Chapter 2

45 5 27
                                    

Marxia POV

"Look at her... Gross!"

"I pity her"

"Mars hindi ko kayang tignan"

"Ano nangyari?"

"Students! Go back to your classes! Now!"

Agad na nagsipag alisan ang mga studyante kasama na rin ako -_-

Classroom

"Nakakaawa si Rebecca Marxia, parang kahapon lang magkausap lang kayo tapos ngayon... Buhay nga naman, hindi mo masasabi kung kailan ito babawiin" mahabang lintanya ni Sunny.

*Ring*

Kasabay ng pag bell ang pag pasok ni Sir Kris sa classroom.

Huminga sya ng malalim at tinignan nya kami isa isa.

"Nagpakamatay si Rebecca ayon sa imbestiga. Nagpakalunod sya sa pool kaninang 5 am. Nakita rin sa CCTV footage ang pagtalon nya sa bakod para makapasok sa loob ng school. Class, kung may problema man kayo sa buhay huwag nyong sayangin ang buhay nyo para lang takasan ito. Maraming tao ang naghahangad pang mabuhay ng matagal. At isa pa huwag dito sa school, nasisira ang reputasyon ng school na 'to dahil sa dalawa nyong kaklase na nagpakamatay. Please lang." nakayuko ang iba samantalang ang iba naman ay nakadungaw lang sa labas ng bintana at walang pakealam.

Tinignan ko si sir, bakas ang pagaalala nya sa amin.

"Let's proceed to our topic"

Tuloy ang klase sa kabila ng mga pangyayari sa school na ito.











"Look! Diba mga taga section 2 yan?"

"Yeah! I heard na may dalawang student na nagpakamatay dito sa school"

"Ayoko na maging section 2

"Ako din!"

"Wag tayong dumikit sa kanila"

"Mabuti pa nga"

"Kasalanan ba namin kung nagpakamatay sila? Mga bobo!" sigaw ni Sunny

"Hey stop!" awat ko sa kanya nung tangka nyang hahabulin yung dalawang studyante na naguusap kanina.

"Nakakabwisit kasi eh! Nagmumukha tayong may nakamamatay na sakit! Tignan mo oh nilalayuan tayo!" gigil na sigaw nya. At oo tama sya nilalayuan kami lahat ng studyante dito na para bang may dala kaming nakakahawang sakit.

Titignan nila kami mula ulo hanggang paa, ngingiwi at saka lalayo sa amin. Parang mga tanga.

Dumiretso kami sa counter ng canteen para umorder ng pagkain.

"Marxia anong bibilhin mo?" tanong sa akin ni Sunny.

"Lasagna na lang saka coke in can"

"Manang Dalawang lasagna at dalawang coke in can nga po"

"Ubos na lahat ng paninda namin neh! Umalis na nga kayo, kayo ng mga kaklase mo dito sa canteen na to at baka malasin kami!"

"Aba naman manang naguumapaw yung kaldero nyo ng mga pagkain ah! Saka sino ka ba para palayasin kami? Panauhin ka lang studyante kami. Kung hindi dahil sa amin wala kang sasahurin! Tara na nga Marxia nagkalat ang mga abnoy sa school na ito! Sana kayo na lang yung namatay! Mga bwiset!"

Twitter

Xia: GG nyo si atih Sunny

Naglakad na lang kami palabas ng canteen. Ganun din ang nangyari sa iba naming kaklase pinapaalis sila nung tindera sa canteen.

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon