Chapter 7

21 2 1
                                    

Marxia POV


Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang tape recorder na nakuha ko. So totoo ngang pinapatay ang nga kaklase naming akala namin ay nagsusuicide. Pero ang tanong kung sino? Sino ang walang puso na pumapatay ng mga inosenteng tao? At bakit?


Naputol ang iniisip ko ng alugin ako ni Sunny.


"Uyy Marxia, kausapin mo naman ako. Kanina pa ako salita ng salita dito eh" pagmamaktol nya.


"Ha?" 

Hindi ko sya namalayan na dumating.

"Sorry na kasi, hindi ko naman kasi sinasadya na takutin ka eh huhuhu. Wag mo na lang isipin yung sinabi ko sayo nung sabado ha. Pls pls." parang bata itong ngumuso sa harapan ko.


"Ah okay" sagot ko. Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako dyan kay Sunny, feeling ko may tinatago sya sa akin.


"Marxia naman eh! Patawarin mo na ako please" ang kulit naman nito.


"Oo na nga eh kulit"


"Yeeeey!" parang tanga syang nagpatalon talon sa harapan ko sabay yakap sa akin ng mahigpit. Kingina sya ata papatay sa akin!


Bumitaw sya pero nakayuko pa rin sya sa akin para magkapantay kami. Nakaupo kasi ako sa upuan ko samantalang sya nakatayo.


"Sya nga pala, sasabay sa atin si Ivy at yung dalawa nya pang kaibigan" tumango na lamang ako sa pagsangayon.


Kingina, si Ivy? Balita ko siraulo daw yun eh >·< bahala na nga.


Dumating na si Sir. Kris at nagsimula ng magklase.








Lunch break na kaya inayos ko na ang mga gamit ko bago tumayo. Saktong pagharap ko ay nakatayo na sa harapan ko si Sunny. Kasama nya si Ivy, Harold at Noel.


'Anong ginagawa nung dalawang kumag na yan dito? Wag mong sabihing sya yung dalawang kaibigan ni Ivy?'


Nagtatanong na tinignan ko si Sunny.


"Ah Marxia, si Noel at Harold kaibigan ni Ivy hehe" pakilala ni Sunny.


Tinanguan ko lang sila at hindi na nagtanong pa. Kingina.


Nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria. Nagkukwentuhan sila sa likod ko samantalang ako ay nauunang maglakad.

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon