Chapter 21

35 0 0
                                    

LIZ's POV

Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Plano ko ding magpaalam kay Auntie Gem na ako na lang ang maghanap ng trabaho. Kung sabagay medyo sanay na akong sumakay ng jeep. Sa Avenida ako maghahanap ng mapasukan kasi sanay na ako magpasikot-sikot dito.

Itinali ko in a missy bun ang mahaba at wavy kong buhok. Nagtoothbrush at naghilamos muna ako bago ko nilabas sa ref ang mga lulutuin ko ngayong umaga.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay inumpisahan ko na ang pagluto.

Pork tosino, sunny side up egg, ensaladang talong, daing na bangus at garlic rice. Sigurado akong magugustuhan ni Lola at Auntie Gem ang almusal namin.

"Liz!" sigaw ni Auntie Fe sa likod ko.

"Auntie naman eh! long time no see." biro ko.

"Oo nga eh. Magaling ka palang magluto pag wala ako."

"Auntie, magaling ako magluto kahit sa probinsya pa ako. Wala nga lang lulutuin." sabay kaming tumawa.

Ganyan si Auntie Fe, moody... minsan sa mood magbiro, minsan masungit pero madalas aburido. Kaya ang bilis nyang tumanda eh. Pag e compare mo ang edad nya sa itsura nya ay napakalayo. Sa edad nyang 22 ay mukha na syang 30. Wag kayong maingay ha. Lagot ako sa kanya. Ayaw pa naman nyang binibiro ang tungkol sa edad nya.

"Sarap ng mga ulam natin. Kasama ba ako sa niluto mo?" natatakam na sabi ni Auntie Fe.

"Ay! syempre. Ano pa ang gusto mong idagdag para maluto ko na bago magising si Auntie Gem."

"Dagdagan mo ng tuyo. Ako na bahala sa sawsawan. Magandang combination yan sa ensaladang talong. Naku! mapaparami ang kain ko nito."

"Sige, Auntie Fe."

"Magdagdag ka din ng kanin. Para pag kulangin ang garlic rice mo, may pang rescue." natawa pa sya sa sinabi nya.

Sinabay ko na ang pagluto ng kanin at tuyo. Ang sarap ng amoy. Malamang magigising ng maaga si Auntie Gem dahil abot hanggang kwarto ang amoy ng piniritong tuyo.

"Liz, aga mo magising ah." sabi ni Auntie Gem.

Sabi ko na nga ba eh, di pa nagsuklay sa kusina na agad ang punta.

"Fe, ano oras ka dumating?" tanong ni Auntie Gem kay Auntie Fe na busy sa paghihiwa ng sibuyas.

"Kanina pa. Si Nanay?" tanong naman ni Auntie Fe kay Auntie Gem.

"Tulog pa yata." sabi ni Auntie Gem.

"Auntie, gisingin ba natin si Lola para sabay tayong kumain?" sabi ko kay Auntie Gem.

"Sige Liz, paki na lang."

Tinanguan ko si Auntie Gem at umakyat na sa taas para puntahan si Lola sa kwarto nya.

"La, gising na pala kayo. Baba na po tayo para sabay na tayong mag almusal."

"Sige Liz, susunod na ako. Liligpitin ko lang ang higaan ko."

Tinalikuran ko na si Lola at naglakad papunta sa kwarto namin ni Auntie Gem. Inayos ko muna ang higaan namin bago ako bumaba.

Sabay sabay kaming kumain na apat. Si Lola ang nag alay ng dasal bago kami kumain.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Ang dalawang Auntie ko maganda ang mood ngayong umaga.

Patapos na kami ng pagkain namin. Lakas loob kong kinausap ang dalawang Auntie ko.

"Auntie, tatlong araw na akong tambay dito. Pwede bang ako na lang maghanap ng trabaho?" palipat-lipat kong tingin sa kanila.

"Liz, Okey lang ba syo na isang fast food chain ka papasok? Mura ang sweldo pero sigurado akong safe ka na doon." paliwanag ni Auntie Fe.

"Walang problema Auntie, ang importante sa akin ngayon ay makapagtrabaho."

"Fe, siguraduhin mo lang na totoong restaurant yan ha." sabi ni Auntie Gem.

"Oo, kahit ikaw pa ang maghatid sundo kay Liz." pagbibiro ni Auntie Fe.

"Wag na. Ikaw na lang. Ikaw may pakana nyan eh."

"Auntie, wag na kayo magtalo. Okey lang naman sa akin na ako na lang amg maghahanap.eh."

"Subukan mo muna doon sa Ongpin, pag hindi mo gusto tsaka ka maghanap ng iba." paliwanag ni Auntie Fe.

"Auntie, kelan mo ako sasamahan sa papasukan ko?" tanong ko kay Auntie Fe.

"Ngayon na. Pagkatapos nating kumain, maghanda ka na para maabutan natin ang opening schedule."

"Salamat Auntie!"

"Ako na Liz magligpit ng pinakainan natin. Maligo ka na para makaalis kayo ng maaga." sabi ni Lola.

"Salamat po Lola."

Patakbo ako umakyat sa kwarto para makapaghanda na ako.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon