Karylle
It's been one month. At sa one month ay masyadong maraming nangyari sa loob ng trentang araw at sa loob ng isang buwan.
Kasalukuyan kaming magkatabi ni Vice sa loob ng canteen at kasama nya ang ilan sa beki friends nya, habang kasama ko ang tatlo kong kaibigan.
Nakakagulat? Oo, sobrang nakakagulat. Siya ang pinakamatagal kong happy crush...o di na ata happy crush? Maybe crush na? I don't know...
Napatingin ako sa cellphone ko na nag vibrate, may text akong natanggap at napatingin ako kay Anne dahil sakanya ito galing. Ngumiti siya sa akin at naguguluhan ko ring binasa yung text niya.
From: Anning
Alalay sa damdamin, sis. Tagilid yan, pinapaalala ko lang. Naglalaway ka na eh..basta usap tayo after. Girls talk.
Chineck ko ang bibig ko at wala namang laway. Lechugas talaga to si Anne! Tumango ako sakanya kasi sayang ang pisong load.
"Sino yan?" Tanong ni Vice sa akin. Yeah, nasanay na rin akong tawagin syang Vice dahil nahahalata ako 'pag Viceral ang itatawag ko.
"Ah? Walaa--wala nga!" Lumapit siya sa akin at naramdaman ko rin umakbay sya sa akin, i mean sa sandalan sa upuan ko.
"Vice, ang kulit!" Lumayo ako sakanya para hindi nya mabasa ang text ni Anne at doon saktong nag bell kaya napa belat ako sakanya na ikisinimangot niya.
"Hatid muna kita sa room nyo," Sabi nya. Yes, gentelbeki 'to si bakla. Palagi nya ako/kaming hinahatid bago sya pumasok at katulad ni Billy ay ginugulo niya ang kulot kong buhok.
"Oops, not my hair!" Pag iwas ko. At dahil mas matangkad sya sa akin ay nagulo nya pa rin ito kaya napasimangot nalang ako.
"Uwian, ha? Nood ka practice namin, study well girl!" And as usual ay nag beso siya sa kin at muling ginulo ang buhok ko. Napangiti ako nang tuluyan akong makaupo, a kilig smile to be speific.
"Sis, ang OA!"
"Basag kilig ka ha! Ano ba pag uusapan natin at kailangan pa ko itext habang katabi ko si Vice?" Pabulong kong inis na tanong. Natawa naman siya.
"Kasi hindi na yan happy crush, sis." Bigla siyang nagseryoso. Kinabahan naman ako bigla, "Really? It is a happy crush pa rin, Anne. Tumagal lang..." Pagdadahilan ko.
"Sus. Girl, sinasabi ko talaga sayo, first love mo ay isang tagilid? Instant heartbreak!" Pang aasar niya pa saakin.
Paano ba ako nakarating sa higher level na 'to? Let's see the few weeks before...
Baliktanaw
Matapos ang week na yun ay naging busy na ulit ako sa school works at di na masyado nagtatagpo ang landas namin ni Viceral, minsan ay nakikita ko sya ngunit malayo naman ako.
"Girl, ano section ni Viceral?" Tanong ko kay Anne. Alam na rin ni Vhong at Billy kaya nang aasar sila. Mapang blackmail pa naman 'tong dalawang 'to.
"Class C, St. Benedict ata?" Sagot nya. Tumango tango naman ako.
"Diba sa third floor yun?" Tumango naman si babaita na nag aayos ng bag. Uwian na rin kasi at nauna na si Vhong at Billy para sa practice nila sa dance club.
"Are you sure you're not attending your club's meeting? Vice president ka pa naman dun, K." Napairap ako. Ang kaisa isang club na sinalihan ko kasi alam kong di active ang Science Club sa amin. Pero nagkamali ata ako kasi ngayong Science Month, kumikilis na sila na kasalungat last year.
"Ayoko, kailangan ko mag review for our long test this Thursday. Wag nyo na ko pilitin kasi di ko naman talaga ginusto yang position, eh." Seryosong sabi ko kay Anne. Napa sigh naman siya.