TRUTH OR DARE (Showtime Fam Edition III)

968 30 3
                                    

Weeks later...

"Magsisimula nang umikot ulit ang laro. Si K na ulit tapos si Ryan, tapos ako, Anne and lastly, Vhong." Sabi ni Vice.

Nasa coffee shop sila na tanging sila lamang ang nakakaalam. Soon to be open sana ito pero binuksan na nila para mabawasan ang mga pag aalala nila at mapunta na lamang ito sa pagmamanage ng bago nilang coffee shop.

"We planned this for 2 years..." Walang emosyon na sabi ni Anne.

"Tapos tayong five nalang ang natira, sobrang laking effort ang binigay natin dito pero di pala natin sabay sabay mabubuksan in public." Dagdag pa nya.

"May contact na ba kayo kay Jugs? Buhay pa kaya sya?" Tanong ni Vice.

"Wala. Hindi nya sinasagot ang calls ko." Anne anwered.

"Ako rin. Wala rin sya sa bahay nila." Sagot naman ni Vhong. Tumingin ang lahat kay Karylle pero wala silang nakuhang sagot sa dalaga. Busy kasi ito sa laptop nya.

"Theressa Davida." Sabi ni K kaya napalapit ang iba sakanya.

"Who's Theressa Davida?" Anne asked.

Lumabas ang isang article na may mukha ng isang madre sa gilid. Zinoom in ito si Karylle na tila ba finifigure out kung saan nya ito nakita.

"I think I know her.."

"Ang sabi dito namatay na sya 3 years ago." Sabi naman ni Vhong kaya nagtaka lalo sila.

"I'm sure! I saw her!" Pinilit alalahanin ni Karylle kung saan nya nakita ang imahe ngunit wala talaga syang maalala ng clear.

"Panaginip?" Tanong ni Vice.

"Baka sa bar, ate K?" Tanong naman ni Ryan.

"Bar... tama! sa bar! Pupunta tayo mamayang gabi doon sa basement." Nabuhayan na sabi ni Karylle.

"May date kami mamaya.." Sabi ni Vhong. Napairap naman dito si Karylle na ikinatawa ni Anne.

"Di na kami nakapag usap ng maayos nito ni Anne simula nung ano eh.. alam nyo na." It's still awkward for them to bring 'that topic'.

"Okay okay, kaming tatlo nalang." Sabi ni Karylle.

"Ay, si Ryan ano... may pupuntahan yaaan!" Sabi ulit ni Vhong na pinanlakihan pa ng mata si Ryan.

"Ha? Saan ako punta kuya Vhong?" Natawa naman doon si Anne. Palihim na kinurot ni Vhong si Ryan at agad naman nya itong na gets.

"Ahhh oo, pupunta nga pala ako sa ano... sa Korea." Napa face palm nalang doon ang VhongAnne.

"Really Ryan? Magpapalusot ka na nga lang palpak pa!" Sa isip isip ni Anne.

"Korea? Sige ingat," Pigil ngiting sabi ni Vice dahil alam nya ang plano ng mga kaibigan nya para maka harot sya kay Karylle.

--

Karylle's PoV

7PM palang pero madami dami nang tao sa bar. Sinave ko yung mukha nung nasa article para may basehan ako kung sakali mang makalimutan ko ito.

Naka pants lang ako, sleeveless top and cardigan. Habang eto namang kasama ko mukhang nakainom na agad bago pa kami makapunta dito dahil naka bruh up hair sya, black shirt at shorts na hanggang tuhod.

"Ano trip mo?" Natatawang tanong ko pagkatapos ko pagmasdan ang OOTD nya.

"Wala lang, mas presko kasi pag damit panlalaki." Lalo naman akong natawa dun pero di na ako sumagot.

Anthology | Vicerylle OSWhere stories live. Discover now