas ang boses ko kaya I bet narinig nila yun, wala namang paglagyan ang gulat ni Anne.
"Really? Omg Karylle!!!" Tili niya kaya sinenyasan ko syang manahimik. Nakatingin lang ang dalawang lalaki sa amin na naguguluhan.
"Icacancel ko na sana kaso ang bagal nung wifi, hindi na cancel. Anne, ano gagawin ko?" Pasigaw kong bulong.
"Hindi ata active user yun si Viceral, eh. I cancel mo na ngayon hangga't maaga pa." Binuksan ko ang phone ko at minamalas talaga ako dahil ngayon pa ako nawalan ng load at walang data.
"May data ka, sis?" I asked.
"Nako, wala na nga rin, eh. Malas mo sis ha!" Natatawang biro nya kaya napailing nalang ako.
"Billy! Vhong! Pahiram phone, pa data!" Sabi ko. Binelatan naman nila ako pareho.
"Alam ko namang may ano kayo diyan, di ko idedelete...alam ko namang kailangang kailangan nyo ya ka---" Sinipa naman nila ako pareho kaya tinignan ko sila ng masama.
"Siraulo!"
"Walangya!"
Sabay nilang sabi kaya natawa ako. "Sige na, pleaseee?" At dahil cute ako, binigay sa akin ni Billy ang phone nya.
"Thank you, Billy! Labyuu taba!" Ngiting tagumpay kong binuksan ang phone niya at nag log in. Kinakabahan naman akong itype ang password at tinap ang done.
Nakita kong sumilip si Anne sa akin. "Go girl, goodluck!" At tumawa si lokaret. Hindi ko sya pinansin, napapikit ako nang matapos na ang loading. Dumeretso ako sa 5 notifications.
Anne Curtis Smith mentioned you in a comment.
Vhong Navarro reacted on a post you're tagged in.
Billy, Vhong, Zia and 3 others liked the photo you shared.
It's Ernie's birthday! Greet him a happy birthday.
Jose Marie Viceral accepted your friend request.
Muntik ko na mabitawan ang phone ni Billy nung makita ko ang last notification ko. "Hoy yung cellphone ko!!!" Sigaw nya kaya nahawakan ko.
