Chapter 11

68 2 0
                                    

Liz POV

Ang bilis ng araw, three days na ako dito sa Manila. Sana within this week makapag start na ako ng trabaho. Baka biglang umuwi si Lola, mawawala ang lahat ng pangarap ko.

Nasa sala ako at tinutulungan ko si Auntie Fe maglinis. Si Lola naman nanonood ng tv.

"Nay, alis ako mamaya. Hindi na rin muna ako matutulog dito ngayong gabi. Kakausapin ko si Ramon tungkol sa trabaho ni Liz." sabi ni Auntie Fe.

Tumango lang si Lola.

"Liz, maghanda ka na rin ng biodata mo, pagbalik ko bukas baka mag start ka na agad."

"Thank you, Auntie." masaya kong sabi.

Natapos namin ng maaga ang paglilinis ng bahay. Si Lola na ang nagluto ng lunch namin.

Sabay kaming kumain tatlo, si Auntie Gem maaga syang umalis kasi may lakad daw sila ng kaibigan nya.

Pagkatapos naming kumain ako na ang nagligpit at naghugas ng mga plato. Si Auntie Fe ay naghahanda naman para makaalis sya ng maaga.

"Lola, umidlip ka muna sa taas, ako na bahala dito." sabi ko kay Lola.

Kinuha ko ang mga labahan sa kwarto ni Auntie Gem, sinabay ko na din sa paglaba ang mga nagamit ko ng damit at kay Lola.

"Oh! Liz, bakit ikaw ang naglalaba nyan? May pumupuntang labandera dito tuwing sabado." sabi ni Auntie Gem. Di ko sya napansin na nakapasok na pala sya ng bahay.

"Ok lang yun Auntie, wala naman akong ginagawa dito. Sabihin mo na lang sa naglalaba na wag muna syang pumunta ngayong sabado."

"Cge na nga. Sinimot mo na rin ang mga labahan eh." sabi ni Auntie. Nakapalit na pala sya ng pambahay.

"Pagkatapos mo dyan, magpahinga ka na. Wala si Fe ngayon, sa labas tayo kakain ng hapunan, sabay na din natin ang pag go-grocery."

"Ok po Auntie, konti lang naman to eh, magpahinga ka na din muna, sasampay ko na lang to".

Umakyat na si Auntie Gem at tinapos ko ang mga labahan. Sa sala na ako nagpahinga, humiga ako sa mahabang sofa at umidlip.

"Liz, gising. Bakit dyan ka natutulog?" gising sa akin ni Lola.

"Lola, tulog kasi sa kwarto si Auntie Gem, ayoko ko naman syang istorbohin. Pero ok na ako Lola, maliligo na ako. Aalis daw tayo sabi ni Auntie." paliwanag ko kay Lola.

"Di ko alam na dumating sya ah, ang himbing siguro ng tulog ko." ngiting sabi ni Lola. "pagkatapos mong maligo, tawagin mo ako ha."

"Opo Lola." kumilos na ako at naghanda para maligo.

Ready na kami ni Lola ng bumaba si Auntie Gem. Nakangiti sya sa amin ni Lola habang dala dala nya ang towel nya para mag shower na rin.

As usual, taxi pa rin kami papuntang SM Centerpoint. Kumain kami sa Jollibee at nag grocery.

"Auntie, hahanap muna ako nga biodata paper". paalam ko kay Auntie Gem.

"Bakit, kelan ka mag aapply ng trabaho at saan?"

"Sabi ni Auntie Fe, si Tito Ramon daw ang bahala maghanap nga trabaho ko". sabi ko.

"Ah... ok., sa meat section na lang tayo magkita". sabi ni Auntie Gem at hinila na ang pushcart.

Nagtanong-tanong ako sa mga saleslady at di naman nagtagal ay nakita ko rin ang biodata.

Maaga kaming nakauwi. Dali-dali kong niligpit at inayos ang mga pinag grocery namin. Excited na akong gawin ang biodata ko. Kailangan maayos ko din ang mga dapat kong dalhin sakaling matuloy kami ni Auntie Fe bukas sa pag aaply ko nga trabaho.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon