Chapter 23

10 0 0
                                    

WILL's POV

Ilang araw na rin na wala akong balita kay Liz. Nakakahiya namang tumawag kasi ilang beses ko ng sinubukan syang kausapin kaya lang ang sabi ng Lola nya ay nasa trabaho sya. Hindi naman alam ng Lola nya kung saan sya pumapasok.

"Lex, billiard tayo!" sabi ko kay Alexander na busy sa pagkalikot ng sasakyan.

"Ayoko, sigurado namang ipakain mo sa akin ang mga bola ng billiards." reklamo nya.

Ayaw na pumayag ni Lex, minsan kasing nag billiard kami ay natalo sya ng mahigit three thousand pesos, hinamon nya kasi ako. Hindi nya alam na magaling ako sa pag bibilliard.

"Hindi noh... laro lang walang pustahan."

"Ayoko, karaoke na lang tayo."

"Ayoko! madaya ka kung kumanta... iniiba mo ang tono."

Magaling si Lex kumanta, maganda din ang boses nya. Minsang sinamahan ko syang magkaraoke ay iniiba nya ang mga lyrics at magaling sya magtimpla ng tono. Ako naman ay hindi marunong kumanta. In short, sintunado.

"Ayaw mo ng billiard, ayoko ng karaoke! Ano na? magtitigan na lang tayo?" biro ko sa kanya.

"Umalis ka sa harap ko! baka di kita matantya... kainin kita ng buhay!"

"Oo na... natakot naman ako syo!"

Pumasok ako sa opisina at inayos ko ang mga school supply samples.

After 30 minutes ay binalikan ko uli si Lex.

"Lex, samahan mo naman ako... "

"Ang kulit! Sige... samahan kita kahit saan mo gustong pumunta at makikinig ako sa mga kadramahan mo pag maayos mo ang sasakyang ito!" sabi ni Lex na parang napipikon na sa ginagawa nya. Hinampas pa nya ng malakas ang hood ng delivery truck.

"Pare, ahente ako hindi mekaniko."

"Ang kulit lang eh noh! Mainit ang ulo ko... kaya pwede na tigilan mo na ako!"

Mukhang wala nga sa mood si Lex, pag uminom kami baka mapaaway lang tong taong to.

Breaktime at ayaw pa rin akong kausapin ni Lex. Talagang naiinis na sya sa delivery truck nya dahil hindi nya alam kung ano ang sira ng sasakyan.

"Kausapin mo na si Boss tungkol sa problema mo! Mukha namang hindi mo na maayos yan." sumandal ako sa dulo ng truck.

"Tigilan mo ako Wil. Pinapakialam ba kita sa problema mo?" masungit nyang sagot.

"Alam mo pare, gutom lang yan. Ay! Mali! Nalipasan ka na pala ng gutom. Alam mo? Masama ang magpalipas ng gutom at lalo lang na di mo maayos ang ginagawa mo. Take a break, have a rice and fried galunggong." asar ko kay Lex.

"Bwisit ka! Pwede bang tigilan mo ako. Maawa ka! Malapit na akong mapuno syo. Baka di kita matantya. Kaya ngayon pa lang maglaho ka na!" sigaw ni Lex sa akin sabay bato ng dos por dos na kahoy.

Humagalpak ako ng tawa ng hindi nya ako natamaan.

"Bading o bakla? Hahahahaha! Ayusin mo ang pagbato. Yung nakakamatay. Ang lamya eh!"

"Papatayin na kitaaaa!"

Patakbong sinugod ako ni Alexander kaya mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa loob ng opisina.

Malapit ng matapos ang breaktime namin at napagdesisyunan kong tawagan si Liz.

Nakalimang ring ang telepono nila ng sagutin ito ng kanyang Lola.

"Hello po. Pwedeng makausap si Liz?"

"Sino ito?"

"Si Will po eto Lola, kakamustahin ko lang po si Liz."

"Nasa trabaho sya Will. Puntahan mo lang sya doon para makamusta mo."

"Hmmm, hindi ko po alam kung saan sya pumapasok eh. Baka alam po ninyo Lola."

"Ang pagkasabi Liz sa Ongpin daw, malapit sa tulay sa tabing ilog."

"Salamat po Lola. Alam ko po ang lugar na yun."

Nagpaalam ako ng maayos kay Lola at lumabas ako para kausapin si Lex.

"Pare, labas tayo mamaya. Libre ko."

"Libre mo mukha mo! Pagkatapos mo akong asarin, manglilibre ka? Yan ba ang kapalit ng pagsabi mo ng sorry?"

"Di uso ang sorry sa akin. Bading lang!"

"Hindi! Bakla!" nakangiting sagot ni Lex.

"Bati na ba tayo? Bestfriend uli tayo?" asar ko sa kanya.

"Sige nga basta payakap muna!" nag inarteng bading si Lex.

"Tang naman Alexander. Sinabi ko naman na iladlad mo na yan eh. Umamin ka na kasing may gusto ka sa akin. Mahirap ang magpigil, parang utot yan eh---" di ko na natuloy ang sinabi ko at lumapit si Alex sa akin na nakadipa ang mga braso at pakembot kembot pa ang lakad. Napaatras ako kasi baka tutuhanin nyang yakapin ako. Maintriga pa kami ng mga kaopisina naming babae at masapak ko lang sya.

Patuloy syang nag inarte na bading at hinampas ako sa braso. "Inlove ako syo pare!" sabi nya at kumindat pa sya sa malanding paraan.

"Alexander! Tigilan mo ako dahil nakakadiri ka! Mabuti sana kung magandang bading ka, tingnan mo naman ang itsura mo. Mukha pa lang nakakasuka na. Ako na nga lang mag isang umalis mamaya. Hindi na kita ilibre, baka sabihin mo dini date na kita! Brrrrr. Nakakakilabot!" hinimas ko ang magkabilang braso ko dahil nagtayuan ang mga balahibo ko sa iniisip ko at tinalikuran ko sya ng tuluyan.

"Okey... Salamat sa imnitasyon pare ko. Sunduin mo ako dito haaaa... " nagtunong baklita pa na sagot ni Lex.

"Sunduin mo mukha mo. Mag isa na lang akong kumain."

Tumawa ng malakas si Alexander. Nakakaasar talaga.

"Matuluyan na sana yang sasakyan mo para di ka makalabas!" ganti ko sa tawa nya.

Di ko na sya nilingon at tuloy tuloy ako sa loob ng opisina.

Hindi ako maka ikot ngayon sa mga customers ko sa field dahil maraming samples na dumating. Nadagdagan pa ng mga panibagong pricelist dahil sa pagtaas ng mga presyo ng produkto.

Naistorbo ako sa katok sa pintuan ko. Nakita kong nakasilip si Lex sa pintuan.

"Di ka pa ba uuwi sa lagay na yan? O dito ka na matutulog?"

"Dito na ako matulog, may reklamo?"

"Wala naman, akala ko kasi sabay tayo ng uuwi. Sige, mauna na ako. Pakisabi sa guard na isara ng mabuti ang gate, baka lumabas ang mga multo... Ikaw din, mag isa ka lang dito, malungkot kaya pag walang kasama." pagkasabi ni Lex ay malakas nyang sinara ang pinto.

Sinilip ko ang oras sa wall clock sa itaas ng pintuan , alas singko y medya na pala. Dali-dali kong niligpit ang natirang mga sample sa ibabaw ng mesa ko at inilagay ko sa box.

Kailangan kong magmadali para makita ko si Liz, ang pag kakaalam ko kasi sa oras ng restaurant na pinapasukan nya na hanggang alas sais lang ng gabi ang bukas nila maliban lang kung miyerkules kasi may mga basketball player na kumakain kaya nag sasara sila ng late.

Malapit na ako sa exit gate namin ng namataan ko si Lex na kausap ang guard.

"Akala ko dito ka matulog. Takot ka na makasama ang mga multo noh!" pang aasar nya.

Natawa naman ang gwardya sa sinabi ni Lex.

Hindi ko sya pnansin at nilampasan ko lang silang dalawa.

"Wil! Pare! Saan ang punta mo? Pwedeng sumama?" habol ni Lex sa akin.

"Makipag date sa mga multo. Gusto mong sumama?"

"Ikaw? Makipag date sa multo? Ipis nga takot ka multo pa kaya!"

Sarap talagang batukan itong si Alexander, ang lakas mang asar.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagmadali akong maglakad. Mabilis kong narating ang Ongpin at naghintay sa tulay malapit sa entrance ng restaurant.

Alas sais y medya na pero di pa rin lumabas si Liz at kahit isa sa mga kasamahan nya sa trabaho ay hindi ko napansin na lumabas.

Pumasok na lang ako sa loob at nakita kong sarado na ang restaurant nila.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon