Chapter 14

33 1 0
                                    

WILL POV

"Alexander, ano ba ang problema mo? Kawawa naman yung waitress. Tinakot mo!" sabi ni Will kay Lex.

"Sus!!! parang hawak lang eh! malay ko bang iba sya!" singhal nyang sagot.

"Wag mo akong sigawan ha! Di ka pa lasing di ba? makaasta parang nakarami ka na ah!"

"Di ako sumisigaw. Nilalakasan ko lang para marinig mo! Ang lakas ng music eh!" pang-aasar nya.

"Alam mo Lex, tumayo ka na lang dyan at pumili ka doon ng mahipuan mo." sabay ko turo sa sinabi ng waitress kanina.

"Mamaya na. Kain muna ako!"

"Ngayon na... para pagbalik mo nandito na ang beer mo."sabi ko kay Lex.

Tumayo sya at pumunta sa mga sexing babae sa kabilang dulo. Habang hinihintay ko si Lex at ang dalawa pa naming beer ay tinitingnan ko ang waitress na nag se-serve sa amin sa di kalayuan sa mesa namin.

Binuhos ko ang beer sa baso hanggang sa mapuno ito. Tiningnan ko uli ang waitress... Halata naman na inosente pa sya sa ganitong lugar at trabaho. Masyado pa syang mabait sa mga customer nya. Pag di sya mag iingat baka magaya sya sa mga kasamahan nya dito.

Mabilis na bumalik si Lex sa mesa namin.

"Uh! ang bilis mo ah! nakapili ka na ba?"

"Wala eh, di ko sila type. Lahat luma! hahaha!"

Tumawa sya ng nakakaloko sa sinabi nya.

"Bakit kailangan mo pa ng bago, ikaw nga di pa nagbabago."

"Lol! mauna ka!" sabi ni Lex sa akin sabay inom ng beer.

Hindi ko na sya pinansin. Naubos na namin ang dalawang beer ng paparating ang waitress dala-dala ang inorder kong dalawa pang beer.

"Pare, tanong mo nga anong pangalan nya." sabi ko kay Lex.

"Di na kailangan... basahin mo ang nametag nya. Siguro naman di ka pa lasing para mabasa mo ang pangalan nya.!" pang-aasar uli ni Lex. Sarap batukan!

"Sir, eto na po ang beer nyo." ngiti ng waitress sa akin. Tiningnan ko ang nakasulat sa nametag nya. Liz.

"Miss, pagbalik namin dito ni Lex, nandito ka pa?"

"Sir, di ko po alam eh." tipid na sagot ni Liz.

"Pahingi na lang ng number mo, ok lang ba?"

Tumango si Liz at sinulat ang landline nya sa likod ng order slip. Ang bilis nya magbigay ng contact nya. Di ba 'to nasasabihan ng mga magulang nya na wag magbigay ng information sa di kilalang tao.

Inabot ko ang papel na binigay nya. Nakasulat ang buong pangalan nya at telephone number.

"Pagwala ka dito pagbalik ko, tatawagan kita." sabay tago ko ng papel sa wallet.

Ngumiti lang sya at umalis na.

Nang naubos na namin ang beer ay nag billout na ako. Ayoko kong marinig pa ang pang aasar ni Alexander.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon