Sa bawat ngiti, kayong dalawa ang dahilan
Ngunit kayo rin ang dahilan ng aking mga luha
Na hindi ko na yata kaya,
Kaya ako'y lumisan na
Mahal ko kayo---
Ay mali, minahal ko kayo
Pero iisipin ko naman ang sarili ko sa pagkakataong ito
Di muna ako sasabay sa agos nyo
Ang sabi ko pa noo'y patuloy akong sasabay--
Sasabay hanggang sa tuluyan nang mawalay
Pinangako ko na kayo'y mamahalin habang buhay
Ngunit patawad dahil hindi pala ito ang tunay
Nakakagulat ang mga tagpo---
Di ko man lang namalayan ang aking paglayo
Dahil kung gaano kabilis ang pagmahal ko sainyo,
Ganun din kabilis ang paglaho nito.
Salamat Vicerylle.
Hanggang sa muli.
I know it's shitty. Sorry, quickie lang. :)
