Chapter 9

79 0 0
                                    

Liz POV

"Liz! Liz! gising na" pag yugyog ni Lola sa balikat ko.

"Lola, anong oras na po?"

" Mag alas sais na, bumangon ka na at maghanda, tumawag na si Auntie Gem mo, pauwi na daw sya."

"Opo Lola" napansin kong bihis na bihis na si Lola.

"Si Auntie Fe po Lola, nakabihis na ba?"

"Oo, cge na. Sa baba lang ako".

Bumangon na ako at dali daling bumaba para mag shower. Mabilisang ligo ang ginawa ko. Ayaw kong maghintay si Auntie Gem sa akin.

Pababa na ako ng nasalubong ko si Auntie Gem.

"Liz, buti naman at ready ka na. Magpalit lang muna ako ng damit. Lika, samahan mo ako sa kwarto."

Sumunod ako kay Auntie paakyat uli ng kwarto.

"Liz, syo pala to". may inabot na paper bag si Auntie Gem sa akin. Jelly Bean ang nakatatak dun sa bag.

"Thank you, Auntie."

Tiningnan ko ang laman nun at nakita ko ang ternong pink walking shorts at sando.

"Auntie, siguro ang mahal nito." nginitian lang ako ni Auntie.

Ayoko din magtanong kung ano ang work nya kasi kayang kaya nyang bumili ng mga signature na damit. Di ba sabi nga nya mind your own business. Nagpapasalamat na lang ako kay Papa Jesus na binigyan nya ako ng mabait at mapagbigay na Auntie.

Natapos na din si Auntie sa pagbihis, sabay na kaming bumaba.

"Fe, nakatawag ka na ba sa guard para ikuha tayo ng taxi?" tanong ni Auntie Gem kay Auntie Fe.

"Oo, mag bu-buzzer daw sya pag meron na."

"Nay, saan mo gusto kumain?" tanong ni Auntie Gem kay Lola.

"Bahala ka na Be, ... ako naman ang itatanong mo eh wala akong alam sa mga kainan dito sa Manila." ngiting sabi ni Lola.

***buzzzzz!

"May taxi na, labas na tayo" sabi ni Auntie Fe.

Pagkalabas namin ay may naghihintay ng taxi.

"SM Centerpoint lang Kuya" sabi ni Auntie Gem.

In 10 minutes na SM na kami. Ang lapit lang pala, bakit nagtaxi pa. Si Auntie talaga.

First time kong nakapasok ng mall. Wala kasi ito sa probinsya namin. Ang laki-laki ng mall na to. Tiningala ko pa ang malapad na building at nakita ko ang nakasulat sa taas na SM Centerpoint.

Habang hawak hawak ako kay Lola papasok ng mall ay panay naman ang lingon ko, kaliwa, kanan. Wow, ang ganda ng mall na to tsaka ang lamig lamig pa. Di naman sinabi ni Auntie Gem na magdala ako ng jacket, mahina pa naman ako sa lamig.

Huminto kami sa isang kainan, Max Restaurant ang nakasulat sa gilid nito bago ka makapasok sa loob. May tinanong ang isang babaeng nakauniform. Matangkad at maganda sya.

"Good evening, table for how many, Ma'am?" tanong nya.

"Table for four please." sabi ni Auntie Gem.

"This way na lang po, Ma'am" nagwagayway pa sya ng kamay nya.

Sinundan namin ang nag assist sa amin. Tinuro nya sa amin ang four sitter table at binigyan nya kami ng menu book. Umupo ako katabi ni Auntie Gem, kaharap ko si Lola at magkatabi naman sila ni Auntie Fe.

"Call our waiter na lang po Ma'am pag ready na ang order ninyo". Pagkasabi nun umalis na ang babae.

Isa-isa kong tiningnan ang picture ng pagkain, lahat masasarap. Tiningnan ko ang presyo.... nagulat ako.

"Auntie, ang mahal dito, lipat tayo sa mura." bulong ko kay Auntie Gem.

"Ssshhhh, don't mind the price". balik bulong ni Auntie Gem sa akin.

Di nagtagal at tinawag na ni Auntie Gem ang waiter.

"Yes Ma'am? what's your order?" tanong ng waiter.

"One medium size rice, regular whole fried chicken, small pansit canton, sinigang na hipon, lumpiang shanghai and four buko pandan." sabi ni Auntie Gem.

"How about the drinks Ma'am?"

"Water na lang". sabi ni Auntie Fe.

Habang hinihintay namin ang inorder ni Auntie Gem ay nagkwentuhan muna kami.

"Liz, anong balak mo?" tanong ni Auntie Gem.

"Auntie, ayaw ko na mag aral. Gusto ko na magtrabaho. Sabagay natapos ko na din ang 2year course ko."

"Ano bang course mo?" sabi ni Auntie Fe.

"AB Associate in Arts. Sakaling ituloy ko ang pag aaral ko, accredited lahat ng subject ko sa Education, 3rd year na ako ngayong pasukan." paliwanag ko sa kanila.

"Sayang naman pag huminto ka". sabi naman ni Lola.

"Eh, La.... mag aaral kasi si Olive ng midwifery eh. Baka di na kayanin ni Tatay ang tuition namin. Pag makakita ako ng magandang trabaho dito matutulungan ko pa sila Nanay at Tatay."

"Sabagay, pag yan ang gusto mo, ipapahanap kita ng trabaho kay Tito Ramon mo." sabi ni Auntie Fe.

"Salamat Auntie. uhhhhmmm, sinu pala si Tito Ramon?" tanong ko kay Auntie Fe.

Napatakip ako ng bibig, nagulat naman sina Lola, Auntie Gem at Auntie Fe sa ginawa ko.

"Auntie, sorry. Di ko kasi kilala si Tito Ramon."

"Ok lang yun, di naman against the rule ko ang sinabi mo eh, boyfriend sya ni Auntie Fe mo. Hayaan mo, makilala mo din sya." sabi ni Auntie Gem.

Tumigil kami sa pagkukuwentuhan ng dumating na ang pagkain. Halos napuno ang dalawang mesa sa inorder ni Auntie Gem.

"Auntie, ang dami. Panu natin maubos to?" sabi ko.

"Wag mo na isipin yun. Pag di maubos, take out natin para di na magluto si Fe bukas." paliwanag ni Auntie Gem.

"Liz, tingnan mo ako kung papano gamitin ang mga ito sa ganitong uri ng restaurant. Di pa ito mamahaling restaurant pero makakatulong to syo." bulong ni Auntie Gem sa akin sabay turo sa table napkin, spoon and fork, knife, soup bowl, may kutsarita at dalawang plato na magkapatong.

Pinagmasdan ko lahat ng mga ginawa ni Auntie Gem at sinunod lahat ng sinabi nya.

"Good, mabilis ka naman pala turuan eh" ngiting sabi ni Auntie Gem.

Basic lang kasi yan, pagyayabang ko...pero sa isip ko na lang yun. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Natapos na kaming kumain at marami din kaming nai-take-out. Dahil sa maaga pa naman ay napagpasyahan ni Auntie Gem na mag window shopping muna.

Marami akong nakita na gustong bilhin, hindi sa sarili ko kundi para sa mga kapatid ko.

Kailangan ko magkapagtrabaho kaagad, kahit anong trabaho. Bago pa ako pabalikin ni Tatay sa probinsya.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon