Chapter 24

12 0 0
                                    

WILL's Pov

Dalawang linggo ang nakalipas na hindi ko nakita si Liz. Bumalik ako sa Ongpin sa restaurant na pinapasukan nya at nagkita kami. Hinintay ko sya hangang sa uwian nila para ihinatid sya pauwi at makausap ko din sya.

Hindi ko ugali ang maghatid ng mga babae na nakilala ko kung saan man sila nakatira pero etong si Liz ay parang magnet kung hinlain nya ako. Naramdaman ko namang wala syang interest sa akin kasi parang kaibigan lang talaga ang turing nya sa akin pero eto ako, pilit kong isinisiksik ang sarili ko para mapalapit sa kanya. Madalas pang binibigyan ko sya ng oras kesa sa dati kong ginagawa kasama si Lex o ang mga kabarkada ko.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko pero kailangan ko pa ng konting panahon para masiguro kung totoo nga na gusto ko sya.

Paglabas ni Liz sa restaurant ay nginitian nya lang ako at tuloy-tuloy syang naglakad. Hindi ko alam kung nahihiya ba sya na kasama ako o hindi lang sya sanay na may kasamang lalaki sa paglalakad.

Minsan nagpapahuli sya sa akin at minsan naman ay nauuna syang maglakad. Pakiramdam ko ay parang natatakot sya na may makakita sa kanya na may kasabay na lalaki na naglalakad. Hindi kasi sya mapakali at panay ang linggon nya sa kung saan.

"Wag kang matakot sa akin, hindi kita kakagatin." biro ko sa kanya.

Ngumiti lang sya bilang sagot.

"Kamusta naman ang trabaho mo?" bumagal ang paglalakad nya at sumasabay na din sya sa akin.

"Mahirap at nakakapagod, pero kaya ko pa naman." sabi nya sa malungkot na boses.

"Magkano pala ang sweldo mo dyan?"

"Twenty five pesos per day lang."

"Twenty five pesos!!!" napataas pa ang boses ko sa pagkagulat. Compare sa sweldo ko na fifteen thousand a month sa sweldo ni Liz na seven hundred fifty a month minus pa ang day off na apat na araw, pagkain at pamasahe. May matitira pa kaya sa kanya?

"Bakit nagttyaga ka sa ganun kababa na sweldo Liz? Kulang pa nga sa pamasahe mo ang sinisweldo mo."

"Yun nga Will ang pinoproblema ko sa ngayon kasi baka hindi ako makapagpadala sa probinsya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Nanay at pagmalaman pa nya na waitress lang ang trabaho ko ay baka pauwiin nila ako."

"Subukan mo kayang mag apply sa mga department store."

"Di ba pag mag apply dyan eh kailangan may referrals at back-up? Isa pa second year college lang ang natapos ko, baka di ako qualified dyan."

Nasa avenida na kami at naghihintay ng jeep papuntang Sta. Mesa.

"Liz, baka gusto mong kumain muna tayo bago ka umuwi."

"Baka kasi pagalitan ako ni Auntie Gemma pag late na ako makarating sa bahay." may pag alala sa boses ni Liz.

"Magpaalam ka sa kanya, tawagan natin siya at magpaalam ka ng maayos."

Tumango naman si Liz bilang pag sang ayon.

Naghanap kami ng telepono para makatawag sa bahay nila. Hinayaan ko na mag usap ang magtyahin at pagkatapos ng ilang minuto ay ngumiti sya sa akin.

"Ale, bayad po sa tawag." inabot ko sa bantay ang bayad ng telepono.

"Pumayag ba ang auntie mo?"

Tumango lang sya bilang sagot.

Tumawid kami sa kabilang kalsada papuntang Jollibee.

Magkasabay kami ni Liz pumuntang counter at nag order.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon