Karylle's PoV
Nakatulala lamang silang lahat habang nag aantay sa labas. Di sila mapalagay at silip ng silip sa bintana pero wala namang makikita doon.
Katabi ko si Anne ngayon na nakayuko lamang habang umiiyak. Ako naman, nakatitig sa phone ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa video na di ko maplay play sa aking cellphone.
"Everything will be alright, right?" Nanginginig pa ring tanong ko. Tinabihan naman kami ni Vhong at hinahagod ang likod ko para icomfort. Si Anne naman ay iyak lang ng iyak.
"This is my fault..." Sabi ko. Hindi ko na alam. Sinisisi ko na yung sarili ko sa mga pangyayari dito. Di ko na alam ang maari ko pang gawin kung mawala ng tuluyan si Billy.
"Walang may kasalanan dito, ate K." Sabi ni Coleen na lumapit din sa'kin upang yumakap sa'kin. Napaiyak naman ako dahil dun. "I'm s-sorry..." Di ko na napigilang humagulgol dahil narinig ko na rin ang sobs niya. Kung may pinaka nasasaktan man dito, alam kong si Coleen yun.
"Kung sinagot nya sana yung tawag natin, kung di nya sana inuna yung galit nya, hindi mangyayari ito." Dagdag muli ni Coleen.
Biglang lumabas ang doctor kaya napatayo sila. Ako? hindi na ako tumayo dahil alam ko na ang sagot sa katanungan naming lahat pagkalabas na pagkalabas nung Doctor.
"I'm sorry." Una nyang banggit na nakapagpahagulgol sa aming lahat. Alam ko na ang sagot pero mas masakit pa rin pag na kompirma ko na 'to. Binaon ko ang mukha ko sa tuhod ko at saka umiyak.
"Hindi kinaya ng puso nya. Malapit kasi sa puso ang tama. At baon na baon ang kutsilyo kaya marami na ang dugong nawala bago pa sya madala dito, napag alaman pa naming kinakalawang ang nagamit na kutsilyo. We tried, I'm sorry."
At umalis na sya pagkatapos. Nanahimik kaming lahat, everyone are here expect Ryan. Di namin sya ma contact after the big revelation nya kay Coleen.
"Wala na sya.." Itinaas ko ang mukha ko at nakita ko si Vice na walang emosyon sa tabi ko. Sumandal sya sa balikat ko at doon muling naglabas ng sama ng loob.
"Wala na yung president ng loveteam natin. Wala na yung nambubully sa'tin everyweek. Wala na yung inaasar natin na baboy. Wala na ang bestie ko, nawalan nanaman ako ng mahal sa buhay. Bakit ganto, K?" Ramdam ko ang sakit sa bawat binibitawan nyang salita. Hinagod ko ang buhok nya at pinigilan ang sobs ko. Umiiyak kami parehas ng tahimik.
"S-Sorry. Kung di ko lang sana kayo inaya maglaro last night, h-hindi mangyayari ito. W-Wala akong alam.."
"H'wag mong sisihin ang sarili mo. Di mo kasalanan ito. Walang may kasalanan, sabi nga ni Coleen. Maybe, it's his time. Masakit lang talaga tanggapin kasi nakasanayan na natin na kasama sya araw araw."
"Have you watched the video?" Tanong ko. Tumango sya ng slight bilang sagot sa tanong ko. Nakasandal pa rin sya sa balikat ko nang gawin nya yun.
"Have you?"
Umiling ako. "I can't." Napayuko ako dahil dun. Naramdaman kong umalis sya sa pagkakasandal sa balikat ko at ako naman ang pinasandal nya sa balikat nya.
"Cry. Kanina mo pa pinipigilan na umiyak. Puro naman silent tears lumalabas sa mata mo." He said.
"Wala na nga atang lalabas pang luha. Haha," Sabi ko pero mali ata ako dun dahil biglang tumulo ang luha ko at katulad ng sinabi nya, hindi ko na pinigilan ang sobs ko.
Isa talaga sa mga rason ko kung bakit mahal na mahal ko 'tong baklang 'to dahil kaya nyang basahin ang lahat ng emotions ko kahit pilit kong tinatago. Feelings ko nga lang ata para sakanya ang di nya nakikita.