La Isla Tatlonghari II

728 36 11
                                    

"Are you serious, guys?" Muling tanong ni Anne sa'min ni Billy. Nandito kami sa library at nakuha na namin ang sagot sa mga tanong namin.

"Yes. Ano, bukas ah? After class." Sagot ni Billy sakanya. Napahinga naman ako ng malalim, I'm not sure about this thing.

"Ngayon pa ba tayo aatras kung kailan nakuha na natin yung address? Guys, sobrang laki ng epekto nito sa grade natin sa research subject natin." Sagot naman ni Billy.

"We impressed Mr. Atienza nanaman eh, we don't have to." Anne replied.

"Wag ka nalang sumama, Anne." inis na sabi ni Billy at iniligpit ang libro.

"Tss. JM, are you going to that old resthouse na napapabalitang walang nakakabalik na buhay? Seriously?" Anne asked.

"Yes." Napalunok ako. I'm so curious!

"Hay bahala kayo, I'm going home na. Bye, ingat kayo bukas." At dun na umalis si Anne.

"Are you really sure about this, Billy?"

"Actually, no. But, let's do this, JM." 

***

"Are you guys ready?"  I asked them. Nakita ko namang napalunok si Anne at Coleen dahil dito. Yes, si Anne. Sumama na rin nang malamang sasama si Ryan at Coleen sa'min ni Billy.

"Let's go!" Sigaw ni Ryan na halatang excited. Huh, goodluck sa'min.

"Sino ba nakaisip netong pagpunta dun? Nakooo, mahal ko pa buhay ko ah. Sana makabalik pa tayo ng buhay." Tanong ni Coleen.

"Ako.." Billy said. Natawa naman ako dahil halatang nagpapacute siya kay Coleen, crush na crush nya kasi 'to dati pa. Kaso busted nung 3rd year highschool kami. Hahahaha!

"Sige na, go na. Baka gabihin tayo pag uwi!" Sigaw ko.

"Di pa nga tayo umaalis, pag uwi agad iniisip. Wag na kasi tayo tumuloy!" Sabi ni Anne.

"Nako, Anne! Ayaw mo nun, tayo yung unang taong makakabalik ng buhay?" Tama yan, JM. Think positive.

"Or masama tayo sa list na hindi na nakabalik pang muli." Napairap ako sa naging sagot ni Anne. Tsk, ang nega naman nito.

"Dami nyong pagtatalo, tara na nga!" Sigaw naman ni Billy at saka inistart ang kotse na gamit namin.

Lord ikaw na po bahala sa'min.

***

"Almost 2 hours na tayong bumabyahe, sigurado ba kayong around QC lang 'to?" Tanong ni Anne.

Wala namang sumagot sakanya. Tulog kasi si Coleen at Ryan sa tabi niya. Ako nama'y nanatiling tahimik nalang.

"Malaki ang QC. At saka sabi dun sa libro, it's not sure kung sa Quezon City ba talaga yun. Ang importante, we have the address."

Lumipas pa ang 1 oras at tumigil sila sa isang familiar na road. "Eto na yung nasa libro na picture. Dere deretso ka, Billy dyan and you'll see a gate. Pasok tayo dun." Sabi ko. Narinig ko ang reactions nila Anne sa likod. At di ko sila masisisi, kahit kami ni Billy ay nagkatinginan bago pumasok sa loob.

"Goodluck sa'tin..." Bulong ko.

***

Anthology | Vicerylle OSWhere stories live. Discover now