"Ghosts can be lost souls...." Bla. Bla. Bla. Hindi na ako nakinig sa sinasabi ng teacher namin. Do I really need to learn things about ghosts? Bakit naman namin bibigyang pansin ang mga matagal nang wala sa mundo?
"Mr. Viceral, explain this." Napairap ako ng palihim dahil dun. Yea, favorite ako neto kaya lagi akong tinatawag.
Tumayo ako at kinuha ang picture na may statement sa ibaba. Halatang matagal na ito, but based on our group research, buhay na buhay pa 'tong village na 'to na nasa larawan ngayon.
"This is the old rent house here in Quezon City. Yes, this rent house is arounf QC lang. Nakakagulat 'noh? Well, based on our research kasi, nasa tagong lugar 'to ng QC, actually di kapani paniwala dahil sa matataas na puno na nakapaligid dito sa lugar na 'to. The village still exists and marami rami na rin ang pumupunta dun...but no one of them came back." Sari saring reaction ang sinabi ng mga kaklase ko.
Napatingin ako sa group ko; Billy, Anne, Coleen and Ryan. They're obviously proud of our research. Wala ang info na 'to sa google, tinyaga naming hanapin 'to sa mga libro kaya sobrang pagod ang inilaan namin sa research naming 'to.
"Ayon sa sabi sabi, may mga lost souls na naninirahan sa rent house na 'to." Tumigil ako upang ituro ulit ang nasa picture. "But who'll believe? I mean, can a soul kill an alive person?" I continued.
"Guys, alam ko namang alam nyo na di ako naniniwala sa mga multo. At di ako interested sa mga ganung topic. But this one is different, nakakakilabot, nakakatakot, nakakacurious. Kaya dahil sa curiousity ng group ko, nag research pa kami about this mystery. And di namin inaasahang----"
Bell.
"Okay, To Mr. Viceral and your group good job! Ituloy natin bext time. See you tomorrow, class." I sighed nang marinig yun. Kung kailan naman nasisiyahan na ako magkwento saka natapos. psh.
"Uy JM! Ano na yung sasabihin mo kanina? badtrip si sir eh, di tinuloy. Kwento mo na." Kaye Abad approached me. She's my seatmate.
"Bukas nalang. Sige Kaye ha, ingat ka sa pag uwi. Puntahan ko lang sila Billy." Ngumiti ako sakanya at ganun rin sya sakin bago lumabas ng room.
"Creepy n'on pre ah!" Billy and I did our fist bump thingy na pinauso nitong lalaking 'to habang ngumiti ako kay Anne.
"Dapat lang 'noh. Hirap na hirap tayo kumuha ng informations dito." Anne commented and I agree.
"May naisip ako..."
At yun na ata ang pinaka waley na sinabi samin ni Billy. Pinatawa nya lang kami ni Anne.
***
"Isa Tatlo Rest house." Pagbasa ni Billy sa screen ng laptop ko. Nandito kami sa bahay ko upang mag search pa about that resthouse. We got hooked by our curiousity.
Napakapit ng mahigpit sa'kin si Anne nang simulan ko ang pagbbrowse ng pictures. Merong pictures ng dating resthouse at ang itsura ngayon. Sobrang magkaibang magkaiba na 'to.
"Ano, billy? Tutuloy pa ba natin yung balak mo?" Anne asked.
"What the..." Napalingon sila sa'kin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Isla Tatlo Rest house is commonly known in ancient time. Kings, Queens, and other elite family used to celebrate occations here.
The story behind this is connected with this elite families. Look the full story here: www.historycuriousity.com
At dun sa link ang litrato na nakapagpagulat saming tatlo.
+×÷=%_€£¥₩₩£×€×!^*&$)))(*&,!
Stop.
>{~[○]°•●•£×%!^$!/^&!+×÷%-:',?
Yan lang ang nakalagay. Nakasulat ito sa isang papel na madumi, halatang lumang luma na. At ang text nito ay nakasulat sa nakakatakot na font.
"I-stop nalang kaya natin 'to? Tapos na rin naman yung research natin eh. Jusko, natatakot ako." Sabi ni Anne.
"Oo nga, tigil na natin 'tong pagsesearch tungkol dito." Sang ayon ko.
"Ngayon pa ba tayo titigil? Kung kailan naman may clue na tayo... konti pa guys, mapupuntahan natin yung rent house na yan. trust me, walang mangyayari sa'ting masama." Sabi naman ni Billy. Nagkatinginan kami ni Anne at sabay na tumango.
Ilang oras na rin ang nagdaan pero di pa rin namin nahahanap yung address sa google. Kulang kulang talaga ang info sa google. Kaya nang sumapit ang 6pm, umuwi na silang dalawa at napagdesisyunan naming magpatuloy sa pagseseach nito bukas sa library namin sa school.
***
"Ama, bakit?"
"May mga nagbabalak nanaman..." Lumapit ang dalaga sa kanyang ama at hinawakan ang likod nito at saka ni rub.
"Hayaan na natin, ama. Hindi naman natin maiiwasan dahil tayo'y parte ng kanilang nakaraan."
"Ngunit, hanggang kailan, aking anak? Tatlumpung taon na ang lumipas pero nandito pa rin tayo. Hindi ko alam kung paano tayo makakawala sa mundong ito."
"Ama, babalik ang aking kapatid upang ipaalam sa'tin na may lunas ang problema na'ting ito. Ama, 'wag tayo tumigil kaka hanap ng paraan."
"Anak, matagal na tayong tumigil." Hindi agad nakasagot ang dalaga sa naging sagot ng kanyang ama.
"La Isla Tatlonghari.... sana'y bumalik na ang dati mong sigla."
***
thoughts? haha patikim muna. quickie lang 'to kaya maikli lang.