3rd PERSON POV
Nagising si Rebbeca sa isang puting kwarto. Muli syang pumikit at inalala ang mga nangyari.
'Traydor ka Sunny'
Pinilit nyang maupo sa kama at inalis ang oxygen na nasa ilong nya. Inilibot nya ang tingin sa buong kwarto, naroon ang kanyang ama na natutulog sa sofa.
'Paano ako napunta dito?'
Natigil ang pagiisip nya ng bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kanyang ina.
"Rebecca, anak, jusko po gising ka na!" Masayang sabi ng kanyang ina.
Naalimpungatan ang kanyang tatay at dali daling tumayo mula sa pagkakahiga nang makita ang anak na gising na.
"Rebecca, may masakit ba sayo? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ng tatay.
Ngumiti ang anak para mawala ang pag aalala nito sa kanya. "Okay lang ako tay"
"Jusko bata ka ano bang nangyari sayo? Ang sabi nung guard ay natagpuan ka raw nitong duguan sa may gym, magsabi ka sa amin. May nangbubuyo ba saiyo?"
Muling bumalik sa kanyang isipan ang paghampas sa kanya ni sunny ng kahoy. Napakuyom ang kanyang palad ng maalala kung paano lang nito tawanan si Hannah na pinagsasamantalahan ng dalawa pa nilang kaibigan.
'Hindi mo man lang tinulungan si Hannah, at nagawa mo pang matuwa!'
Naputol ang pagiisip nya ng may kumatok sa pintuan.
Pagbukas nito ay bumungad ang dalawa nitong kaibigan na sila Daisy at Tina. Nakakatuwa na ang madalas na nagbabangayan sa lahat ng bagay ang magkasama ngayon ang dumalaw kay Rebecca.
"Good evening po Tita, tito" bati ni Daisy sa magulang ni Rebecca.
"Good evening din iha, tuloy kayo" Bati din ng nanay ni Rebecca.
Pumasok ang dalawa at agad namang inabot ni Tina ang dala nitong prutas. "Binilhan ka namin nito para agad kang lumakas, magpagaling ka" sinserong sabi ni Tina.
Agad naman itong ikinuha ni Rebecca at nagpasalamat. Nagkwentuhan labg ang tatlo at konting kamustahan.
"May bibilhin lang kami saglit sa baba, Tina Daisy kayo muna bahala kay Rebecca ha? Saglit lang kami"
"Sige po tita"
Nang makalabas ang mga magulang nito ay agad na naging seryoso ang mukha ni Rebecca na ipinagtaka naman ng dalawa.
"Makinig kayo" seryoso nitong sabi
"B-bakit?" Kinakabahan namang tanong ni Daisy.
"Kamusta na si Hannah?"
Agad namang napatingin sa isa't-isa ang dalawa.
"Hindi sya pumasok kanina" sagot ni Tina.
"B-bakit daw?"
"Hindi namin alam eh, hindi pa ba sya dumadalaw sa iyo?" Takang tanong naman ni Daisy.
"H-hindi pa eh, eh si Noel at Harold?"
"Hindi rin pumasok ang dalawa pati na rin si Sunny, ang akala namin nandito silang lahat sa hospital" Si Tina.
Napakagat labi naman si Rebecca hindi alam kung anong gagawin.
"Makinig kayong mabuti. Si H-harold at Noel, nakita ko sila kagabi na pinagsasamantalahan si Hannah sa CR sa GYM"
"What?! Sigurado ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalawa.
"Oo! At si Sunny! Traydor sya! Huwag kayong lalapit don, mas magandang umiwas kayo sa kanya!"
"Rebecca, ano bang sinasabi mo dyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Daisy.
BINABASA MO ANG
Fast Talk Game
Mystery / ThrillerMarxia Trancie is just a girl na mahilig mangealam ng mga bagay bagay. One time in her school, sunod sunod ang mga estudyante na nagpapakamatay and she find it weird. Will she find out the truth behind those mysterious crime or will she just leave...