Sorry, di ko napanood IST nung araw na 'to kaya gawa gawa lang yung iba.
walang edit edit 'to, publish agad.
3rd Person
Aligaga ang mga staff na mag ayos ng Showtime Stage dahil kalahating oras nalang ay magsisimula na ang show.
Ang mga host naman ay nasa kani-kanilang mga dressing room. Habang si Vhong, Anne at Billy ay naka ready na.
"Saan na si K?" Tanong ni Anne.
"Medyo na late 'yun, nagpre-prepare pa ata. Si Vice naman, wala pa rin hanggang ngayon." Sagot ni Billy
"Laging late si Vice ah?" Puna ni vhong.
"Oo nga eh. Rumampa ata kagabi." (di ko po sure. imagination ko lang kasi nga delusional daw tayong babies. charot.)
"Narinig ko kela Archie na on the way na eh." Sabi naman ni Karylle na kakarating lang.
"Narinig o Tinanong?" Pang iintriga ni Vhong. Binigyan nya rin ng space sa couch ang dalaga.
"Nako, Vhong!" Sagot ni Karylle sa tanong ng kaibigan. "Narinig ko lang, tapos nagtanong na rin ako."
"Ayon!" Sabi ni Anne habang may palakpak pa.
"Mga baliw kayo,"
-
Ms. Q and A segment na pumasok si Vice at dahil nga late, di na nya nakita ang mga kaibigan, dire diretso na sya agad sa DR para magpaayos pa. Pagkatapos nun ay dali dali naman syang pumunta sa stage dahil 5 minutes nalang ay maga-air na sia.
Nang makita nya si Anne sa gitna na kumakaway, lumapit na sya rito at nagtilian naman ang mga madlang pipol.
"WAG MAINGAY!" Saway ni Dumbo.
Pero dahil si Vice na mismo ang kumakaway at nagpapacute, di nila pinansin si Dumbo na galit na.
"BAWAL ANG PHONES! 2 MINUTES NALANG AT BABALIK NA ANG SHOW, ITAGO NYO NA YAN, KUNDI BABASAGIN KO YANG MGA YAN." Sigaw muli nito.
At doon sumunod ang mga madlang pipol. Karamihan ay nainis sakanya pero sumunod na rin dahil sa takot.
Nagsimula na ang show at nasabi na rin ni Vice at Anne ang kani kanilang mga spiels.
"Ako si Vice...."
"GANDA!" Sigaw ng madlang pipol.
"Ako naman si Anne..."
"CURTIS!" Sigaw muli ng madlang pipol.
"And this is Miss Q and A!"
Everything went well. At dahil likas na ang pagka funny ni Vice, di na siya nahirapang pakisamahan ang mga contestants na sumali.
"Tawagin na natin si ate girl..." Malanding sabi ni Vice at humarap sa panggagalingan ng dalaga.
Sumenyas si Dumbo sa mga tao na mag hiyawan at palakpakan kaya ginawa ito ng mga tao.
"Jaki." Pagtawag ni Vice. Muli namang sumenyas si Dumbo upang magpalakpakan ang mga tao.
Humarap si Jaki kay Vice. "Yes, Vice?"
(a/n: gawa gawa ko na to kasi di ko napanood vj)
"Ang ganda mo today,"