Chapter 9

23 3 0
                                    

Chapter 9


Marxia POV


Park...Night and Run?

Anong plano nyang gawin? Hindi kaya gabi silang magkikita sa park at maghahabulan?


-.-


Kinginang maghahabulan yan. Pero bakit sa park? Maraming tao dun. Paano nya papatayin si Ivy dun? Kung may balak talaga sya. Maiintindihan ko pa na gabi pero sa park? Sa bagay wala rin namang masyadong tao sa park pag gabi, pero para saan ang run?


Napukaw ng atensyon ko ang pag-inom ng gamot ni Ivy. May sakit ba sya? Nandito ulit kami sa likuran ng building. Dito ulit kami nag lunch and this time si Sunny naman ang may dalang pagkain.


"Ah Ivy. Bakit ka umiinom ng gamot? May sakit ka ba?" Kingina baka totoo yung sabi sabi na baliw tong si Ivy. Kakilabot!


"A-ah hahaha. May sakit kasi ako sa utak" sabi nya habang sinasara nya ang mineral water na hawak nya.

"H-ha?" gulat akong napatingin sa kanya. So totoo ngang luka-luka sya?


"Hahahahaha. Hindi naman to katulad ng iniisip ng mga kaklase natin. Alam kong baliw ang tingin nila sa akin. Pero hindi yun totoo. May nakikita kasi akong kakaiba"

"Ah hahaha" muli akong napatingin sa lalagyanan ng gamot nya bago ko iniwas ang tingin ko. Akala ko totoo yun. Phew!


Maya maya pa ay sabay sabay kaming tumayo at bumalik na sa classroom namin. Pumasok si Sir Kris na may dala dalang sangkatutak ng bond paper. Anong ginagawa nya dito? First period namin sya ah. Pang 5th period na. Wag nyang sabihin na magpapaquiz sya?

"Class! Wala si Sir. Bartolome kaya nandito ako sa harapan nyo upang kumuha ng kakarampot na minuto." sabi nya at nilibot nya ang kaniyang paningin sa buong classroom "sagutan nyo tong survey, please lang wag nyong babuyin ang mga sagot nyo" hinati nya sa dalawa ang makapal na bond paper saka nya ito binigay kay Justin at Maricar na nasa harapan.


Hinihintay ko ang papel na sasagutan ko ng may kumalabit sa akin mula sa gilid. Napatingin ako kay francis. Tinuro nya naman si Ivy na nasa kabilang row.


Tinuturo nya ang cellphone nya at takot na tumingin sa akin. Anong nangyayari sa kanya.


Binuka nya ang kaniyang bibig at marahan na nagsalita na walang lumalabas na boses

Kni-fie


Muli akong napatingin sa cellhone nya. Pinaliit ko ang aking mga mata para makita sa malayo ang nilalaman ng cellphone nya. Nakita kong naka open ang messenger nya.  Kung ganon ay kachat nya si Knifie!

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon