Chapter 20

23 0 0
                                    

LIZ's POV

Magmula sa Stop and Shop sa Sta. Mesa ay sumakay kami ni Auntie Fe ng jeep na may sign na Divisoria. Mabilis ang byahe namin at umaabot kami kaagad sa Avenida. Bumaba kami dito at naglakad papuntang Sta. Cruz. Narating namin ang Sta. Cruz Church. Sa tapat ng simbahan ay may malaki at sementadong arko. May dalawang rebolto ng golden dragon na nakanganga sa magkabilang poste nito.

Welcome to Manila Chinatown.

Yan ang nakaukit na pangalan sa taas ng arko. Sa ilalim ng arko ay may nakasulat na Ongpin St.

May nag iisang mall dito na tanging ang benebenta ay iba't ibang uri ng ginto at sari-saring alahas. Palingon lingon ako sa mga tindahan. Magkabilaan ang nagtitinda ng gintong alahas sa kahabaan ng kalye na ito.

Naglakad pa kami hanggang sa dulo. Marami din akong nakikitang mga chinese antiques, chinese porcelain at mga iba't ibang uri ng buddah at chinese souvenirs, lahat ng uri ng good luck charm ay dito ko nakita sa lugar na ito.

Nakaramdam na ako ng pananakit ng paa ko dahil sa layo ng nilakad namin. Dagdagan pa ng usok ng mga jeep at init ng araw.

"Auntie Fe, malayo pa ba tayo?"

"Malapit na. Nakita mo ang tulay na yan?" tinuro ni Auntie Fe ang di kalayuan tulay.

Tumango ako.

"May restaurant sa tabi ng ilog na yan." sabi nya.

"Auntie, hindi po ba mahirap magtrabaho dyan?"

"Hindi naman, pero subukan mo din. Pag hindi mo magustuhan lipat ka na lang sa iba."

"Okey lang po ba Auntie?"

"Oo naman."

Nandito na kami sa dulo ng tulay. Lumiko kami sa kaliwa at pumasok sa gilid ng ilog. May tatlong magkatabing restaurant dito na puro Chinese ang nakasulat. Yung isang restaurant ay may receptionist na naka red long chinese dress at may mahabang slit sa gilid ng hita, konting pagkakamali lang ng kilos ng mga receptionist na ito ay makikitaan na sila ng panty. Sana hindi ako dito papasok kasi di ko kaya ang mga sinusuot nila.

Sa gitnang restaurant naman ay parang coffee shop at sa pinakagilid naman ay simpleng restaurant lang.

Ano ba naman itong si Auntie Fe, wala man lang taste kung pumili ng mapapasukan ko. Nung una club pala ang pinasukan ko, malay ko ba na club yun, akala ko kasi restaurant yun at night shift ang pasok pero sa totoo lang naging masaya naman ang trabaho ko doon. Ngayon naman turo-turo na restaurant. Hindi ba alam ni Auntie Fe na college level ako. Sana naman sa medyo class na trabaho nya ako nirecommend.

Para hindi magtampo si Auntie Fe ay pagbibigyan ko sya. Isang linggo?.... pwede na yun. Hindi ko talaga feel ang magtrabaho dito.

"Liz, halika. Pakilala kita sa kumpare ni Tito mo." hawak-hawak ni Auntie Fe ang kamay ko papunta sa pwesto ng matandang Chinese na nasa cashier.

"Mr. Chen. Good morning. Remember me?" sabi ni Auntie Fe sa Chinese na kumpare daw ni Tito.

"Yes!Yes! Fe. Ikaw si Fe." tuwang-tuwa na sabi ni Mr. Chen.

"Eto pala si Liz, pamangkin ko. Yung sabi ko syo na hanap ng trabaho."

"Ok. Ok. start na sya ngayon."

"Mr. Chen, ano po ang trabaho ko?" mabilis kong tanong.

"All around. Wag luto, may cook tayo. Wag palengke meron tayo tao gawa palengke. Tanong tanong ka na lang dyan sa mga kasama mo ano dapat gawin araw araw."

"Mr. Chen, magkano po ang sweldo." siniko ako ni Auntie Fe sa tanong ko. Tiningnan ko lang sya.

"One pit'ti. Wag ka na problema sa pagkain kasi libre na dito."

"Po? magkano po?"

"One pit'-ti. 1-5-0. per day! " sabi nya at inisa isa pa ang numbers kasi hindi ko sya maintindihan.

"Ah, Okey po."

"Sige start ka na. Punta ka na doon at tanong ka ano gawin mo. Paturo ka sa kanila." winagayway pa nya ang mga kamay nya na parang pinapalayans nya ako sa harapan nya.

Wala akong magawa kundi pumunta sa isang kasing edad kong babae. Mukha itong masungit kasi nakasimangot ang mukha nya. Bahala na, kailangan ko talagang magpaturo sa kanya para hindi ako magmukhang tanga dito. Hindi muna umalis si Auntie Fe at pinagmasdan nya ang ginagawa ko.

"Bigyan mo ng tsaa yung bagong dating na matanda doon." sabi ni Loida..sya ang babeng masungit na nilapitan ko.

"Saan ako kukuha ng tsaa?"

"Dun! humingi ka sa kusina."

Papasok na sana ako sa kusina ng sinalubong ako ng isa sa mga lalaking tauhan.

"Saan ka pupunta Miss?"

"Kuya, ako pala si Liz. Unang araw ko dito magtrabaho. Saan po ako makakuha ng tsaa para sa customer natin?"

"Dyan sa termos. Meron ng gawa dyan. Isalin mo na lang sa baso. Ayan ang baso oh!" turo nya sa lagayan ng termos sa tabi ng mahabang counter table.

"Salamat Kuya."

Tumango lang sya at nginitian ako.

Naging busy kami kasi tanghalian na. Hindi muna ako naglilista ng mga order. Nagliligpit at nagpupunas muna ako ng mesa. Kumukuha ng tubig na iinumin ng mga customers at nag seserve ng tsaa muna ang ginagawa ko.

Natapos na din ang tanghalian. Parang bula ang mga customers na biglang nagsilaho.

Kinausap ko siAuntie Fe na iwan na nya ako. Ako na lang uuwi mag isa mamaya. Makikisabay na lang ako sa mga kasamahan ko dito. Kung ssabagay, pagdating sa Avenida ay alam ko na ang daan at sakayan pabalik ng Sta.Mesa.

Pumayag naman si Auntie Fe.

Naging maayos ang trabaho ko dito buong araw kahit na sinusungitan ako ni Loida. Kahit papano ay naging kaibigan ko ang iilan sa mga cook at boy sa restaurant na ito.

5:30 ng hapon ay nagliligpit na kami. Mabilis kaming kumilos para linisin ang buong restaurant. Sabon at map ng sahig, punas ng mga upuan at sanitized ng mga mesa. Ini sterelize din ang mga utensils, plato at mga baso bago itago.

Kailangan 6:00 ay natapos na namin ang lahat bago umuwi.

"Liz, mauna ka na sa pila." sabi ng isa naming boy.

"Bakit po?"

"Araw-araw tayo sinuswelduhan. Kaya pumila ka na para makauwi tayo ng maaga."

Nginitian ko sya at pumila na lang.

Maaga akong nakauwi ng bahay. Si Lola lang ang nadatnan ko. Tumawag daw kanina si Auntie Fe na hindi sya uuwi at doon na naman matulog sa bahay ng boyfriend nya.

Sabay na kami naghapunan ni Lola. Inabot ko din sa kanya ang pera na naipon ko para ipabigay kay Nanay. Sa susunod na araw ay uuwi na si Lola sa probinsya.

Pinagpahinga ko na si Lola at ako na ang naglipit ng kinainan namin.

Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko ay umakyat na din ako sa kwarto namin niAuntie Gem.

Nakakapagod ang trabaho ko. Ano na naman kaya ang ipapagawa sa akin bukas?.....

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon