Chapter 8

55 1 0
                                    

Will POV

Pyawsi! ( mura ng mga Chinese) Ang sakit ng ulo ko. Buti na lang linggo ngayon. Ano kaya nangyari kay Lex kagabi.

Nasa 2nd floor ang kwarto ko pero dinig na dinig ko ang ingay sa dining room namin. Sigurado akong nag aagawan na naman ng pagkain ang mga pamangkin ko.

"Uncle, bangon na! Tanghali na! Pinag aagawan na ang grasya! Uncleeeee!" sigaw ni Valerie.

Sa edad kong to dito pa rin ako nakatira sa luma naming bahay sa Bambang. Bunso eh, anu magawa nila. Buhay principe ako. Wala na akong Mama, namatay sya sa sakit na diabetes nung 19 ako. Si Papa, Ahya Virgil at pamilya nya ang kasama ko sa bahay. May apat silang anak, isa lang ang lalaki at tatlong babae.

Si Valerie ang paborito kong pamangkin, makulit, chubby, kulay papel ang balat at magaling magluto.

"Uncle, ayaw mo pa bang bumangon? Dala ko na arinola ni Angkong, pampagising mo! Uncle.... akyat na ako!" sigaw nya uli.

*Angkong - chinese word ng Lolo

Oo, pure Chinese ako. Ang Mama at Papa ko ay pure Chinese. Dito na kami ng mga kapatid ko pinanganak sa Pilipinas pero hindi kami Filipino Citizen. Nagbabayad kami yearly sa Phil. government sa pag s-stay namin dito. Magaling akong magtagalog, pero pagkausap ang mga kapatid at Papa ko ay nag fo- fookien language kami.

Narinig ko ang pagdabog ng papakyat na paa ni Valerie, bigla akong bumangon at hawak hawak ang ulo ko.

"Ayan, wala kang mapapala sa pag inom na yan! sakit lang nga ulo ang makukuha mo!" pagsesermon nya sa akin. Kung makapagsalita tong batang to kala mo mas matanda pa sa akin, eh 14year old pa lang naman sya.

"Sesermunan mo ako o wala kang alawance ng buong linggo" biro ko.

"Sus! Ikaw talaga Uncle, di ka na nasanay sa akin. Lika ka na, ako ang nagluto." paglalambing nya.

Sabay na kaming bumaba para kumain.

"Kape ko, nasaan?" sabi ko kay Valerie.

"haissst! kung makautos!" inis nyang sabi. "mag asawa ka na kasi para may taga gising at taga timpla ka ng kape mo!"

"Di ko pa nakita!"

"Bilisan ang paghahanap, maiiwan ka sa byahe!" sabay abot ni Valerie ng kape ko.

Di ko na pinansin ang pang aasar nya.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako.

Matutulog na lang uli ako.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon