Chapter 10

85 2 0
                                    

William POV

Monday.

Ang ganda ng gising ko. Puro tulog ba naman ang ginawa ko buong araw kahapon, di na ako nag dinner kasi ayoko pa istorbo.

"Ate Luz, luto na ba ang almusal?" tanong ko sa hipag ko.

"Nasa mesa, kain ka na lang dyan." sigaw ni Ate Luz habang naglalaba sa laundry room.

Kumain na lang ako mag isa, ang mga pamagkin ko malamang nasa school na. Tiningnan ko ang wall clock,, mag se-seven o'clock na pala. May isang oras pa akong maghanda.

Sa Divisoria lang ang office namin, pwede ko lakarin pag maaga akong umaalis, jeep naman pag medyo late na.

Pagkatapos ko kumain, naligo na ako.

Ready na ako pero masyado yata akong napaaga. Naalala ko si Lex. Matawagan nga. Pumunta ako ng living room at dinial ang landline ni Lex.

"Hello, good morning. Pwede po makausap si Alexander?"

"Walang Alexander dito, wrong number!" sigaw ng kabilang linya.

"G@go! daanan mo ako sa bahay!" sigaw ko din. Alam ko kasing si Lex ang nakasagot.

"Boss ba kita?!"

"Sa labas Boss mo ako! Ikaw ang driver ko eh!" pang iinis ko. Boses bagong gising kasi.

"Di mo ako siniswelduhan kaya wag mo akong utusan, G@go!"

"Madalas naman kita nililibre ah, kulang pa ba yun?!" biro ko pa.

"May araw ka rin!" pikon na sya. Hahaha

"Alam ko, mataas na ang araw, bilisan mo na baka ma-late tayo, maraming delivery ngayon!" sabay baba ng phone.

Quarter to eight na nang dumating si Lex.

"Pare, bilisan mo, baka ma-traffic tayo.. Lagot tayo kay Mr. Lao. Lunes pa naman ngayon." sabi ko kay Lex.

"Pasok na, anu pa hinihintay mo dyan!".

Dala na ni Lex ang delivery van ng opisina, buti naman at di na kami mag j-jeep. Sa Caloocan kasi sya nakatira kaya madaanan nya ang lugar namin pag sa Abad Santos sya dadaan.

Habang nasa daan kami kinulit ko uli ni Lex.

"Pare, mag kwento ka naman!" sabi ko.

"Ano naman ang ikwento ko syo?" sabi nya habang naka concentrate ang mata sa kalsada.

"Cge lang, magsolo ka. Masama ang nagtatago ng sekreto sa kaibigan"

"G@go, sinu tinatakot mo, sabihin mo tsismoso ka!" asar nya sa akin.

"Ako?, tsismoso? Pwede naman sabihin na nag u-update lang ako sa buhay mo. What friends are for!"

"Friends mo mukha mo!"

Nakarating na kami sa office five minutes before eight. Himala at walang traffic sa divisoria. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nagmamadaling pumasok si Lex. Hinabol ko sya at inakbayan.

"Libre kita mamaya, sa dati" sabi ko kay Lex.

"Pass muna ako".

"Ikaw ba yan? ang bait mo.. may himala!" pang aasar ko.

"Sa Sabado mo na ako ilibre!"

Pagpasok namin sa loob ay nag kanya kanya na kami ng lugar. May meeting ako kay Mr. Lao about the products. Si Lex naman nasa delivery area.

Lumipas ang limang araw na di kami masyadong nag uusap ni Lex, sobrang busy kasi ang production. Ako naman, laging hinahabol ang mga customers at ang daming sample products na dapat e promote. Nadagdagan pa na inilipat ako ni Mr. Lao sa Malls and Supermarket area.

Saturday.

Sa wakas, sabado na. Sitting pretty ako sa office. May mga tauhan kami para sa counter and collection tuwing Saturday. Buong araw pinag aaralan ko ang mga bagong products. Moving ba ito or hindi. Imported  photo albums, stationery paper and binders ang product namin.

Si Lex naman ay may half day delivery. Hihintayin ko na lang sya dito sa office para sabay kaming umalis para mag unwind moment namin.

------******------

A/N:

Sorry po, maiksi lang ang POV ni Will.

Promise!!! next Chapters magugustuhan nyo na po.

Ang pagtatapo ni Will and Liz.

Vote and comment din po kayo para mas lalo aking mainspire na isulat ang lovelife ko.

This is a true story.

Thank you so much po sa inyong lahat.

Lovelots,

ACreativeHands

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon