Chapter 12

62 2 0
                                    

LIZ POV

3:00pm

Yan ang oras ng pagbukas ng restaurant na papasukan ko. Nakaupo kaming mga waitress sa isang sulok habang hinihintay ang mga papasok na customers. Napansin ko na inaayos ng isang lalaki ang disco ball sa gitnang stage. Nakita ko din na meron DJ disc, may sarili syang cubicle sa tapat ng center stage. Sa kabilang cubicle naman ay mga magaganda at sexing babae. Halos kasing edad ko lang sila. Nakikita ko ang pag me-make-up ng mga babae sa loob dahil sa clear glass lang ang nakaharang dito. May mahaba silang upuan at mahabang salamin. May lagayan din sila ng mga mamahalin nilang make-up set.

Di nagtagal ay pumito na ang guard tanda na mag OPEN na restaurant. Nagulat ako ng pinatay ang ilaw. Taging dim light lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Bigla akong kinabahan. Tumunog ang napakalakas na disco music. Medyo nawala ang kaba ko at napalitan ng excitement. May mga pumapasok ng customers at dahil sa first day ko pa lang ay tinuturuan pa ako.

"Liz, idikit mo to sa damit mo." tiningnan ko ang hawak ni Ate Gina.

"Name tag yan. Para makilala ka ng customers mo."

Nagpasalamat ako at kinuha ko ang name tag at idinikit sa kanan bahagi ng damit ko.

"Flashlight, may dala ka?" tanong ni Ate Angie.

Silang dalawa ang umaalalay at nagtuturo sa akin. Mas matanda sila ng six years sa akin.

"Wala po eh." sabi ko.

"Bukas mag dala ka na ha? Tsaka yung uniform natin, any white shirt or blouse and black skirt." sabi Ate Gina.

"Ako muna magpahiram ng flashlight, may extra ako sa bag. Saglit at kunin ko." sabi ni Ate Angie.

Dali-daling umalis si Ate Angie para kunin ang flashlight. Mamaya may tumawag kay Ate Gina. Sabi nya si Madam Glory daw yun. Supervisor namin. Bakit di ko siya kilala. Ganyan ba ang magtrabaho sa Manila, di uso ang magpakilala?

Sinundan ko ng tingin si Ate Gina. Lumapit sya sa dalawang lalaki malapit sa center stage. Nginitian nya ito at kinausap. Nakita kong binuksan nya ang flashhlight. Inilawan nya ang menu at nagsulat. Di nagtagal at iniwan na ang mga customers nya.

"Liz, eto na ang flashlight mo. Okey na ang battery nyan, pag tinawag ako ni Madam Glory sumunod ka ha!." sabi ni Ate Angie.

Tumango ako habang nililibot ko ang mga mata ko. Di ko makikita kung ano ang itsura ng mga customers dahil sa dilin ng paligid. Lahat umiinom ng beer at yung iba naninigarilyo.

"Liz!" sigaw ni Ate Angie.

"Po!" lingon ko sa kanya.

"Tawag tayo ni Madam Glory".

Tumayo ako at sinundan si Ate Angie. Lumapit kami sa isang sulok na may apat na lalaki. Malayo ang pwesto nila sa center stage. Mas madilim dito dahil di na naabot ng dim light.

"Liz, ikaw mag ilaw sa menu. Ako kukuha ng order." sabi ni Ate Angie.

Tumango ako at nakinig sa mga sinasabi nya. Kailangan ko matutunan ang mga dapat gawin kasi bukas baka ako na mag isa ang gagawa nito.

Di ko napansin ang oras at nine o'clock na ng gabi. Marami na rin akong natanggap na tip galing sa mga customers ko.

"Good evening, everyone!!! Iiiittttttt'ssss SHOWTIME!!!" excited na sigaw ng DJ sa microphone sa loob ng kanyang cubicle.

Nagsisigawan at naghihiyawan ang mga customers. Yung iba medyo lasing na.

Tumunog ang music. "Careless Whisper". May lumabas na sexy, maputi at magandang babae na naka sando bra at sobrang nipis na long skirt sa gitna ng stage. Nag sexy dance sya, gumiling ng gumiling. Napasigaw ng husto ang mga tao sa loob ng tinanggal nya ang long skirt nya. Naiwan ang sando bra at bikini shorts nito. Malapit ng matapos ang music. Unti- unti syang lumapit sa mga customers na may hawak na perang tig twenty pesos, fifty at one hundred bill. Pinahawak nya muna sa kanyang legs ang mga customers na nagwawagayway ng pera sabay sabit sa beywang nya.

Nagulat ako sa nakita ko. Di ko inexpect na may restaurant palang ganito.

Itinuloy ko ang pag serve at pag asikaso sa mga customers ko.

Lumalim ang gabi at mas lalong nagiging hot ang mga sumasayaw sa stage. Merong panty at bra lang ang tinitirang saplot.

Twelve midnight. Dumating si Auntie Fe para sunduin ako. Nagpaalam ako kay Ate Gina at Ate Angie. Nagpasalamat din ako sa mga itinuro nila sa akin.

"Ingat sa pag uwi, Liz".

"Opo. Kayo din po." at nauna na kaming umalis ni Auntie Fe.

Habang nasa jeep kami ni Auntie Fe ay tahimik lang ako. Iniisip ko kung anong klaseng restaurant ang napasukan ko. Bakit may babaeng sumasayaw na nakahubad, halos lahat ng customer umiinom ng alak, madilim, mausok at maingay. Makakatagal kaya ako sa trabaho kong to? Pero okey naman ang sweldo ko. Marami akong natatanggap na tip sa mga customers ko, mababait pa nga ang binibigay ni Madam Glory sa akin. Pinakamababang tip na binibigay ay twenty pesos.

Sasabihin ko kaya kay Auntie Gem ang trabaho ko? Wag na lang kaya... baka magalit sya kay Auntie Fe. Ay! Bahala na.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon