Chapter 18

45 0 0
                                    

Liz's Pov

Hindi ako mapakali sa upuan ko habang tinitingnan ng masama ni Auntie Gem si Auntie Fe.

"Liz, alam ko na kung saan ka nag ta-trabaho." sabi ni Auntie Gem.

"Auntie, anu po ibig nyong sabihin?"

"Hindi restaurant ang pinapasukan mo. Oo, waitress ka nga doon pero pag may makakita sayo na doon ka galing sa lugar na yun, hindi maganda tingnan."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Auntie Gem. Tahimik lang na nakatingin si Auntie Fe sa akin.

"Auntie, wala po akong ginagawang masama."

"Wala kang ngang ginagawang masama, alam ko yun. Pero Liz, alam mo ba kung ano ang pinasukan mo?" pigil ang inis sa boses ni Auntie Gem.

"Opo." sabay tango.

"Hindi! hindi mo alam kung ano ang pinasukan mo!" tumaas na ang boses ni Auntie Gem.

"Auntie, wag po kayong magalit." maiyak-iyak kong sabi.

"Fe, ikaw ang nagpapasok dyan sa pamangkin mo sa lugar na yan... gawan mo ng paraan para makaalis sya. Habang maaga pa. Habang hindi pa alam ni Kuya." nag gagalaiti na sa galit si Auntie Gem.

"Eh, Auntie Gem. Ok naman po ang trabaho ko eh. Walang masama sa pag we-waitress ko."

"Sa ngayon Liz wala pa, eh papanu kung matukso ka sa lugar na yun?"

"Auntie, nag iingat naman po ako eh."

"Kahit na anong ingat mo Liz, kung ang demonyo ay nasa tabi mo, wala kang magagawa."

"Eh, Auntie Gem---..."

"Liz, hindi restaurant ang pinapausukan mo gaya ng iniisip mo. Night club yun Liz! night club! naintindihan mo?" maiyak-iyak na sabi ni Auntie Gem.

"Auntie, ano pong night club?" hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Auntie Gem. Ngayon ko lang narinig ang salitang "night club". Wala sa probinsya nyan.

"Liz, kung ano nakikita mo sa lugar na yun, yan ang sinasabi kong night club." simpleng sagot ni Auntie Gem.

"Liz, wag ka na pumasok bukas, ako na bahala kukuha ng sweldo mo at kakausap sa may-ari." sabi ni Auntie Fe.

"Aba, dapat lang. Gamitin mo naman paminsan-minsan ang utak mo Fe. Inosente ang pamangkin mo tapos pababayaan mo sa ganung trabaho?"

"Wala naman syang reklamo ng nag umpisa pa lang sya eh." sagot ni Auntie Fe.

"Ewan syo Fe. Wag mo nga idamay sa katangahan mo ang pangkin mo!" sabat tayo ni Auntie Gem.

"Liz, maghanap ka ng ibang trabaho pero wag dyan sa pinapasukan mo. Baka mapauwi ka ng di oras." baling ni Auntie Gem sa akin at umakyat na sa taas.

"Auntie, please... wag nyo po ako papauwiin. Hindi na po ako papasok doon." pagmakaawa ko kay Auntie Gem.

Alam kong kayang kaya akong pauwiin ni Auntie Gem. Pero hindi ako susuko, hindi ko pa naabot ang nga pangarap ko.

Papano na ang pinangako ko kay Nanay na tutulong sa pag aaral sa mga kapatid ko?

"Sige. Umakyat ka na at magpahinga." sabi ni Auntie Gem.

"Salamat po Auntie."

Nakapagbihis na ako ng pampatulog kong damit. Bababa na sana ako para mag toothbrush nang narinig ko ang pag uusap nila ni Auntie Fe, Lola at Auntie Gem.

"Nay, kayo na bahala kay kuya ha. Ayaw talaga umuwi ni Liz eh." sabi ni Auntie Gem.

"Tama naman si Liz eh, para makatulong din sya." sabi ni Lola.

"Makatulong nga, muntik lang mapahamak." sabi ni Auntie Gem.

Umupo muna ako sa unang baitang ng hagdanan. Alam kong masama ang makinig sa usapan kaya lang nandito na eh. Kailangan ko din malaman kung ano man ang pinag usapan nila.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Lola.

Kinuwento ni Auntie Gem ang pinasukan kong trabaho.

"Fe, hanapan mo na lang nga ibang trabaho si Liz, tama naman si Bebe eh." walang galit sa boses ni Lola.

"Nay, wala namang masama sa trabaho ni Liz ah!" sagot ni Auntie Fe.

"Anong wala, hindi ka ba makaintindi?" sabi ni Auntie Gem.

"Oo na. Matapos na ito. Bakit pa kasi sinama mo pa yan Nay eh." reklamo ni Auntie Fe.

"Gusto nga makatulong." sabi ni Lola.

Narinig ko na inusog ni Auntie Fe ang upuan nya. Dali dali akong tumayo at pumasok sa kwarto namin ni Auntie Gem. Hindi nagtagal at narinig kong umakyat na sila.

Nagkunwaring natutulog na ako. Kahit hindi pa ako nagkapagtoothbrush ay tiniis ko yun wag lang sila maistorbo.

Tumabi si Auntie Gem sa akin. Hindi rin nagtagal at narinig ko ang paghihilik nya.

Tumalikod ako sa kanya. Tahimik akong umiiyak at nagdasal.

"Lord, tulungan nyo po ako na makamit ko ang simpleng pangarap ko. Ilayo po ninyo ako sa tukso at masasama. Gabayan nyo po ako palagi at sana po dito ko matagpuan ang lalaking magmahal sa akin ng totoo at aahon sa akin sa kahirapan. Wag nyo din po pababayaan ang mga kapatid ko sa probinsya. Bantayan nyo po ang mga magulang ko. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng blessings na binigay mo sa akin." nag sign of cross ako pagkatapos kong magdasal.

Ayaw pa rin ako dalawin ng antok at mas lalo akong umiyak ng naalala ko ang mga kapatid ko. Sobrang miss ko na sila.

Nagkipagkwentuhan ako kay Jesus. Ganun naman talaga ang ginagawa ko eh. Lagi kong sinasabi na wala akong ibang kakampi kundi Sya lang. Hindi din ako mahilig magsabi ng mga problema ko sa ibang tao. Jesus is my Savior and my bestfriend.

Himdi ko na namalayan at nakatulog na ako.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon