Chapter 5

84 1 0
                                    

Liz Pov

"Nay, ingatan mo si Maria Elizabeth dun ha, wag nyo syang payagan umalis na mag isa, maraming sindikato sa Manila." bilin ni Tatay kay Lola.

Nasa Iloilo pier kami ngayon. Ang daming binilin ni Tatay sa akin.

"Anak mag ingat ka dun ha? Bakasyon lang ang usapan natin, pag umuwi ang lola mo sasabay ka. Wag kang lumabas ng nag iisa, maraming loko sa Manila, wag mo rin kausapin ang mga taong di mo kilala. Basta lagi kang mag ingat dun." bilin ni Tatay.

"Opo Tay" tipid kong sagot.

Humalik na ako sa kay Tatay at umakyat na kami ni Lola sa barko. Nilibot namin ang loob ng barko. Masyadong malaki ang barkong Super Ferry 2, sabi ng Lola ko isa daw ito sa pinakamalaking barko sa Pilipinas, first time kong sumakay dito. Tuwang tuwa ako sa loob nito, umaabot sya ng 3rd floor. May cabin, roof deck at ang restaurant nila ay nasa rooftop, may karaoke din dito para malibang ang mga pasahero at may disco room, may upuan sa balkone, maraming common C.R. at ang dami ding double deck bed. Malakas ang hangin at amoy na amoy ang simoy ng dagat pag nasa rooftop ka. Sa pinakababa naman nga barko doon kinakarga ang mga kotse at iba ibang sasakyan.

Sa deluxe room kami ni Lola nag stay, yan ang nakalagay sa ticket. Six persons ang pwede sa loob ng room, tatlong double deck lang sya, tahimik ang loob ng kwarto, hindi katulad sa regular ticket na sa maraming double deck bed sisiksikan ang mga pasahero dagdagan pa ng tambak na mga malalaking karton, bag at maleta. May nakita pa nga akong manok na pang sabong sa loob ng mga boxes at meron din puppy.

"Liz, ok ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo ah" pag alala ni Lola.

"Ah, wala po akong iniisip Lola, naninibago lang siguro ako dito sa barko." sagot ko kay Lola.

"Cge, magpahinga ka muna, matagal-tagal pa ang byahe natin." sabi ni Lola.

"Lola, mga ilang oras po ang byahe ng barko papuntang Manila?" tanong ko.

"Naku, apo mga 19-22 hours pa. Depende sa takbo ng barko at sa panahon." sagot ni Lola.

"Ang tagal naman po." pagrereklamo ko.

"Ganun talaga, pero di mo yan mamamalayan, nasa Manila na tayo lalo na pag gabi na. Pag gising mo maghihintay na lang tayo nga ilang oras Manila na." paliwanag ni Lola.

" Oh. sya, magpahinga muna tayo, mamaya aalis na ang barko" dagdag nyang sabi.

"Opo, magpahinga din po kayo Lola"

Sobrang bait ng Lola ko, 28 lang naman kaming apo nya, konti di ba? Lola ko sya sa father's side, si Lolo buhay pa din, sina Tatay anim silang magkapatid. Pantay pantay ang pagtingin ng Lolo at Lola sa aming mga apo nya.

Si Lola katutubong Ita, ang Lolo ko purong kastila, nagkakilala sila ni Lola nung kasagsagan ng world war 2. Ayan at sorang inlove ang Lolo kay Lola. Happily ever after sila. Kaya nga lahat kaming magpipinsan pango ang ilong, hahaha... ang lakas talaga ng dugo ni Lola. Pero pagdating sa kulay ng balat, mayabang kami... lahat kaming magpipinsan tisoy at tisay, madalas din kaming pinagkamalan na nag susuot ng contact lense dahil sa mata namin na mana din kay Lolo, light brown ang kulay.

Tiningnan ko si Lola sa kabilang deck, tulog na sya. Naalala ko ang regalo na binigay ni Richelle, kinuha ko ito sa di kalakihang shoulder bag ko. Maganda ang pagkagawa ni Richelle ng gift box, binuksan ko ang box at todong nakabalot pa ito sa gold crepe paper. Natuwa ako sa regalo nya, porcelain golden Buhhda, ang ganda kaya pala goodluck charm ang tawag dito. Maayos kong binalik sa box ang Buddha.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon