Salamat, Vicerylle.

953 21 3
                                    

Isa dalawa tatlo, humanga ako.
Humanga ako sa dalawang tao na nakita ko,
Sa telebesyon na parehas nakangiti sa isa't isa
Na tila ba'y ang bukas ay wala na



Di nagtagal, araw araw na silang nasisilayan
Hindi napapansing ako na pala'y kinikilig na sa natutunghayan
Hindi makagalaw at tila baliw na nag
aabang sa kanilang dalawa
Matatawag na ba akong isa sa mga taga hanga nila?



Siguro? Hindi ko na alam, basta masaya ako
Masaya ako na nakikita kayo
Masaya ako sa bawat pagkakataong nagtatagpo ang mga mata nyo
Masaya ako kasi nandyan ang dalawang taong bumubuo ng araw ko


Lumipas na ang panahon ngunit nandito pa rin ako
Di ko inaakalang hanggang ngayo'y inaabangan pa rin kayo
Nasaksihan ko ang lahat, pati na rin ang unos na inyong kinaharap
Na akala nati'y wala nang pansinang magaganap



Wala na ba talaga?
O baka wala naman talaga
Basta, ang mahalaga ay minsan nyo kaming napasaya
Kahit ngayo'y pati'y sakit sami'y naibibigay nyo na




Maraming salamat sa anim na taon
Sigurad kaming hindi ito ang huling pagkakataon
Patuloy kaming sasabay sa bugso ng alon,
Hanggang sa mapagod ang damdamin sa kakatalon




Kahit pa pagkakaibigan lang ang kaya nyong ibigay,
Mananatili pa rin kaming tunay
Pagsasamaha'y hindi naming hahayaang bumigay
Hanggang sa kami'y nabubuhay


Anthology | Vicerylle OSWhere stories live. Discover now