Chapter 6

24 5 18
                                    

3rd Person POV

Napapangisi na lamang siya habang binalik balikan ang eksena kung paano nya patayin si Daisy na hindi man lang napaghahalataan.


Flashback


Daisy

Lets meet

Where?

Canteen at 5 Am

Sure


Tulad ng napagusapan nagkita sila ng dalaga sa canteen. Nagtataka man kung bakit bukas ito ng ganitong kaaga ngunit hindi na lamang nito pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng canteen.


Madilim ang buong paligid at walang tao. Pinagtitripan lang ata ako nun.


Pahakbang na sana sya upang umalis nang bumukas ang ilaw sa bandang sulok ng kwarto. Agad syang napangiti ng makita ang hinahanap ng dalaga.


"Knifie!" sigaw nito at maharot na tumakbo papunta sa gawi nito.


Agad syang umupo sa harapan nito at pilit na inaninag ang mukha dahil nakasuot ito ng itim na sumbrelo.


"Eat" mariing utos nito sa dalaga.


Napangiti na lamang ang dalaga bago nito kinuha ang burger na nasa harapan nya. Kinagat nya ito at sinadyang dilaan ang gilid ng labi na nalagyan ng mayonnaise upang akitin siguro si knifie. Maharot talaga.


Nang maubos nito ang burger, tumayo si Knifie at nagsimulang humakbang palabas ng canteen. Hindi ito inaasahan ng dalaga kaya natigilan sya saglit at agad na tumayo upang sundan ito ngunit nang makalabas ay agad itong naglaho ng parang bula. Nakabusangot itong pumasok ng classroom nila, naabutan nya pa ang mga iilang kaklase na nagkukwentuhan ang iba ay binati sya sa nakalipas nitong kaarawan.


Ngumiti ito at nakakaisang hakbang pa lamang ng maramdaman nyang sakit ng ulo. Umikot ang kaniyang paningin na sanhi ng pagewang gewang nitong lakad papuntang upuan nya, mabuti na lamang at nasalo sya ng kaklase nyang si Justin.


"Okay ka lang ba?" tanong nito sa dalaga at pasimpleng pinisil ang braso nito.


"N-nahihilo ako" tugon ng dalaga.


"Dadalhin kita sa clinic" hindi pa man nakakasagot ang dalaga ay agad ng binuhat ni Justin si Daisy papuntang Clinic.


Nang makarating ng Clinic ay agad nyang ibinaba ang dalaga. Kataka takang ang agang magbukas ng clinic gayong 9 AM ang bukas nito. Inilibot nya ang buong paningin ng walang makitang kahinahinala ay kibit balikat itong umupo sa isang silya. Tinitigan nya ang dalaga na wala na palang malay. Siguro napagod sya sa birthday party nya kahapon

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon