Chapter 14

21 3 0
                                    

Chapter 14

3rd Person POV

Flashback

Maingay pero masaya ang lahat ng estudyanteng nagkwekwentuhan sa loob ng silid aralan.

Gumuguhit si Sunny sa kanyang kwadrado sa bandang likuran nang kumalabog ang kanyang lamesa.

Inangat nya ang kanyang tingin at nakita nya ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang harapan na hinihingal ngunit nakangiti.

Sya pala ang may gawa ng ingay.

"Sunny! Pumunta ako sa faculty kanina. Wala si ma'am abella!" sigaw ni Hannah.

Natigil ang pagiingay ng kanyang mga kaklase at napatingin kay Hannah na nakangiti at nakatuon kay Sunny ang paningin.

Nakakabinging sigawan ang nangyari. Masaya ang lahat na bakante sila ng dalawang oras. Ang iba'y nagsilabasan na't para mamasyal at ang iba naman ay dumeretso sa kainan.

Agad na natawa ang dalawa sa inakto ng mga kaklase. Mabilis na isinilid ni Sunny ang kanyang mga materyal na gamit sa loob ng kanyang bag.

Mamaya ko na lamang tatapusin yun.

"Tara na?" magiliw na tanong ni Hannah habang nakalahad ang kanyang kaliwang braso kay Sunny.

"Tara!" masayang sang ayon ni Sunny at agad na binitbit ang kanyang bag at ipinulupot ang kanyang kanang braso sa kaliwang braso ni Hannah.

Masayang naglakad palabas ng silid aralan ang dalawa. Habang naglalakad ay nakasalubong nila ang isa pa nilang kaibigan na si Rebbeca na kalalabas lamang galing sa palikuran.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito sa dalawa.

"Doon sa tambayan natin. Tara Becca sumama ka!" Hannah

"Hintayin nyo ko dyan kukunin ko lang yung gamit ko sa classroom" Rebecca.

Tumakbo ito paalis upang kuhanin ang kanyang naiwan na gamit sa kanilang silid aralan.

Nang makabalik ay sabay na nagtungo ang magkakaibigan sa likuran ng gusali kung saan ay hindi masyadong napupuntahan ng iba pa nilang mga kamag-aral.

Agad na naupo si Sunny sa malaking tipak na bato. Gayun din si Rebecca. At sa nakatumbang puno naman naupo si Hannah.

Tulad ng nakasanayan ay sabay sabay na inilabas ng tatlo ang kani-kanilang mga baon na pagkain.

Nagbigayan sila ng ulam sa isa't-isa at pagkatapos ay sabay sabay na kumain habang nagkwekwentuhan.

"Hoy Hannah, ikaw ah may secret admirer ka ha. Lagi na lang akong may nakikitang bulaklak at tsokolate sa lamesa mo. Ayieeeee sino yun?" Pang aasar ni Rebecca. Napakagat labi naman si Hannah sa nararamdamang hiya.

"Chaka ka! Secret admirer nga eh. Edi secret! Hindi nya rin kilala, kaloka!"  singit ni Sunny.

Napayuko ang dalaga. Naiilang sya sa pinaguusapan ng kanyang mga kaibigan. Isang linggo na syang nakakatanggap ng isang bagong pitas na rosas at isang tsokolate. Sinubukan nya na ring hulihin ang naglalagay nito sa kanyang upuan ngunit lagi syang bigo. Sa huli ay hindi nya na lamang ito hinanap at hinintay na lamang itong kusang magpakita sa kanya.

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon