CHAPTER 5

26 5 17
                                    

Marxia POV

Sabado ngayon at may usapan kami ng mga kaklase ko na magkita-kita sa convenience store na malapit lang sa school. Ngayon na kasi namin sisimulan ang documentary film na gagawin namin.

Napagpasyahan namin na dito sa manila kami unang magsisimula. Habang hinihigop ko ang mainit kong kape, nakita ko ang bulto ni Sunny na papalapit sa kinaroroonan ko. May dala dala syang malaking back pack na akala mo'y isang buwan na mawawala sa pamilya. Sabik syang pumasok dito sa loob ng makita nya akong nakaupo.

"Marxia!" she giggled.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigit na para bang isang taon kaming hindi nagkita.

"Naeexcite na ako sa pupuntahan natin" binitawan nya ako at umupo sa kayaning silya.

"Nasaan na ba sila? Ang tagal naman nila! Ang usapan 8 AM pero 8:30 na wala pa rin sila"

-.- para namang napakaaga nya

Isa isang nagsidatingan ang mga ka grupo namin, umupo lang sila saglit upang magpahinga at napagpasiyahan na rin ng grupo na bumyahe papuntang Fort Santiago.

Nang makarating kami sa destinasyon agad na inilabas ni Justin ang camera na dala nya. Sinimulan nyang kuhanan ang buong paligid. Nagsimula na rin kaming magtanong tanong sa mga tao na nakabantay dito kung ano ang nangyari dito noong panahon pa ng espanyol at kung paano namumuhay ang mga tao rito.







Matapos ang mahaba habang paglalakbay ay tumigil muna kami sa isang fastfood chain upang mananghalian.

"How was it?" pagbabasag ng katahimikan ni Sunny habang kumakain, ang pamamasyal namin ang tinutukoy nya.

"Well, it's kinda boring but I never expect na ganun pala kahigpit nung panahon ng espanyol err." maarte ngunit manghang sabi ni Maricar.

"Yeah, siguro maraming chixs noong panahon ng espanyol" gantong naman ni Justin.

Palihim naman akong napairap. Hanggang dito ba naman hindi mawawala ang kahanginan sa katawan.

Nabaling ang atensyon namin kay Cristin na tahimik lang kumakain sa gilid.

"I pity them at the same time envy. Naghirap sila sa kamay ng espanyol at hindi man lang nakaranas ng kalayaan samantalang tayo na nakukuha at nagagawa natin lahat ng gusto natin ng malaya. Nakakainggit dahil kahit na hindi sila malaya at nakakatanggap ng parusa, masaya sila at kuntento sila sa buhay nila, sa pamilya nila. Unlike today.." tumingin sya kay Justin at Maricar "..hindi masaya dahil sa mga taong hindi na nakuntento sa isa kaya naghanap pa ng iba, ayon broken family ang resulta"

Naiiritang sumubo si Justin, halatang tinamaan ito sa sinabi ni Cristin. Tumingin sa akin si Cristin "how about you?" nilunok ko muna ang kinakain at nagkibit balikat "no comment"

Natapos kaming kumain ng hindi nagiimikan. Tanging si Sunny lang ang dumadaldal. Natapos na namin ang ginagawang proyekto sa katunayan ay pwede na namin itong ipasa sa panot naming teacher sa lunes ngunit mas pinili pa naming mangalap pa ng impormasyon sa iba't ibang lugar upang dagdag kaalaman na rin. Halos nalibot na ata na namin ang buong kamaynilaan.

Nandirito kami ni Sunny sa Luneta Park habang ngumunguya ng chichiryang dala dala nya. Puro pagkain pala ang laman ng bag nya, akala ko damit. Dalawa lang kaming magkasama ngayon, napagpasiyahan kasi ng tatlo naming kagrupo na mamasyal sa ocean park malapit lang rito. Umupo kami sa bench na nakita namin at pinagmasdan ang mga taong masayang nakaupo sa mga damuhan.

"Marxia, ano sa tingin mo ang nangyayari sa loob ng klase natin?" pagoopen topic ni Sunny

Bumuntong hininga muna ako bago ko sya sinagot.

"Naganap" pagbibiro ko, teka kailan pa akong natutong magbiro?

"Marxia naman eh! Seryoso ako tapos sasagutin mo ako ng ganyan" pagmamaktol nya with matching hawak pa sa braso ko habang nakanguso, mukha syang bibe.

"Hindi ko alam. Bakit mo naman natanong?"

Umayos sya ng upo at tumingin sa mga taong may ngiti sa mga labi. Sana all

"Sa tingin mo ba Marxia nasa loob lang ng classroom natin ang pumapatay sa mga kaklase natin?"

Napakunot ang noo ko sa tanong nya, bakit nya ba pinipilit na may pumapatay sa mga kaklase namin kung gayong wala syang ibedensya. Naningkit ang mga mata ko. Paanong nasa loob ng klase namin ang pumapatay sa mga inosenteng tao. Hindi kaya may alam si Sunny?

"Sunny"

"Marxia hindi ka ba nagtataka? Sunod sunod silang namamatay. Hindi malabong isunod ka nya"

Natigilan ako. Bakit ako?

Humarap sya sa akin at natingilan sya ng makita nyang malamig ko syang tinitignan.

May alam ka ba Sunny? Kilala mo ba kung sino ang nasa likod nito? O baka naman.. Hindi, hindi pwede. Kilala ko si Sunny hindi nya kayang pumatay ng tao.

"Anong alam mo?" malamig kong tugon sa kanya. Lumikot ang mata nya at binalot sya ng takot.

Sana nga mali ako.

×××
Short Update hehe ✌

Hi Fatingit! Asarin lang kita pft. Sorry kung bitin

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon