Karylle's PoVMalamig na simoy ng hangin ang humampas sa mukha ko habang naglalakad sa kahabaan ng aking school, ang Villa verde Academy. Isa itong sikat na eskwelahan sa lugar namin, at kung nagtataka kayo kung paano ako nakapasok dito? Simple lang, it's because of my Tito na nag papaaral sa akin. Hindi ako matalino, well, sa tingin ko. Pero sabi ng iba matalino daw. Hindi naman ako masyadong nag eexcel, oo nagto-top one ako pero hindi kasi ako palasali sa mga ibang activities. Ang focus ko lang ay ang studies ko.
At nasabi ko na rin bang sa loob ng tatlong taon ko sa highschol ay nagkaroon lamang ako ng tatlong bestfriends? Oo, tatlo. Kumakausap naman ako ng iba pero hindi ako masyadong close sa kanila na tipong lumalabas labas na kami. I'm not nerd because una sa lahat ay hindi ako tahimik, hindi ako KJ, at hindi ako naiiba sa iba. Ask my friends why. Pero kuntento na ako sa tatlong kaibigan ko, konti pero totoo. Quality over quantity.
Umupo ako sa malapit na bench sa hallway papuntang gym. Inilabas ko ang cellphone ko para matawagan ang tatlong tukmol na kaibigan ko.
Calling
Bruh Vhongskie
"Bruh!" Maingay ang paligid niya. Nasaan kaya 'tong tukmol na 'to at hindi man lang nila ako sinamahan para mag lunch break?
"Oh? Nasaan kayo, bruh? Bakit ang ingay?" I asked.
"Nasa gymnasium kami, bruh. Nandito rin si Anne at Billy. Nasaan ka ba? Punta ka dito!" Binabawi ko na po ang sinabi kong totoo silang mga kaibigan, iniwan po nila ako ngayon at hindi ko po iyon matanggap.
"Ah iniwan nyo ako? Mga walangya! Osige, papunta na ako dyan. Babye!" Hindi naman talaga ako nagtatampo, balak ko lang mangtrip.
"Bruh naman.."
And I ended our call. Hahahaha! Lakas ko talaga mang trip!
Kinuha ko ang bag ko at tinungo ang gymnasium na di naman kalayuan sa hallway kung saan ako nakaupo. Malapit palang sa main door ay nakarinig na ako ng sigawan. Ano bang meron ngayon?
"Bruh!" Rinig kong sigaw ni Vhongskie kaya lumapit ako sakanila, dumaan pa ako sa napakaraming maiingay na tao bago ako nakalapit sa kanila. Nakaupo sila sa upuan na parang VIP.
"Oh ano meron?" Tanong ko.
"Duh, girl, di ba obvious? Volleyball game!" At umirap ang babaeng yun sa akin, but I don't mind, sanay na ako sa katarayan nyang si Anne. And I love her because of that.
"Volleyball? Edi puro girls?" Tanong ko muli. Wala kasing tao sa gitna, timeout yata. Marunong akong mag volleyball dahil sport namin ito ng mga pinsan ko pero dahil lumipat na ako ng bahay ay hindi na kami nakakapaglaro masyado dahil minsan nalang kami magkita kita. I miss playing volleyball.
"Tangek! Nakita mo bang may babae dyan ha? Mamaya pang hapon yung girls, bale palitan." Ipinatong ni Billy ang kamay nya sa balikat ko, ang bigat bigat dahil extra large 'tong mokong na 'to! Minura pa ako!
"Kaya nga po nagtatanong kasi hindi ko alam diba?" Pagsusungit ko. Natawa naman si Vhong na katabi si Anne. They're mutuals, hindi sila couples kasi mas marami pang mga bagay na dapat unahin. They're more than bestfriends but less than lovers. Mutual understanding.
"Ano ka ba Billy! Bigat bigat ng braso eh!" Pagsita ko.
"Arte naman nito! Fit kaya ako," At ipinakita nya pa ang braso nyang puno ng taba. "Odiba diba!" Napairap naman ako sakanya.
"Resume na!" Napukaw ang atensyon ng lahat ng may sumigaw na babae sa gilid. Nag peace sign naman siya dahil napatingin ang lahat ng tao sakanya.
"Sinong nanalo sa first set?" I asked them.
