Chapter 11

17 3 0
                                    

Chapter 11


Marxia POV


Napatigalgal ako sa nakita ko. Nakahandusay si Ivy sa bermuda grass dito sa field sa school samantalang.... Nasa hindi kalayuan naman si Sunny.

Anong ibig sabihin nito?


Napapaluhang napatingin ako sa katawan ni Ivy na duguan. Kailangan na syang madala sa hospital bago pa sya maubusan ng dugo.

Nakita ko.. Nakita ko ang lahat nang nangyari. Tatakbo na sana ako palapit kay Ivy upang tulungan sya ng may humigit sa braso ko.


"M-marxia t-tara na" si Sunny. Hawak hawak nya ako sa kanang braso ko at ramdam ko ang panginginig ng kamay nya.


"S-sunny"


"M-marxia umalis na t-tayo dito." nakikiusap ang mata nya.


"B-bakit? S-sunny nakita ko ang lahat" tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Sunny yun.


"M-marxia, hindi mo naiintindihan. P-papatayin nya tayo. U-umalis na tayo dito!"


"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan ako sa inaasta nya.


"M-marxia tara na!" sigaw nya sa akin. Namumutla sya habang nakatingin sa akin.


"Sunny"


Titingin sya sa akin at titingin din sa likuran ko. Ano bang nangyayari sa kanya?


"Marxia!" pilit nya akong hinatak pa alis pero nagmatigas ako. Hindi namin pwedeng iwan si Ivy dito. Mamamatay si Ivy.


"Sunny hindi pwede,kailangan nating tulungan si Ivy"


"Marxia! Makinig ka, kapag hindi pa tayo umalis dito parehas tayong mamamatay kaya tara na!"


"Naguguluhan na ako Sunny, ano ba?"


"M-marxia" napatigil sya at namumutlang nakatingin sa likuran ko. Ano ba yung tinitignan nya?


"Marxia! Marxia! Kailangan na n-natin umalis!" pilit nya akong hinatak. Lilingon na sana ako sa likuran ko ng maramdaman kong namanhid ang ulo ko. Nag blur ang vision ko at nakita ko na lamang ang sarili kong bumagsak sa malamig na damuhan. Malabo man ngunit nakita ko si Sunny na tumakbo palayo ngunit kalaunan ay nadapa rin.. Ang bigat ng talukap ng mata ko. Hindi ko na kaya.. *blank*

Fast Talk Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon