Epilogue

24 5 3
                                    

Marxia POV

Pagmulat ng aking mga mata, puting kisame, puting pader.. Lahat puti. May nakapasak na host sa aking ilong.. Naka oxygen ako. Napatingin ako sa kamay ko. May dextrose din. Ano bang nangyari? Bakit ako nasa hospital?

Pinilit kong bumangon upang maupo ngunit nanghihina ang aking katawan na para bang isang buwan akong hindi nakakakin.

Bumukas ang pinto at niluwal nun si Sunny. May bitbit syang basket na puno ng iba't-ibang prutas. Nabitawan nya ito at hindi makapaniwala na tumingin sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya?

Nang matauhan sya agad syang tumakbo papunta sa akin at inalalayan nya akong makaupo ng maayos.

"Marxia, may masakit ba sayo? Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo? Tatawag na ba ako ng nurse? Ha? Sabihin mo! Bakit ayaw mo magsalita? Naalala mo ba ako? Ha? Marxia! Ako to ang maganda mong kaibigan"

Tinitigan ko lang sya.

"Marxia, huhuhuhu ano bang nangyayari sayo? Nawalan ka ba ng dila? Waaaaa!"

"Paano ako makakasagot kyng sunod sunod ang mga tanong mo?" paos kong sabi.

"Huhuhu Marxia! Ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka ba nawalan ng malay habang naglalakad? Bakit kasi pinilit mo pang pumasok kung masama naman pala ang pakiramdam mo! Nakakainis ka naman eh!" nagmamaktoln yang sabi. Umiiyak sya sa harapan ko habang nagpapapadyak. Ano bang nangyayari?

"Anong nangyari?" naguguluhan ako sa kanya.

"Hindi mo maalala? Naglalakad ka nun papuntang building natin, nasa likuran mo ako kaya kitang kita ko kung paano ka bumagsak! Ano bang nangyari sayo? Nakakita ka lang ng mga pulis nawalan ka na ng malay!"

"A-anong pulis?"

"Yung pulis na nagiimbistiga sa school! Nandoon yung mga pulis malapit lang sa building natin! Nung makita mo sila bigla ka na lang nawalan ng malay"

Pulis na nagiimbestiga malapit sa building namin? Doon nagbigti si Tina.

"Teka, nawalan ako ng malay habang iniimbestiga nila ang pagpapakamatay ni Tina? Pero ang tagal na nun!" taka kong tanong.

"Anong pagpapakamatay ni Tina? Sira! Buhay pa yung tao pinapatay mo na? Kaloka ka! Nagiimbestiga sila dahil doon dumaan yung magnanakaw. May daan kasi sa likod ng building natin papuntang kakahuyan."

Ano? Buhay pa si Tina? Paano nangyari yun?

"P-paanong buhay pa sya? Sunny, nagpakamatay sya! Nag bigti sya sa malaking puno dun." paliwanag ko.

"Anong nagpakamatay? Buhay si Tina Marxia, buhay na buhay, ano bang nangyayari sayo? Saka kailan ka pa nagkaroon ng pake sa kanya?"

"P-pero paanong nangyari yun?"

"Hala ka day! Nahimatay ka lang kung ano ano na sinasabi mo. Alam mo gutom lang yan" kinuha nya yung basket na nalaglag nya kanina sa pinto at nilagay sa lamesang katabi lang ng kamang hinihigaan ko. Kinuha nya yung ponkan at binalatan iyon "oh ito kumain ka, kung ano ano na pinagsasabi mo dyan eh, sa bagay ikaw ba naman matulog ng isang buwan sinong hindi gugutumin,oh ayan ubusin mo ha babalatan ko rin tong isa ng magkalaman naman yang tiyan mo"

Matulog ng isang buwan?

"Anong matulog ng isang buwan?"

"Ay kaloka, ateng nakahilata ka lang naman dito sa hospital ng isang buwan. Puyat na puyat ka ba ha? At inistraight mo ang tulog mo ng isang buwan? Nakakaloka ka talaga ateng! Pinagalala mo si tita."

I-isang buwan ako dito aa hospital... Kung ganun..

"B-buhay pa si Tina? Si Rebecca? Saka si Daisy?"

Napatigil sya sa pagbabalat ng ponkan.

"M-marxia ano bang nangyayari sayo? Bakit parang pinapatay mo na mga kaklase natin? Buhay pa sila ano ka ba, speaking of kaklase dadalaw sila ngayon. Nagaalala rin sila sayo. Nakakatuwa nga dahil pangatlong beses na nilang dadalaw sayo at sa wakas gising na si sleeping beauty"

P-pero ano yung mga yun? Yung pagkakabigti ni Tina? Yung pagkakalunod ni Rebecca? At ang hinding paggising ni Daisy? P-panaginip lang ba yun?

Naputol ang pagiisip ko ng makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang maiingay kong kaklase. Natigil sila sa paghaharutan ng makita nila akong nakaupo at may malay na.

"MARXIA!" sabay sabay nilang sigaw. Galak na galak silang nagsipasukan sa loob at tinanong ako kung ayos na daw ba ako. Tango at pilit na ngiti na lamang ang naging sagot ko sa kanila. Sampu sila ngayon na narito. And it hits me ng makita kong buhay na buhay si Tina ,Rebecca, at Daisy. Naririto rin sila Justin, Kristin at Maricar. Naririto din si Ivy, Harold, Noel at si Jerico.

"Marxia, ano bang nangyari sayo? May sakit ka ba? Sana nagpaalam ka na lang sa akin na masama ang pakiramdam mo para hindi ka na lang pumasok." sabi ni Rebecca.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin" sagot ko sa kanya. Gulat naman silang napatingin sa akin.

"M-marxia" si Sunny

"B-bakit?" takang tanong ko. Nakatulala lang sila sa harap ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"S-sinagot mo ko" si Rebecca.

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

"S-sinagot mo ang tanong ko Marxia! Kinausap mo na rin ako sa wakas!" si Rebecca. Ano bang nangyayari? Nagugukuhan ako sa inaakto nila.

"Anong nangyari sayo Marxia? Natulog ka lang ng isang buwan hindi ka na snob?" si Sunny. Kung ganun ang iniisip pa rin nila snob ako at hindi ako nangangausap? Kung ganun, hindi totoo lahat ng nangyari? Panagip ko lang yun?

Kung panaginip lang ang lahat, masaya ako, masaya ako dahil walang namatay sa kanila. Masaya ako dahil sa wakas may bago na akong kaibigan hindi lang si Sunny kung hindi lahat sila.

The End

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon