Chapter 10

20 3 0
                                    

Chapter 10


Ivy POV


Nagpasama ako sa pinsan ko si Veron sa Park na malapit lang sa school namin. Bago kami umalis ay dinala ko muna ang cellphone wallet at ang gamot ko. Kailangan ko kasing makainom ng gamot mamayang 10 pm.


Nandito na ako sa park. Walang masyadong tao dito. May konting liwanag na naggagaling sa ilaw ng poste ngunit nag papatay sindi ito na akala mo ay nasa horror movie kami. Iniwan ako ng pinsan ko at nagpaalam na may bibilhin lang saglit sa botika, inutusan kasi sya ni mama na bumili ng gamot nya.


Magisa akong naiwan sa park. Nakaupo ako sa bench habang timang na hinihintay si Knifie.


Paulit ulit kong inugong ang aking mga binti na parang bata. Natigil lamang ako ng may makita akong pares ng sapatos. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo at laking gulat ko ng makita ko syang nakangiti sa akin.

Nginting may halong ngisi.

"I-ikaw si Knifie?" hindi makapaniwalang tanong ko. Paanong nagyari sya si Knifie? Tinanguan nya lamang ako at umupo sa tabi ko.


Nawala naman ang kaba sa dibdib ko. Mukha namang hindi nya magagawa sa akin yung mga sinabi ni Marxia sa akin kanina. Isa pa hindi nya kayang pumatay ng tao.


Ngumiti ako sa kanya ng makita kong nakatingin sya sa akin. Pero nababahala pa rin ako sa hindi malaman na dahilan.


Tahimik lang ang paligid. Walang nagsasalita sa amin. Naputol ang pagiisip ko ng bigla syang magsalita.


"Park or Mall?"


Ang kaninang kaba kong naglaho ay biglang bumalik at mas dumoble pa ang tibok nito ngayon. Nanginig na rin ang dalawa kong kamay.

Lumingon sya sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko "p-park"


Ngumiti ulit sya at tumingin sa harapan nya bago magsalita.


"Night or Day?"


Nagsimula na naman maglaban ang isip ko kung tama bang pumunta ako dito o hindi.


"N-night"


Huminga sya ng malalim bago nya ginalaw ang ulo nya na animo'y pinapatunog ito.


"Run or Walk?"


"Run" bulong na sagot ko na titig na titig lang sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinagpapawisan ako ng malapot at nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Parang hindi ko na sya kilala. Nakakatakot sya na ewan.

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon