Chapter 4

28 5 17
                                    

3rd Person POV

Sige lang, magpakasaya kayong lahat tignan natin kung sikatan pa kayo ng araw

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw nya ang mga studyante na nagkakasiyahan. 18th Birthday ngayon ni Daisy, ang muse ng section 2. Nakangiti ito habang hawak ang cellphone. Nakaupo sa mala-trono nyang upuan. Nakagown at tiara.

Daisy Chan

Hi Daisy.

Hello Knifie <3

Happy Birthday

Thank you :">

Do you want to play?

Sure!

Let's play fast talk

Okay :">

Mahaba o maliit?

Enebe! :"> nagigreen ako. Syempere mahaba

Matalim o mapurol?

Matalim

Rock o lullaby?

Lullaby

Napangisi sya sa sinagot ng dalaga. Tinignan nya ito sa huling pagkakataon bago nya nilisan ang lugar na iyon.

Sa kabilang dako

"Marxia! Marxia!" sigaw ni Sunny sa labas ng apartment ng dalaga. Katok ito ng katok ngunit walang sumasagot sa kanya kundi ang tahol ng aso nang kabilang bahay.

Siguro nauna na iyon sa party ni Daisy

Kumatok ito sa ika-limang pagkakataon ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya. Napagdesisyunan nyang umalis na lamang doon.

Nakasilip si Marxia sa bintana ng kanyang kwarto. Alam nyang pupunta ang kanyang kaibigan at kukulitin itong sumama sa party ni Daisy.

Nang mawala ito sa paningin ay agad syang humilata sa kama at nag-isip isip. Nagkalat sa sahig ang mga papel na naglalaman ng posibilidad na dahilan sa pagkamatay ng kanyang mga kaklase.

Kahapon, sa burol ni Tina nakita ko yung mga galos nya sa leeg. Hiniling ko rin sa mama nya kung pwede ko bang makita yung paa ni Tina, hindi pa sana ako papayagan kung hindi lang ako nagmakaawa sa mama nya, nak ng pating!

Pero bakit ko ba ginawa ito? Hindi ko naman trabaho 'to. Sa totoo lang wala naman akong pake kung pinatay sila o nagpakamatay sila. So bakit kailangan kong pigain ang utak ko para lang iresolba itong kasong 'to?

Iniligpit nya ang mga nagkalat na papel sa sahig at saka sya muling humilata sa kama.

Pagod. Pagod na ang utak nya kakaisip. tinapos nya pa kasi yung thesis na ginagawa nya para maipacheck nya na bukas kay Sir. Kris. Masyado kasing masipag ang mga kagrupo ko kaya sa akin inaasa lahat. Nakakainis!

Pinikit nya ang kanyang mga mata at agad syang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod.

KINABUKASAN

Maagang nagising si Marxia para makapaghanda papuntang skwela. Ginawa nya na ang dapat gawin bago umalis. Nang makarating sya sa skwela ay patrol ng pulis na naman ang nadatnan nya. Kumpulan ng studyante ang sumalubong sa kanya pagpasok nya sa loob. Kumunot ang noo nya ng makita nyang school clinic ang pinagkakaguluhan ng mga studyante. Lahat gustong malaman kung anong nangyari, sino ang namatay at bakit namatay.

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon