Crush (Part 4)

1.2K 29 15
                                    

Karylle

Katahimikan lang ang bumabalot sa aming tatlo dito sa faculty room. Kung hindi dahil sa music na pinapatugtog ni Archie sa speaker ay sobrang tahimik na namin, hindi naman sila nagsasalita kaya hindi nalang ako nagsalita.

"Archie, tapos ka na ba?" Finally, simula kaninang nag start kami dito, ngayon lang sya nagsalita. Ano kaya problema nito?

"Not yet...di mo alam dahil sayo ako'y di makakain~~" Pagkanta nya.

I heard Vice did a long and deep sigh. Ano kaya problema ni beks? Sana maging okay agad siya. Hindi ko matiis na hindi sya nagsasalita kapag ganitong mga meet ups about our club, eh.

Tumayo sya at tumungo sa cabinet, buong akala ko ay aalis siya mag isa pero nagulat ako nang hawakan nya ako sa braso at hinila palabas. Nagtaka naman si Archie pero pinagpapatuloy pa rin ang pagkanta nya.

"Vice, aray! Ano ba!" Pag rereklamo ko. Sumasakit kasi yung paghawak nya sa braso ko.

"Samahan mo ako," Plain niyang saad. Nagtaka naman ako kaya sumagot ako sakanya.

"Saan?"

"National Bookstore. Kulang yung materials," Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

Hinila nya ako palabas ng school at nakahawak pa rin siya sa braso ko. Kaya nafeel ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit kailangan may paghawak sa braso, iba na ang way na di na katulad kanina. Naka angkala na siya sa akin kaya nagwawala ng lubos ang aking puso. wow, lalim!

(Ganyan pero si Vice naka ganyan kay Karylle)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(Ganyan pero si Vice naka ganyan kay Karylle)

Tahimik syang naglalakad at ganun rin ako syempre, hinayaan ko syang umangkala sa akin. May kalayuan rin kasi ang NBS sa school namin pero kaya namang lakarin.

Di pa naman madilim. 4pm palang kasi at napakarami pang kalat na studyante ng VVS sa labas. Hindi naman sila maiwasang tignan kami, syempre, naka angkala sa akin ang sikat na poging bakla ng VVS noh! At puro malisya ang nasa isip ng mga yan.

May isang grupo ng estudyante na nandun malapit sa NBS at tila naestatwa sila nang makita kami. Teka, ano bang meron at takot sila sa amin? O kay Vice?

"Ano mo si Billy?" Biglaang tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil nakaramdam ako ng kaba at mabilis na tibok ng puso ko, ulit.

"H-Ha----" Inalis niya ang pag angkala niya sa akin at tumingin ng deretso sa mata ko.

"Boyfriend mo ba si Billy?" Malalim na boses nyang tanong. Shems, ang hot! Bakit ganito?!

"Ha? H-Hindi ah! Bakit mo naman nasabi?" Pinilit kong tumawa para di ipahalatang kinakabahan ako.

"Wala. Tara na sa loob," Bumalik na ang normal na boses nya at pakendeng kendeng na pumasok sa NBS. Tss, bakla!

Sinusundan ko lang sya kung saan siya pumunta na tila may hinahanap. "Ano bang kulang, Vice?" Tanong ko.

Anthology | Vicerylle OSWhere stories live. Discover now