Chapter 1

174 2 0
                                    

Liz POV

"Marializ!" sigaw ni nanay sa akin.

"Nay naman ipagsigawan pa ba? sa ganda ng pangalan ko bakit Marializ pa, balang araw babango din ang pangalan ko, Maria Elizabeth in short Liz." pagrereklamo ko.

"Dami mong reklamo, halika dito tulungan mo ako sa pag re-repair. Dami nating tatahiin" sabi ni nanay.

Di ko alam kung papanu akong natutong magtahi. Lumaki akong laging nasa Dress Shop namin at tumutulong sa Nanay ko sa pagtatahi. Tuwang -tuwa naman ako pag maraming repair kasi meron din akong share sa pagtatahi, ang disdvantage nga lang ay di ako makakapag review at makakagawa ng mga assignments.

"eto ang syo, gawin mong baston lahat ng yan" sabi ni Manang Sario, isa sa mananahi namin. Binigyan nya ako ng anim na pantalon, "kukunin daw yan mamayang hapon!" pahabol nyang sabi.

"nakakainis naman, di na ba talaga ako makapag aral dahil sa tambak na tahiin natin?' pagrereklamo ko. 

Di naman kalakahihan ang Dress Shop namin kaya lang kilala sa buong Antique ang 3 Sisters Dress Shop. Kilala si nanay pagdating sa pagtabas ng tela at pagtatahi ng gowns.

Di na ako sinagot ni Manang Sario kasi tinitingnan na kami ni Nanay ng masama.

"Ayoko ng ganitong buhay, pagmakatapos ako ng pag aaral ko aalis ako dito sa probinsya, pupunta akong Manila, hahanapin ko ang swerte dun, pero ilang taon pa! 15 pa lang ako ngayon, 3rd year high school pa lang ako tapos mag aaral pa ako ng 4years para maging professional Teacher ako... hay, tagal pa pala." pagmumuni muni ko habang nagtatahi.

"ARAY!!!" napasigaw ako sa sakit. Natahi ko kasi ang daliri ko, naputol ang karayom kasi bigla kong nihila ang natahi kong hintuturo. Lumapit si Nanay at tiningnan nya ang dumudugo kong daliri.

"hmmm, malayo sa bituka" sabi ni nanay habang binabalut sa kapirasong tela ang sugat ko para tumigil ang dugo.

"ok na yan, tuloy mo na ang ginagawa mo marami pa tayong rush" sabi ni nanay habang naglalakad sya papuntang cutting table nya.

Wala akong magawa kundi ipagpatuloy ang pagtatahi ko. Natapos ko naman ang lahat ng mga pinagawa ni nanay sa akin. Binigyan ako ni nanay ng share ko sa mga ni repair kong pantalon.

"Nay, mamalengke na ako"  paalam ko kay Nanay.

"Cge, mag ingat ka,  yung pera mo ingatan mo." bilin ni Nanay.

"opo Nay" nagmadali na akong umalis.

Mula sa shop namin nilalakad ko lang papuntang palengke. May kayuan din yun, sayang naman pag mag tricycle pa ako. pandagdag din yun pambili ng mantika. Isa pa na eenjoy ako maglakad, makikita ko yung crush ko. ayeeee ... kilig. 

Yung kinita ko sa pagtatahi ko ay pinagbibili ko ng ulam namin. Di na ako humihingi kay Nanay kasi alam kong madami din kaming babayaran. Kulang pa nga ang sahod ni Tatay sa isang buwan naming gastusin. Sundalo si Tatay, madalas sa malayo sya naka aasign. Anim kaming magkapatid at ako ang panganay kaya alam ko kung anung hirap ang hinaharap ni Nanay ng walang Tatay sa tabi nya.

 Maaga akong umuwi. Dadala ko ang mga pinamili ko. Kailangan kong magluto bago dumating si Nanay at mga kapatid ko.

"Ate liz anong ulam?" tanong ni Olive. Pangalawa  sya sa mga kapatid ko. 13 pa lang sya. Sharp beauty, hazel brown eyes, may dimple sa kaliwang pisngi at kasing laki ko din, madalas pa nga kami pagkamalan na kambal. Kaya lang ang tapang nya. Taob kami lahat pag inatake sya ng pagiging wild nya.

"Pritong talong, toyo, kamatis, bagoong at ang paborito ng bayan na galunggong."  sabi ko. "Set mo na ang mesa para maka kain na tayo." 

"Yes Ma'am" sabay salute ni Olive.

"Ay, sya nga pala ikaw maghugas ng plato ngayon ha, tutulong ako kay nanay maglagay ng mga sequence sa gown." sabi ko habang naglalagay ng mga pagkain sa mesa. Si Olive parang walang narinig sa mga sinabi ko. Tiningnan lang ako ng masama.

"Ano!? ako na naman ang gagawa nyan? parang plato lang ang huhugasan mo parang papatayin mo na ako. Ugali nito" inis na sabi ko.

"Si Vivien ang maghuhugas. bahala sya." nakasimangot na sagot ni Olive.

Si Vivien sya ang pang tatlo sa kapatid ko. Maliit lang sya di mo masabi na 12 years old na sya. Masyado syang mahal ng lupa, payatot pa. Pero sya ang pinakamagaling mag design ng mga gowns. Wala syang ginawa kundi mag drawing.

Natapos na kaming. kumain at si Vivien na ang naghugas ng plato.

Lumapit ako kay Nanay habang inaayos nya ang wedding gown na lalagyan namin ng mga sequence. Ang ganda ng gown, kakaiba ang puti nito, princess style at kumikinang sa dami ng sequence. Pangarap ko din na ganitong gown ang isusuot ko pag ikakasal ako. Si Nanay ang magtatahi at si Vivien ang designer ko. Pero panu ako ikakasal eh di ko pa nakita ang prince charming ko.

"Nay.... " tiningnan ako ni nanay. Tsaka ituloy ang pagtatahi ng beads sa gown.

"Nay,  hmmmm.... pwede ba ako sumama kay Auntie Gem sa manila? babakasyon lang?" tiningnan ko si Nanay, naka kunot ang noo.

"Tapusin mo muna ang pag aaral mo" sabi nya.

"Eh, Nay pag makatapos na ako ng pag aaral ko at maging teacher na ako pwede ba sa manila ako magtrabaho?" sabi ko kay nanay habang nagtatahi ako ng sequence.

"Matagal pa yan, wag mo muna isipin ang mga ganyang bagay" sabi ni Nanay.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon