Chapter 2

88 2 0
                                    

Liz Pov

As usual school- bahay lang ang lagi kong ginagawa. Malalagot ako kay Tatay pag malaman nyang naglalakwatsa ako. Maraming ang nag rereport sa kanya pag nakikita akong kasama ang mga barkada. 

Nasa ilalim kami ng isang malaking puno sa harap ng main building ng school.

"liz nagawa mo ba ang assignment natin?" sabi ni Spike.

Classmate ko sa AB class at isa sa bestfriend ko. Maganda si Spike, malakas ang appeal, boyish ang gupit ng buhok na bumagay naman sa mala tsokolate nyang balat, may pagka hyper at maraming alam na kalokohan.

"Di pa eh, daming kong ginawa sa bahay, ikaw nagawa mo ba?" balik tanong ko sa kanya.

"Ako? Hoy babae milagro pag magawa ko ang assignment natin. Busy ako sa kapitbahay namin, masyadong syang naaliw sa kabaliwan ko. Wait  na lang natin si Richelle sure ako gawa na yun." sabi ni Spike.

Si Richelle best friend ko din. Masipag sya mag aral. Sya lagi ang nilalapitan at inaasahan namin pagdating sa school works. Maputi at makinis ang kutis nya, madalas 7cut ang hair style nya.

"Hello" tipid na bati ni Richelle sa amin.

"Chelle pa kopya." malapad ang ngiti ni Spike. Sabay agaw ng bag nya.

Walang nagawa si Richelle, ngiti lang ang ginanti nya. Ganyan talaga sya tahimik lang at walang imik kahit na pinaglalaruan na ni Spike. Likas talaga ang kabaitan nitong si Richelle, never ko pa syang nakita o nainis man lang sa kakulitan namin ni Spike.

Free time namin ngayon, dito kami madalas tumatambay sa harap ng main building. Parang nakatatak na ang pangalan namin sa ilalim ng punong kahoy na to. Wala kasing ibang gumagawi dito kundi kaming tatlo lang.

"Spike lapit na graduation natin, anu balak mo pagtapos nito?"  tanong ko sa kanya.

"Maghahanap ng asawang may Apat na M" seryoso ang mukha nya.

"Anong apat na M?" inosente kong tanong.

"Hahaha! di mo alam yan? Kaloka ka bestfriend." humagalpak sya ng tawa

Umiling iling lang ako. Malay ko ba sa 4M na yan, baka asawang may  4 milyon.... tango tango... baka yun nga!

Hirap naman hanapin yan. Malamang sa ibang bansa makikita yung hinahanap ni Spike. Kunot noo kong pag iisip.

*toink*

"Aray! makabatok ka wagas!" sigaw ko. "Bobo na nga dinagdagan pa!"

"hahahaha... panu kasi iiling tapos tatango, imba lang? may pakunot noo pang epek" tawa pa rin ng tawa si Spike. Nahawa na rin si Richelle sa tawa nya.

"Spike tama yung desisyon mo.. pag makakita ka ng asawang may 4Milyon wag mo akong kalimutan ha? Bestfriend mo pa rin ako ha?" niyakap ko sya ng mahigpit.

*pak*

"Aray! nakadalawa ka na. Isusumbong na kita kay Tatay." panakot ko sa kanya.

"sus 4M lang di mo pa alam.. " tinanggal nya ang pagkayakap ko sa kanya. "haisst. Ibig sabihin nun Matandang Mayaman Madaling Mamatay." irap ni Spike sa akin.

Si Richelle ngiti ngiti lang habang tumitingin kakulitan namin ni Spike.

"Chelle, anu naman balak mo? tanong ni Spike.

" Punta akong Hongkong. Stay for good na kami dun. Yung bahay namin for Sale na." malungkot na sabi ni Richelle. Sa Hongkong nakatira ang parents nya, sa Auntie naman nya sya nakatira habang nag aaral.

Nalungkot din kami sa sinabi ni Richelle.

"Liz, ikaw.. saan ka naman ipa distino ni Sarhento? Sure ako gawin ka nyang imitation ni Rapunzel, Dadalhin ka ni Sarhento sa matayog na palasyo para di ka makawala sa paningin nya." tinutukoy ni Spike na sarhento ay ang Tatay ko.

"Di ko alam eh,  ang gusto ko kasi magtrabaho sa Manila, baka dun ko makita ang prince charming ko." naka ngiti kong sabi.

"tsk. tsk. tsk.Goodluck syo!" ngiting nakakaloko nyang sabi.

"Salamat ha... bestfriend talaga kita!" irap ko kay Spike.

*******

Nagkaroon ng konting handaan sa bahay namin. Birthday ko lang naman, 18 na ako. Di uso ang debut sa akin, piling kaibigan lang ang inimbita ko. Syempre present si Spike and Richelle.

"Liz, happy birthday!" sabi ni Richelle sabay abot ng regalo nya sa akin. "Sana matupad lahat ng pangarap mo, ingatan mo yan ha" sabi pa nya.

Nagpasalamat ako sa kanya. " Kahit walang regalo ang importante masaya tayo." sabi ko.

" Asus! plastic ka talaga bestfriend, kunwari pwede walang regalo, tapos pag alis namin mag ngangawa, pasalamat ka may binigay pa kami" hirit ni Spike.

"Anong kami?, regalo mo akin na!" pagsusungit ko kay Spike. Ganyan talaga kami mag usap ni Spike, barahan to the max.

"Ay! nakalimutan ko sa tindahan." sabi nya.

"Ah... nakalimutan o wala kang nabili?"  hirit ko pa sa kanya.

Nginitian nya lang ako. " Makauwi ka na!" biro ko pa.

"Wow! ang arte lang ha. Kelan pa nagkaroon ng batas na no gift no party?" resbak ni Spike sa akin.

Nagtinginan na mga ibang bisita ko sa bangayan namin ni Spike. Tuwang tuwa naman sila sa pakikinig. Masyado ilang na eentertain sa sgutan namin ni Spike.

Inirapan ko sya" Ibigay mo ang regalo o pakawalan ko si Nico?" panakot ko kay Spike.

Si Nico ay alagang aso ni Tatay. Ang tapang ng asong yan, pag nakawala sa kulungan nya nang hahabol. Alam nyo din ba kung bakit Nico ang tawag sa alaga ni Tatay ibig sabihin nicotine. Aba sa lakas ba naman mag sigarilyo ng Tatay ko kulang na lang magpatayo na sya ng factory para unlimited cigarette.

"Oh eto na, nang ha harass ka pa" sabay abot ni Spike ng regalo sa akin.

"Ibibigay din naman ina asar pa ako! Kain na tayo, nagugutom na ako sa pakikipag asaran kay Spike." lahat kami pumunta na sa dining table.

Habang kumukuha si Spike ng pagkain, tinabihan ko sya. " Thank you for being my bestfriend" bulong ko sa kanya.

Nginitian nya ako. Masaya ang birthday ko kahit simpleng handaan lang. Pansit, tasty bread, coke at ginataang malagkit lang ang nakahain sa mesa.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon