Chapter 12

18 3 0
                                    

Chapter 12


3rd Person POV


Naiwan ang apat sa silid ng lumabas ng kwarto si Knifie. Tulala sa kawalan si Marxia habang humihikbi naman si Sunny. Nakayuko lang ang dalawa na si Noel at Harold iniisip kung ano ang dahilan nito upang dukutin sila.


Nag angat ng tingin ang tatlo ng marinig nila si Sunny na humihingi ng tawad.

"S-sorry guys. Kasalanan ko. Kasalanan ko"


Napabuntong hininga na lang si Harold. "Wala kang kasalanan Sunny, walang may gusto sa nangyayari ngayon."


"Hindi! Kung sana... Kung sana" humagulgol ito ng iyak.


Napakagat labi na lamang si Marxia na gulong gulo sa nangyayari.

Muling sumibol ang takot sa puso ng dalawang lalaki na si Harold at Noel ng pumasok si Knifie na may dalang pagkain at inumin.


Humakbang si Knifie papunta sa harapan ng dalawang lalaki. Inilagay nya sa sahig ang dala nitong pagkain sa harapan ni Harold samantalang inumin naman ang sa harapan ni Noel.


Bumilis ang tibok ng puso ni Noel, mukhang alam nya na ang mangyayari.


"Food or drink?" Nakangisi itong nagtatanong sa dalawa.


"HAYOP KA! WALA KANG KASING SAMA!" Sigaw ni Harold kay Knifie.


Ngumisi lang ito bilang pang aasar.


"Kainin nyo yan" malumanay nitong saad sa dalawa.


"Huwag! Huwag nyo sya susundin!" sigaw ni Marxia mula sa likod


"HINDI NAMIN KAKAININ AT IINUMIN YAN! KASEHODANG MAMATAY PA KAMI SA UHAW AT GUTOM!"


Nag pantig ang tenga ni Knifie sa narinig. Mabilis itong sumugod at hinawakan sa panga si Harold na masama ang tingin sa kanya. Hinigpitan nya ang pagkakahawak dito saka nya kinuha ang pagkain na nasaharapan nito at pilit na isinubo sa kanya ang pagkain.


Nang pilit na niluwa ni Harold ang pagkain ay sinikmuraan nya ito. Halos mabulunan si Harold. Namasa ang kanyang mata at naubo.


"Ganyan ang mangyayari sayo kung hindi mo pa iinumin yan, Noel"


Takot itong napatingin sa Juice na nasaharapan. Kutob nya ay mamamatay sya kapag ininom nya ito.


Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon