Chapter 22

29 0 0
                                    

LIZ's POV

Alas otso pa lang ng umaga ay umalis na ako. Iniwanan ko ng almusal si Auntie Gem at si Lola. Hindi na ako nagpaalam sa kanila kasi tulog pa sila. Nag iwan na lang ako ng note na papasok na ako sa trabaho.

Sumakay ako ng jeep na divisoria at bumaba sa Avenida. Naglakad ako papuntang Sta. Cruz Church at medyo nalito pa ako sa daan papuntang Ongpin. Natandaan ko ang malaking arko sa harap ng simbahan. Tumawid ako at pumasok sa Ongpin St. Nagtanong-tanong na ako sa mga tindera ng kendi at sigarilyo sa mga kanto kung saan ang tulay ng Ongpin. Ang sabi nila diretso lang daw. Hindi ko kasi natanong kay Auntie Fe kung ano ang pangalan ng restaurant na pinasukan ko.

Nakarating ako bago magbukas ang restaurant. 10:00 ng umaga pala ang bukas nila.

Lumapit uli ako kay Loida kahit nahahalata kong naiinis sya sa akin. Pagttiyagaan ko na lang muna sya at pakikisamahan, kung sabagay di naman ako tatagal dito.

"hmmmm... Loida, ano ang gagawin natin ngayong umaga?" tanong ko sa kanya.

"Punasan mo lahat ng mesa. Siguraduhin mong malinis para walang langaw. Pagkatapos mong gawin yan, ayusin mo lahat ng mga sawsawan. Ilagay mo ang isang set sa kada mesa." feeling supervisor na sabi nya sa akin.

Tumango ako at tinalikuran sya. Pumunta ako sa kitchen at nagtanong sa isang waitress kung saan nakalagay ang basahan para sa mesa. Ituro nya ng maayos sa akin kung papano gawin ang paglinis ng mesa. Nagpasalamat ako sa kanya at ako na ang nagtapos ng mga pinapagawa ni Loida.

Pagtapos ko gawin ang lahat ng sinabi ni Loida ay lumapit ako sa mga waitress na nagkukumpulan sa isang sulok. Nagtutupi sila ng tissue, hindi na ako nagsalita at pinagmasdan ko kung papano gawin ang pag ayos ng tissue. Hindi nagtagal ay tumulong na din ako.

Mabilis lumipas ang oras. Unti-unting dumadami ang mga tao sa restaurant. Tiningnan ko ang relos ng isang customer namin, mag aalas dose na pala. Naging busy pa kami hanggang 1:30 ng hapon.

Paunti ng paunti ang mga customer na kumakain hanggang sa wala ng pumapasok. 3:00 na ng hapon. Eto na ang oras ng tanghalian namin. Yung iba kong kasama ay hindi na kumakain at gusto na lang nila ang umiidlip at nagpapahinga. Yung iba naman umaalis at babalik pagkaraan ng isang oras.

Hindi ko kaya ang ganitong oras ng kain. 7:00 pa ng umaga ang huli kong kain bago ako umalis sa bahay. Patpatin na nga ang katawan ko baka maging butot balat na lang ako pag tumagal pa ako sa ganitong trabaho.

"Liz, ikaw daw mag serve ng kape nya sabi ni Mr. Chao." sabi ni Loida sa akin habang nagpapahinga kami.

"Sino sa kanila?" napatingin ako sa apat na mesa na may nagkakape.

"Yun oh! Yung dalawang matanda na bagong dating."

Tumango ako at iniwan si Loida. Narinig ko pa na may sinasabi sya.

"tsss.. kabago bago, sya pa ang napansin!" bulong nya.

"Wag ka mag-alala Loida, di ko sya type. Iyong iyo na si tanda, isa pa di naman ako tatagal dito eh.. hindi bagay ang kurso ko sa ganitong trabaho." baling ko sa kanya.

Tiningnan nya ako ng masama. Hindi ko na lang sya pinansin at lumapit na lang ako kay Mr. Chao na sinasabi ni Loida.

"Hello po." ngiti kong bati sa dalawang matanda.

"Miss, dalawang kape, itimpla mo na din." sabi ng isang matanda.

Tumango ako iniwan sila. Pagbalik ko ay dala dala ko na ang timpladong kape.

"Eto na po ang kape ninyo. Pag may kailangan po kayo tawagin nyo na lang po ako."

"Miss, ano pala ang pangalan mo?" sabi ng naka polo na matanda.

"Liz po." sabi ko. Mukha naman syang mabait at kagalang-galang.

"Liz, kilala mo ba ako?"

Umiling ako habang nakangiti. "Bago lang po ako dito."

"Ako si Mr. Chao at sya naman ang kaibigan ko na si Mr. Co. Isa kami sa may ari ng malaking bakery dito sa Ongpin."

"Hi po." kumaway kaway pa ang kamay ko sa kanila.

"Liz, kaya ikaw ang pinatawag ko na mag serve sa amin kasi may sasabihin akong mahalaga syo."

Tumango ako at nakinig ng mabuti sa sasabihin ni Mr. Chao.

"Liz, etong kaibigan ko kasi... nahihiya na magsabi syo..."

"Bakit po kayo mahihiya? Ako nga po dapat ang mahiya kasi bago pa lang ako dito... ako pa ang tinawag ninyong mag serve sa inyo. Eh, wala pa nga po akong alam sa mga menu namin."

"Okey lang yun Liz. Kahapon kasi nakita ka ng kaibigan ko. Napansin nya ang pagiging simple mo."

"Salamat po."

"Liz, tinatanong ni Mr. Co kung payag ka daw na iuwi ka na nya."

"Po?"

"Kasi ganito yan Liz, gusto ka nitong kaibigan ko... ngayon ibibigay nya lahat ng gusto mo basta sasama ka lang sa kanya."

"Ano po ang maging trabaho ko sa inyo Mr. Co?" lumipat ang tingin ko sa kaibigan ni Mr. Chao.

"Hindi ka magtatrabaho Liz, pagsisislbihan mo ako."

"Maging maid nyo po ako?"

"Hindi Liz, siguro naman hindi ka papayag na ganyan ang trabaho mo kasi mukha namang nakapag college ka."

Tumango ako. "Ano po ang gagawin ko sa bahay ninyo Mr. Co?"

"Maging kasama sa buhay... wala kasi dito ang asawa nya., nasa China... alam mo naman,  malungkot pag nag iisa." sabat ni Mr. Chao.

"Ah... ehehe.. nagkamali po yata kayo ng sabihan o ng lugar na pinuntahan."

"Hindi Liz, ikaw. talaga ang gusto ko." sabi ni Mr. Co na medyo nahihiya.

"Mr. Co mawalang galang lang po ha... kaya lang po hindi ko matanggap ang alok ninyo. Opo... gaganda ang buhay ko, mapapadalhan ko na ang mga magulang ko ng pera at lahat ng gusto ko ay makukuha ko pero hindi po yan ang gusto ko eh."

"Ano ang gusto mo Liz?"

"Simple lang po, may maayos akong trabaho, mapag aral ko ang mga kapatid ko sa malinis na paraan at umangat sa buhay dahil sa pagsisikap."

"Liz, hindi mo na poproblemahin lahat ng yan pag sumama ka sa akin."

"Yung nga po ang problema, Mr. Co."

"Ano ang problema Liz? maibibigay ko naman ang lahat syo."

"Hindi po lahat Mr. Co. Pangarap ko din na pag mag asawa ako ay yung papakasalan ako at binata po."

"Liz, swerte ang maging asawa mo. Ipagpatuloy mo ang maganda mong ugali. Aasenso ka at gaganda ang buhay mo. Minsan lang akong nakakakita ng katulad mo sa panahon ngayon. Hindi nasisilaw sa pera."

"Salamat po Mr. Co.. papuntahin nyo na lang po dito ang Mrs. ninyo para hindi na kayo malungkot." biro ko sa kanya.

"Hahahaha" sabay na tumawa silang dalawa.

"Sige po Mr. Chao,  Mr. Co. dooon po muna ako tawagin nyo na lang po ako pag may iutos kayo. Baka po mapagalitan ako ni Boss, kanina pa po ako nakipag kwentuhan sa inyo."

"Wag ka mag alala.. kumpare ko ang boss mo." sabi ni Mr. Chao.

Tumango na lang ako. Aalis na sana ako ng tinawag uli ako ni Mr. Co.

"Liz, wala ka bang balak lumipat ng ibang trabaho."

"Meron po Mr. Co."

"Goodluck sa paghahanap. Sana mahanap mo din ang ideal man mo."

"Naku! hindi ko po iniisip yun.. bata pa po ako. Magandang trabaho muna ang hahanapin ko."

Tumango at ngumiti na rin si Mr. Co. Umalis na ako sa tabi nila para tawagin si Loida sa order nilang pagkain.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon