Chapter 3

32 4 3
                                    

Marxia POV

Nakatingin lang ako sa kwintas na hawak ko. Imposibleng kay Rebecca to dahil hindi sya mahilig sa alahas. Posible ring sa killer 'to at posible ring isa sa mga studyante 'to at nalaglag lang nila nung time na P.E ang subject nila. At kung tama nga ako ng hinala isa lang sa kaklase namin ang pumatay kay Rebecca. Pero sino?

Kung titignan mo ng maigi itong kwintas pwede syang pambabae at pwede ring panglalaki.

"Class group yourself in to five now" sabi nung panot naming teacher.

Nagsama sama ang mga haliparot, feelling gangster, nerds, baduy -_- at kung ano ano pa.

"Marxia tara! Doon tayo kela Justin!" Malakas na sabi ni Sunny. Kahit kailan talaga napakaingay nito.

Lumapit ako kay Sunny at sabay kaming naglakad papunta sa grupo nila Justin.

Si Justin, Pang crush ng bayan ang itsura pero ang kilosan ay pang pakboy ng bayan.

Si Maricar na nerd pero mas maarte pa sa mga nagkalat na haliparot.

At si Cristin natahimik lang kagaya ko.

"Magkakaroon kayo ng Documentary film about sa mga pang araw araw na kabuhayan ng mga tao noong panahon pa ni Dr. Jose Rizal."

"Ano ba yan sir!"

"Magastos masyado yan sir"

"Hetic masyado sa schedule!"

"Boring!"

Poker face lang si sir at hindi pinakinggan ang angal ng nga kaklase ko.

"May 1 buwan kayo para tapusin yan."

"Ew! Panahon pa ni Rizal? Like err. Ang boring! Mag paparty na lang ako sa bar kesa sumama sa ganyang project!" maarteng sabi ni Maricar with matching hand gesture.

"50% ito ng grade nyo. Babagsak ang walang maipasang documentary film maliwanag?"

Samu't saring angal ang maririnig mo pero wala rin silang nagawa.

"Guys suggestion ko sa kawit cavite, maraming chixs dun!" Justin

"Chixs with a shirmp head? Err. I suggested sa Bulacan" Maricar

"Ako kahit saan na lang basta may magandang view!" Sunny

"How about lahat ng historical places? Mas tataas ang grades natin kung marami tayong places na maipapakita sa video right?" Cristin

"Yeah, pero mahihirapan tayo dahil documentary sya hindi lang basta basta na magvivideo" saad ko.

"Tama tama" Sunny

"What about Isa-isa natin silang pupuntahan pero kung hanggang saan lang ang kaya natin hanggang doon na lang?" Ako

"Oo tama tama!" Sunny

"Good idea" Cristin. Napangiti na lang ako. Sumangayon din naman ang lahat.












Napagdesisyonan namin na sa Kawit Cavite kami unang pupunta. Next week na kami magsisimula kaya busy kami sa pag search ng mga historical places sa lugar na iyon.

Magisa lang akong naglalakad sa field ng school. Trip ko kasing mag senti senti. Dinala ako ng mga paa ko sa puno kung saan nakita ko ang bangkay noon ni Tina na nagbigte upang wakasan ang buhay nya.

Si Tina uhh ano nga ba siya? Wala naman akong pakealam sa iba naming kaklase -_-

Ah yeah si Tina naging kaklase ko siya nung grade school at ngayong senior high ulit. Mabait na bata naman sya noon at matalino pero ngayon naging maldita na. Siguro na impluwensyahan ng mga naging kaibigan nya nung high school.

Tanda ko pa noon ang asar ng mga kaklase ko kay Tina. Kambal tuko , may bestfriend sya dati. Si Hannah . hindi sila mapaghiwalay noon ni Tina. Kulang na lang eh magdikit silang dalawa para di na mawalay sa isa't isa. Naghiwalay lamang sila nung high school dahil magkaiba sila ng section. At noong 4th year ay nabalitaan ko na lamang na namatay si Hannah dahil nag suicide daw ito.

Dami ko bang alam?

Si Hannah kasi yung tipo na tao na gusto mo maging kaibigan. Jolly sya maganda, matalino at mayaman. Lahat na nasa kanya. Gustong gusto sya ng lahat. Including me, naging kaibigan ko sya.

Naupo ako sa malaking bato at pinagmasdan ang kapaligiran. Sana ganito na lang araw araw , payapa ang mun-

Ano yun?

Nilapitan ko yung tumpok ng bato. May ginto ba dito? Tinanggal ko isa isa yung mga bato at tumambad sa akin ang dalawang pares na itim na gloves. Kinuha ko yung panyo ko para gamitin pangkuha sa gloves. Mabuti na ang sigurado.

Sa itsura ng gloves halatang nagmamadali syang tanggalin ito at ibaon ito sa ilalim ng mga bato. Medyo basa pa ito dahil gawa ito sa elastic band na plastic may mga hibla pa ng mahahabang buhok ang nan-

Sht!

Agad akong tumayo at tinignan ang paligid.

Nasa likod ako ng building ng senior high, kung dederetsuhin ko 'to ay masukal na gubat ang aking madadatnan. Sa dulo ng gubat ay naroroon ang ilog. Hindi kaya...

Pinatay rin si Tina?

Gloves na basa at mahahabang hibla ng buhok.

Gloves na basa at mahahabang hibla ng buhok.

Gloves na basa at mahahabang hibla ng buhok.

Gloves at.. Tama!

Pinasok ko ang masukal na gubat at tumakbo. Sana nagkamali lang ako.

Matapos ang 2 minutong pagtakbo ay nakarating din ako sa ilog.

Umaagos ang malinis na tubig. Humuhuni ang mga ibon. Katamtamang simoy ng hangin. Walang ibang kakaiba maliban sa gilid ng ilog. Sa mabatong parte ng ilog. Nilapitan ko iyon. Tumambad sa akin ang ilang kakarampot na dugo sa bato.

Napaatras ako sa sobrang gulat. Tama nga ang hinala ko. Pinatay si Tina.

Wait. May mali ba sa damong tinatapakan ko? Umalis ako sa pwesto ko at pinagmasdang mabuti ang damo.

May naglaro bang bata dito? Nagmistulang inararo ang lupa para magtanim ng palay. Nakakapagtaka.



































Damn it! Alam ko na ang nangyari! *smirk*

Kailangan kong makita ang bangkay ni Tina.













KINABUKASAN

Malungkot na aura ang bumungad sa akin. Maraming taong nakikiramay sa pagkawala ni Tina. Pumasok ako sa loob.

"Iha kaibigan ka ba ni Tina?" malungkot na ngumiti sa akin ang matandang nabae. Na sa tiyak ko ay nasa 40 years old na ang edad

"Kaklase ko po sya"

"Ganun ba?"  tumango ako. Pumunta ako sa kabao ni Tina. Mukha lang syang natutulog. Pinagmasdan ko pa sya ng mabuti.

Sinasabi ko na nga ba.




"Salamat sa pagbisita mo sa anak ko iha, masaya siguro sya dahil dinalaw mo sya"

"Wala po iyon"

Nagpaalam na ako sa pamilya nya at saka umalis. Huhulihin ko po ang pumatay sa anak nyo. Don't get me wrong huh? Wala akong pake kay Tina o Rebecca -_- sadyang trip ko lang magimbestiga.
















----
A/N: Di po ako galit sa space

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon