Chapter 13
3rd Person POV
Magkakasamang lumabas ng silid aralan ang tatlong magkakaibigan na sina Justin, Maricar at Cristin. Simula nang magkasama sama sila sa iisang grupo noong nagkaroon ng proyekto na tungkol sa pagdodokyumento ay hindi na muli sila nagkahiwalay hiwalay bagkus ay gumawa sila ng grupo na magkakaibigan.
Masaya silang naglalakad sa field ng paaralan ng may maisip na kalokohan ang nagiisang lalaki sa kanilang magkakaibigan.
"Mag cut tayo sa next subject!" nakangisi ngunit masaya nitong sambit sa dalawang babaeng kasama.
Napairap naman ang nerd na si Maricar.
"Payag ako dyan. Napaka boring naman kasi ng subject nung teacher nating panot! Err." sang ayon ni Maricar.
Sabay na napatingin ang dalawa kay Cristin na bored lang na nakatingin sa kawalan.
"May magagawa pa ba ako?" sagot nito bago pa makapagsalita ang dalawa.
Sabag sabay na nagsitawanan ang tatlong magkakaibigan.
"Guys! Doon tayo sa may malaking puno!" suggestion ni Maricar.
Napalunok naman si Justin sa narinig.
"Sigurado ka ba Maricar? E-eh, may namatay na don eh"
"Kalalaki mong tao napakatatakutin! Hindi totoo ang multo noh! Err." napairap na naman si Maricar.
"Tara na, bago pa may makakita sa atin" yaya ni Cristin sa dalawa at nagpatiuna ng maglakad.
Wala ng nagawa si Justin ng sumunod si Maricar sa naglalakad na palayong si Cristin. Kibit balikat itong sumunod sa dalawa nyang kaibigan.
Samantala...
Buhat buhat naman ni Knifie ang dalawang taong wala ng buhay sa magkabila nyang balikat. Ibabalik nya ito sa likod ng gusali kung saan nya dinampot ang dalawa.
Maingat syang naglakad sa kakahuyan, nagmamasid kung may ibang tao bang makakakita sa kanya.
Mapayapang nakarating si Knifie sa likod ng gusali. Hinulog nya lamang ang dalawang bangkay na para bang isa itong kaban ng bigas.
Tulad ng kanyang plano ay ikinalat nya sa sahig ang dalawang may kagat na sandwich upang palabasin na nafood poison ang dalawang bata.
Nagpalinga linga ito upang tignan kung may nakakita ba sa krimen na kanyang ginawa. Ng wala itong makita ay nagmadali itong pumasok sa kakahuyan upang balikan ang dalawang babaeng kanyang bihag.
BINABASA MO ANG
Fast Talk Game
Mystery / ThrillerMarxia Trancie is just a girl na mahilig mangealam ng mga bagay bagay. One time in her school, sunod sunod ang mga estudyante na nagpapakamatay and she find it weird. Will she find out the truth behind those mysterious crime or will she just leave...