"Ano ba 'to JM! Parang mas delikado dito ha, ang dilim tapos ang taas ng mga puno. Halos wala na tayong makita!" Natatakot na sigaw ni Anne. Napairap naman muli si jm dahil sa narinig.
"Can you please shut up! Alam ko ang ginagawa ko, 'kay? Matulog ka nalang, ngangabu." Naiinis kong sagot sakanya habang sinisikap na maging safe kami. Sobrang tarik kasi dito. Pero alam kong ginagabayan kami ni Lord at ni Ana...
***
"Binibining Ana, malapit na daw ang iyong ama. Di mo ba sya hihintayin sa labas?" Tanong ni Jakilyn, isa sa mga tagapag silbi ng pamilyang Tatlonghari.
"Pakisabi kay Ferdinand na sya na lamang muna ang mag abang kay Ama. Salamat, Jakilyn."
Bumalik si Ana sa pinapanood at nakita nya ang kinakabahang mukha ni JM. Sa di malamang dahilan ay humawak sya sa screen kung nasaan ang mukha ni Jm.
"Ingat lang.. kaya nyo yan." Bulong nya.
Sa side naman ni JM, nagulat sya ng marinig ang boses ni Ana. Napahawak sya sa kwintas na suot nya. Ang kwintas na ngayo'y kumokonekta sa kanilang dalawa mula ngayon.
"Salamat, Ana. Salamat." Bulong ni Jm habang hawak ang kwintas. Napangiti naman si Ana dahil dito. May kakaibang saya talaga syang nadadama kapag nakikita nya si JM.
"Anak, kamusta?" Naputol na lamang ang pag iisip ni Ana nang marinig ang tinig ng ama. Mabilis nya itong nilapitan at nagmano sabay beso.
"Magandang gabi, Ama. Mababait naman ho ang mga taong pumunta dito sa ating lugar. Sila'y lumisan na rin. Kumain ka na ba, ama? Ipaghahand---"
"Tapos na ako, anak. Mabuti't di ka nila sinaktan. Ano ang pakay nila dito sa La Isla Tatlonghari?"
"Nagtanong lamang sila ng ilang mga bagay at lumisan na." Sagot ng dalaga sa ama.
"Kung sana'y ganoon lamang ang lahat ng tao, edi masaya pa tayo ngayon. Teka, ano bang pinagmamsdan mo dyan, Ana?" nanlaki ang mata ni ana nang lumapit ang ama sa screen kung nasaan si JM.
"Sino ang taong ito? Marahil isa sya sa nga pumunta kanina dito? Bakit mo sya sinusubaybayan, anak?" Hindi naman agad sumagot ang dalaga, ngumiti lang sya sa ama.
"Siya ba'y napupusuan mo, Ana?" Bakas sa tono ng kanyang ama ang pagka seryoso. Mabilis namang umiling si Ana dahil sa sinabi ng kanyang ama.
"Hindi ama, sadyang napasaya lang nila ako ngayong araw. At, gusto ko lang makasigurado na makakauwi silang ligtas." Depensa ni Ana. Nagtaka naman ang ama niya dahil dito, "Binigay mo ang kwintas na ipinamana ng iyong ina sa'yo upang maging ligtas sila? Ana bakit mo ginawa ang bagay na 'yun?!" Galit na tanong ni Modesto.